KABANATA 3.

16K 618 47
                                    

KABANATA 3.

NAKAHINGA ng malalim si Aleera nang makita niya ang kanyang report card para sa final grading. Hindi siya bagsak sa Philippine Literature. Nagbunga ang paghatak niya sa sarili sa kama ng maaga. Nagbunga na ang mga hikab at antok na tiniis niya sa pinaka ayaw niyang subject.

"Aleera, may interview daw para sa OJT natin next year. Saang company ba gusto mo?" tanong ni Senya sakanya nang sabayan siya nito sa paglalakad palabas ng paaralan.

Napakibit balikat lamang siya rito.

"Kung saan ako pumasa, doon ako." Sagot na lang niya. Napasimangot naman sakanya ang babae.

"Ang KJ mo naman! Dapat doon tayo sa company na maraming gwapo para ganahan naman tayo mag-trabaho," kinikilig pang sambit nito. Napailing na lang si Aleera sa tinuran ni Senya. Sanay na siya rito na mahilig sa magagandang lalaki. Ang hindi niya alam ay kung bakit siya nito dinadamay.

Pauwi na sana si Aleera pero nakatanggap sila ni Senya na may emergency meeting daw para sa mga IT students. Agad silang pumunta sa lecture room kung saan naghihintay na ang ibang studyante.

Halos manlumo si Aleera nang malamang wala silang sem break. Kailangan nilang maging early enrollee dahil ang kanilang sem break ay gagamiting oras para sakanilang pre-OJT.

Matapos ang meeting ay agad na umuwi si Aleera. Hindi pa siya nakakababa ng traysikel pero tanaw niya ang kanyang Ina na may kausap, o mas madaling sabihin na ka-argumento.

"Ilang beses ko bang sinabi sa'yo, Caridad! Ayaw na ayaw ko sa aso! Bakit mo ba hinahayaan na gumala ang alaga niyo?! Kung 'yan ay may nakagat na tao, mag-a-abuna pa kayo!" galit na sabi ni Luna. Agad siyang na nilapitan ni Aleera ang Ina at hinigit ang braso nito.

"Ma, tama na po. Pasok na tayo sa loob," hinila niya ang braso ng Mama niya pero hindi ito nagpatinag.

Dinuro naman siya ni Caridad gamit ang kamaypay nito.

"Hoy ikaw, Luna! Huwag mong idadamay ang aso sa galit mo sa akin, ah?! Akala mo ba hindi ko alam na naiinggit ka sa akin dahil mas marangya ang buhay ko kaysa sa'yo?!" mayabang na saad ni Caridad. Nakasuot ito ng pulang daster at ang kulay bulawan nitong buhok ay naka-set. Nagmukha itong Donya-wannabe.

"Aba't 'yang bunga-nga mo Caridad ayusin mo kung ayaw mong itusok ko sa'yo 'tong walis tingting na hawak ko!"

"Mama! Tama na po!" buong lakas na hinila ni Aleera ang kanyang Mama papasok sa gate nila. Ayaw na ayaw niyang nakikipag-away ang Mama niya lalo na kay Aling Caridad lalo na't kilala itong tsismosa sa baranggay nila.

"Ano ba, Aleera! Bakit mo ba ako—"

"Mama naman! Hindi niyo dapat pinapatulan ang mga kagaya ni Aling Caridad. Hayaan niyo na lang po siya. Ayaw ko pong araw-araw may maririnig akong tsismis tungkol sa'yo dahil lang sa inaway mo siya." Seryosong sabi ni Aleera sa Ina. Para namang natauhan ang kanyang Ina at nagbaba ng tingin.

"Pasensya ka na, anak. Hindi ko lang talaga nagustuhan ang pag-pasok ng aso niya sa gate natin," nagbaba ng tingin ang Mama niya. Niyakap niya 'to.

Ayaw na ayaw ng Mama niya ng aso. Hindi naman sinabi sakanya kung bakit, pero magtataka pa ba siya? Ang daming kinatatakutan ng kanyang Mama.

"Sa susunod po, lagi na nating ila-lock ang gate para wala nang papasok na aso o kung ano mang hayop," tipid niyang nginitian ang Ina.

Nang makapasok sila sa loob ng bahay ay agad na kinuha ni Aleera ang kanyang report card at pinakita sa Ina. Maganda ang mga grade niya sa Major subject kumpara sa Minor.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Marked by the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon