May lumabas na isang matangkad na babae, morena ito. Nginitian ko siya. Nginitian niya din ako ito ba si Naya? Ang laki na.

Mabilis din naman kami umalis, doon kami nag umagahan deretsyo na kami papunta sa San Jose.

Nanatili kaming tahimik ni Aiden sa kotse siya naman ang nag d-drive nag presinta siya ayaw ko sana pero pinipilit niya ako. Kahit anong galit ko sa kanya nalambot pa din ang puso ko.

Namimiss ko siya pero hindi na pwede.

Takot na ako mahalin siya.

Tumikhim siya kaya napatingin ako sa kanya, "Friends?" Tumawa siya ng mapakla.

Kumunot noo ko. "What?"

"Kaibigan na lang ba, paano pinagsamahan na'tin mahal pa din kita at hindi ako susuko sa'yo."

Hindi ko siya tiningnan naramdaman ko pag kirot ng aking puso. "Oo, magkaibigan na lang tayo. Sumuko kana Aiden hindi tayo para sa isa't isa, at hindi na din kita mahal hangga't maaga sumuko kana dahil hanggang kaibigan na lang kayang ibigay ko sa'yo."

My traitorous tears fell because of what I said, I said even though I love him, I don't want him anymore.  We really aren't meant for each other until we become friends.  I can only give him friendship, not love.
Tumahimik siya sa sinabi ko. Hindi ko na siya tiningnan dahil ayaw kong makita na umiiyak siya dahil sa'kin.

Nakatingin lamang ako sa paligid, nagagandahan ako sa paligid ng mindoro madaming puno at bahay na maliliit. Abra pa lang napupuntahan ko. Hindi ko pa napupuntahan iyong, Paluan kung saan nakatira sila Izza.

Hindi ko pa din siya tinitingnan abala pa ako sa pagtingin sa paligid, minsan napapangiti na lamang ako. Ramdam ko na minsan natingin siya sa'kin. Dahil sawa na ako sa pagtingin sa paligid. Kinuha ko ang aking phone at earpod at nagpatugtog na lamang, pinatugtog ko ang kalawakan  habang nakatingin ulit sa paligid ng mindoro.

Binuksan ang ang bintana ng aking kotse at nagsilipadan ang aking buhok. Pumikit ako at napangiti. Chorus na iyon, walang tigil ang pagtibok ng puso ko sa hindi malaman ang dahilan.

"Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan." I sang.

"Kapag kapiling kang tumititig sa kawalan. Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan nating dalawa, na'ting dalawa."

"Halika na, sa ilalim ng kalawakan
Samahan mo akong tumititig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan nating dalawa, na'ting dalawa."

Minulat ko ang aking mga mata at napatingin sa lalake, hindi ko alam na nakatingin na pala siya sa'kin mabilis siyang umiwas at ganoon din ako.

Nanatili pa ding nakabukas ang bintana, sinandal ko ang aking ulo sa bintana at pinikit ang aking mga mata, nakaramdam kasi ako ng antok. Kaya naman hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Tumulo ang aking luha habang nakatingin sa lalakeng pinakaminamahal ko. Nakaluhod siya sa'kin habang nakangiti, walang tigil ang pag agos ng luha ko sa saya.

"Yimnia Vicky Grearta, will you marry me?" Madaming nagsigawan sa tanong niya.

Napatakip ako sa aking bibig para pigilan humikbi.

Huminga ako ng malalim. "Y-"

Naputol panaginip ko ng may biglang nagbukas ng pinto kaya naman napasandal ako sa kaniyang dibdib. Tiningala ko ang lalake seryoso siyang nakaringin sa'kin kaya mabilis akong umayos ng upo at sinamaan siya ng tingin.

"Hindi mo man lang ako ginising, bigla-bigla mo na lang binuksan. Naputol tuloy panaginip ko." Inis ko siyang inirapan at bumaba na.

Narinig ko na tumawa ang lalake. Hindi ko alam ang bahay nila Leon, sinabi lang sa'kin kung anong barangay sila kaya naman lumapit ako sa isang matandang babae. Nasa tapat kami ng bakery shop na ang pangalan ay Reina's Bakery Shop.

Trials Of FateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora