Chapter 4

13 3 0
                                    


Maka lipas ang pitong taon si Lora ngayon ay nag t-trabaho na bilang isang board member sa Astro game company na isa sa mga sikat at malalagong company sa Denmark.

*Ang naka raan*
Matapos ang gabing hindi makakalimutan sa dahil sa sakit naging malaking epekto ang kaniyang panaginip sa kaniyang pag-aaral dahil dito ay bumagsak siya sa mga subjects na hindi naman sya ganon dati. Isa siyang honor student na competitive, palasagot, at puro perfect ang mga sagot niya sa quizzes at exam ngunit ngayon lahat ng iyon ay nag bago mula ng kaniyang mapanaginipan si asher.

"Anak, alam ko kung bakit ka nag kakaganyan, ayusin mo naman pag-aaral mo lora, kalimutan mo na ang nangyari, panaginip lang ang lahat anak, kalimutan mo na ang panaginip na iyon at mag focus ka sa iyong pag-aaral, huwag mong pabayaan ang sarili mo, tignan mo ang iyong katawan, ikaw sy namamayat na dahil hindi ka kumakain kakaisip sa iyong napanaginipan. Anak ako na aawa sayo" sabi ng kaniyang inang lumuluha dahil sa awa sa kaniyang anak.

Na pag tanto ni Lora na kaylangan niyang mag step forward at kalimutan ang lahat ngutin alam nya ding makakalimutan nya ang panaginip nya ngunit ito ay naka tatak na sa kaniyang isipan at damdamin na kaniyang dadalhin hanggang sa pag-tanda niya.

Mula nung araw na pagsabihan ni Lourdes ang kaniyang anak na si lora ay ginawa nito ang kaniyang makakaya upang maka move on sa nangyari at mabawi ang mga palakol niyang grades at para maka balik sa honor list.

"Anak mamaya na iyang pag-babasa, kumain ka muna dito at sabayan kami ng iyong ama at kami ay may roong magandang balita para sa iyo anak" sigaw ni louders sa kaniyang anak mula sa kusina hanggang sala ng kanilang bahay.

"andiyan na po, liligpitin lang po itong mga pinag gamitan ko at susunod na po diyan sa kusina para kayo po ay aking maka sabay inay!" sigaw nito sa kaniyang ina para ito ay kaniyang marinig.

Habang sila ay kumakain hindi maiwasan mag tanong ni Lora dahil sa sinabi ng kaniyang ina kanina na mayroon daw itong sasabihing maganda balita. "inay? ano po ba ulit yung sasabihin ninyo ni tatay?" tanong nito sa kaniyang ina habang sumusubo ng kanin.

"Ay oo nga pala, buti pina-alala mo haha" tawa nito.

"Ano kasi anak sabi ng kumare ko kung p'wede ka daw ba niyang kunin bilang isang manager pag tapos mo mag-aral ng Master's in business administration (MBA)" saad nito sa kaniyang anak na nagulat sa kaniyang sinabi.

"Ha? ano po? s-sige po, sayang naman po ang apportunity kung tatanggihan ko pa, yung grasya na nga ang lumalapit tatanggi pa ba ako" saad nito habang naka ngiti at may halong excitement sa muka.

Ng ma tapos ang 4 na taon na pag kuha ng  siya sa kursong Master's business administration (MBA) siya ay dali-dali nag pasa ng requirements sa kumpanya ng kaibigan ng kaniyang ina, astro game company ang pangalan ng kumpanya, sila ay gumagawa ng mga online games ngunit ang trabaho ni Lora ay ang pagiging manager, taga check ng mga documents, ng mga reports at ng mga files ng mga impleyado ng kanilang kumpanya.

Ngayong araw August 24, 2030 ang kaniyang 2nd anniversary sa kumpanya at ngayon din siya ma p-promote bilang board member ng kanilang kumpanya.

Mula ng siya ay ma promote bilang isang board member ay mas lalo niyang pinag butihan sa pag t-trabaho ngunit hindi parin maiwasan ni Lora na ma-alala ang kaniyang panaginip noong sya pa ay high school.

*Kasalukuyan*

Oo 7 years, 7 years niyang kinalimutan ang panaginip nya sa pamamagitan ng pag tutok sa kaniyang pag-aaral at pag t-trabaho ng maaigi dahil ito lamang ang nakikita niyang paraan para kaniyang maka limutan ang nangyayari 7years ago ngunit alam niya sa sarili niya na naalala parin niya ang panaginip niya at minsan siya ay nag mumukmok sa isang gilid at umiiyak nang.

*Lora's POV*
Ngayon ako ay nag hahanda pumasok sa kumpanya na aking pinag t-trabahuhan, "panibagong araw panibagong pag subok at gawain sa kumpanya, nakaka pagod pero kaylangan mag sipag para sa aking ina na nag gagamot dahil siya ay nay diabetes. Kaya Lora self, kaya mo to! laban lang! mahal mo ang iyong trabaho at ang iyong ina dba? kaya laban lang!" pag papatibay nito sa kaniyang sarili upang lumaban muli sa pag subok ng buhay, ito ay lagi na niyang sinasabi sa sarili bago pumasok sa kaniyang trabaho.

"Ms. archie p'wede mo bang ipasa sa akin ang mga files ng mga bagong employee? if you don't mind ngayon na sana para ma evaluate ko na sila, thank you!" saad ni carl na kanilang CEO sa Astro Game company.

"Sige po sir, I'll check the files muna sir then i will send it to your email later po" sambit ni Lora kay clark ng naka ngiti dahil naniniwala si Lora na kapag sinimulan mo ngumiti pag gising mo ang iyong buong araw ay magiging maganda. Kaya mula noon hindi mo makikita si Lora naka sibangot sa kaniyang trabaho maliban nalang kung malaking problema ang dumating sa kaniya tulad ng na admit ang kaniyang ina na si Lourdes sa Hospital dahil sa diabetes.

"Sir na isend ko na po pala yung files sa email mo po" sabi nito kay clark.

"Ah sige, thank you!" saad nito kay Lora ngunit bago pa maka alis si Lora sa kaniyang harapan may inutos muna ito.

"btw Ms. Archie p'wede mo ba ako ibili ng coffee sa think tea, balita ko kasi masarap ang coffee dun sabi ni froilan" sabi nito kay Lora na may malumanay na tono at sabay inabot ang black card nito.

"bumili ka na rin pala ng miryenda mo" pahabol ni clark bago umalis si  lora para sundin ang inuutos nito.

Ako ngayon ay paalis sa kumpanya dahil inutusan ako ng aming CEO kahit na alam kong madami pa akong gagawin kaso hindi ako maka tanggi sakanya dahil sya ang CEO ng kumpanya.

Hindi pa ako nakaka layo mula sa kumpanya ako ay may naka bungguang lalaki dahil ako ay nag lalakad lang dahil sabi ni clark ay malapit lang ang store.

"Ouch!" reklamo ni Lora dahil ang lalaki ay may malalaking dibdib at braso siguro ito ay nag g-gym.

"Sorry" talikod nito kay Lora at nag patuloy mag lakad na tila ba walang nangyari.

"suplado nito siya na nga naka sakit, tse!" pag irap nito sa lalaki ngunit hindi pa nakaka layo ang lalaki ng biglang sumigaw si Lora.

"Sandali sir?" sigaw ni Lora sa lalaki ngunit hindi narinig ng lalake ang sigaw ng babae.

"M-may kamuka ka" sigaw ni Lora.

"May kamuka siya, tila ba siya ay akin ng nakita sa isang lugar na special sa akin." sambit ni Lora sa kanyang sarili na may pag tataka......

When I Met You Where stories live. Discover now