Chapter 3

47 19 4
                                    

"Bat kayo mag kasama ng kuya-kuyahan mo?" Taning sa'kin ni Rica

"Nagkasabay lang kami sa Jeep, tas binigay niya din sa'kin yung almusal ko" Sagot ko

"Wait lang ha" Nalilitong sabi ni Aira

"So! Nagpapansinan kayo ng kuya-kuyahan mo?" Tanong ni Daniela

"Oo kanina sa may waiting ng mga jeep" Sagot ko

"May ikukuwento ka samin mamaya" Sabi ni Aira

Tumango lang ako saka lumapit kay Gian na nakikipag kwentuhan sa mga tropa nito.

"Good Morning" Bati ko sa kanila

"Good Morning din Nika" Bati naman nila sakin

"Una na kami sa room tol, hintayin kana lang namin don" Paalam nila kay Gian

"Sige mga tol" Sabi nito at saka lumingon sa'kin. "Are you okay?" Tanong niya sakin

"Hmm" Sagot ko. Nagulat naman ako na bigla ako nitong hinalikan sa noo

"Jusko po si anteh, landi-landi pati ba naman dito sa school naglalandian" Inggit na sabi ni Aira

"Sus inggit kalang!" Pang-aasar ko dito

"Ako inggit? Asa ka baka nga makatuluyan ko pa si Papa Aj e" Pagmamayabang nito saamin

"Asa" Sagot ko nang dahilan ng pagtawa namin ng malakas

"Pasok na kayo baka mag start na class niyo" Sabi saamin ni Gian

"Ayaw mo lang ako makasama e" Pagpapabebe ko dito, agad naman nitong ginulo ang buhok ko

"Ikaw talaga, syempre gusto pero anong oras na oh" Sabi niya sabay tingin sa orasan ng cellphone niya. "Malapit na mag start class niyo baka mamaya malate kayo" Paalala nito na ikinabaha ng nguso ko.

"Oo nga tara na, baka malate tayo sa fist class natin, baka malagot tayo" Pangsangayon ni Rica

"Okay fine" Walang ganang sabi ko. Hinawakan naman ni Gian kamay para mawala yung tampo-tampuhan ko.

Nagpaalam nako sa kanya saka na kami umalis para pumunta sa room namin, umalis na din siya at pumunta na din sa room nila.

"Dika naba inaaway ng step-mom mo?" Tanong ni daniela habang naglalakad kami, umiling-iling lang naman ako.

"Sa ngayon hindi pa! Pero asahan mo sa susunod na araw lalabas nanaman sungay non" Inis na sabi ni Rica

"Alam mo naman yung step-mom ni Nika, bumibilo lang yun ngayon" Sabi ni Aira

"No ba kayo pabayaan niyo na! Buti nga dina ako inistorbo kagabi nong pag-uwi ko" Sabi ko

"Dika nga inistorbo, di ka naman pinansin" Sabi ni Daniela

Magsasalita pa sana si Aira kaso andito na kami sa harap ng room namin kaya tumigil na silang magsalita.

"Hayst, dito nanaman po yung triong magkakaibigan" Parinig ng mga classmate namin kila Daniela, Rica at Aira.

"Excuse me! Classroom din namin to no!" Mayabang na sagot ni Rica

"Classmate ka pala namin! Akala kasi namin outsider kayong tatlo" Pang-aasar na sabi Cristine

"Outsider ba kamo?" Galit na tanong ni Rica kay Cristine

"Di ka naman siguro bingi! Para di mo marinig ano?" Pang-iinis nito lalo kay Rica

Bago pang tuluyang mang-init ang ulo ni Rica ay pinigilan kuna to tsaka ko binulungan ito.

"Bayaan muna mga yan, tama na" Kalma kong sabi na ikinatango nito.

THEY ARE ALL HATE YOU UNTIL (ON-GOING)Where stories live. Discover now