KABANATA 1.

19.7K 682 24
                                    

KABANATA 1.

HAWAK-HAWAK ni Aleera ang report card niya para sa mid-term. Bagsak nanaman siya sa Philippine Literature. Mukhang pinag-iinitan siya ng kanyang Professor sa pagiging late niya lagi sa klase nito. Hindi niya kasi talaga kayang gumising ng maaga at pumasok ng alas syete ng umaga. Mas gugustuhin niya pang pumasok sa night class kesa ang gumising ng maaga. Pero imposible 'yon dahil bukod sa wala namang Night Class sa paaralan niya, alam niya sa sarili niya na hindi siya papayagan ng Ina na magpagabi. Masyado itong istrikta 'pagdating sa oras ng kanyang pag-uwi. Kapag lumagpas sa alas siyete ng gabi ang uwi niya ang naghe-hesterikal na ito.

"Lagot nanaman ako kay Mama. Sermon nanaman ang aabutin ko sakanya kapag nakita niya grades ko," nag-aalala niyang sabi sa sarili. Napalinga siya sa hallway ng building na kinatatayuan niya at mag-isa lamang siya. Alas sais na nang hapon at nagpaiwan talaga siya kasi nga kakausapin siya ng Professor niya sa PL.

Binuksan niya ang backpack niya saka inipit ang report card sa Notebook niya. Hindi niya hahayaan na makita ng Mama niya ang grades niya. Gagawan niya ng paraan para makapasa siya. Hindi siya aabot sa pagiging 3rd year College bilang IT kung hindi siya madiskarteng babae. Matalino siya pero hindi niya talaga hilig ang literature. Mas nais niyang mag encode ng mga code sa HTML, PHP, at Java. Mas mage-enjoy siya kung mag-so-solve siya ng mga equation sa Math, sa statistics, o Algebra.

Lumabas sa Administration building si Aleera at nadaanan ang parking lot ng paaralan. Nakita niya ang magarang kotse at sumakay ang isang sosyal na babae at lalaki. Si Paula at Paulo-ang kambal na half siblings niya. Napangiti siya ng mapait. Hindi nga pala alam nito na kapatid niya 'to. May dalawa pa siyang half siblings na si Liberty, ang panganay na anak ng Tatay niya, at si Yano-na siyang nakakakilala sakanya bilang half-sister nila. Ang kambal lang talaga ang madalas niyang makita kasi ka-edad niya.

Kahit naman pinalaki siyang mag-isa ng Nanay niya, hindi sila pinabayaan ng Tatay niya. Mayaman ito kaya nasustentuhan siya nito. Kaya nga nakakapag-aral siya sa isang Private School, eh. Wala nang relasyon ang Nanay at Tatay niya. At kung magkikita sila, 'yon ay tungkol lamang sa kapakanan ni Aleera.

Bago pa mag alas syete ay nakauwi na siya sa bahay nila. Naabutan niya ang kanyang Mama na nagluluto sa kusina at naamoy niya ang niluluto nitong Adobo. Maliit lamang ang bahay nila. Isang bungalow na bahay na kasya ang isang maliit na pamilya. Ang gusto ni Aleera dito kasi marami silang kapitbahay. Kahit maiingay ang ibang kapitbahay niya, ay mababait at masayahin ang mga ito. Kaya nga dito pinili ng Mama niya manirahan. Hindi niya alam pero ayaw na ayaw nang Mama niya ng isang tahimik at walang tao na lugar. Para bang may phobia itong mapag-isa.

"Ma! Nandito na po ako," sigaw niya mula sa salas habang papasok sa kusina. Nilingon siya ng isang kwarenta anyos na babae. Nakapusod ang buhok at suot-suot ang dilaw na apron. Hindi makakaila na maganda pa rin si Luna kahit nagka-edad na.

"Late ka ata. Dapat kanina ka pang alas singko y media," sabi nito habang sinasalin ang Adobo sa bowl.

"M-may make up class lang po kasi, Ma." Nakangiting sambit ni Aleera. Nilapag naman ng Mama niya ang ulam sa lamesa at kumuha naman ang dalaga ng isang pirasong karne. Nag-thumb up siya sa Mama niya na ibig sabihin ay masarap. Nginitian siya nito saka tumalikod para ilagay ang kawali sa lababo.

"Kumusta pala ang araw mo?" tanong nito habang naghuhugas.

"Ayos naman po," pagsisinungaling niya. Ayaw niyang sabihin dito na may bagsak nanaman siya.

"Ipinadala na pala ni Mariano ang laptop na pinabibili mo. Nasa ibabaw ng kama mo nilagay ko." Aniya ng Mama niya.

"Oo nga po. Nagtext po sa akin si Papa kanina. Hindi na po ako magtitiis sa computer nating laging namamatay kapag na-sobrahan sa gamit," natatawang sambit niya. Dahil IT student si Aleera kaya required sakanya ang magkaroon ng Laptop. Highschool pa lang siya nang bilhan siya ng Papa niya ng personal computer kaya doon siya gumagawa ng mga project niya. Pero ngayon na nagloloko ang computer niya ay hiniling niya sa Papa niya na ibili siya ng Laptop.

Marked by the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon