Bumagsak ang mga balikat ko. Palaging ganito ang balita kapag tungkol kay Papa. Walang bago..at nawawalan na rin ako ng pag-asa na muli namin siyang makikita.

Almost six years had passed and nothing's new. Hindi pa rin namin alam kung nasaan na si Papa at kung anong tunay na nangyayari sa kaso niya. Hanggang ngayon hindi pa rin namin maintindihan kung bakit bigla na lamang nawala si Mama at si Samuel.

Hindi na namin sila muling nakita.

Siguro dahil..hindi na rin namin pinagtuunan pa ng pansin ang paghahanap sa kanila.

Dahil mas tinutukan namin ang mga sarili sa mga nagdaan na mga taon. Paano namin hahanapin sila kung kami mismo ay halos lugmok din at tumatanggi nang umahon?

Hindi ko alam kung paano ako nakaalis noong hapon na iyon sa harapan niya at kung paano ako nakaabot sa sakayan. Sinalubong pa ako ni Ate George na punong-puno ng mga luha ang mukha dahil inakala niyang hindi na raw ako makakahabol.

Tulala ako hanggang sa nakarating kami sa bahay na tinutukoy ni Ate George. Inabot kami ng umaga sa pagbyahe. Maliit lamang iyon, maaliwalas ang lugar palibhasa'y nasa gitna ng mga puno at malayo sa kabihasnan.

Nagustuhan ko iyon sapagkat sakto lamang sa aming dalawa.

Sa aming dalawa..na hindi ko inakalang madagdagan pa.

Nang nasa pangalawang linggo kami roon ay doon ko na sinimulang obserbahan ang sarili. Nagigising ako sa kakaibang sakit ng tiyan ko hanggang sa takbuhin ko ang maliit na banyo at halos yakapin ko ang bowl doon habang sumusuka. Nagigising na lamang si Ate George at siya ang magsisikop ng buhok ko.

Noong una ay inakala naming nasira lamang ang tiyan ko sa kinain, kaya hindi ko na pinagtuunan iyon ng pansin, ngunit nang dumalas ang bawat umaga kong halos iyon palagi ang nangyayari ay doon na ako kinutuban.

Ate George stared at me seriously. I looked away to hide my nervousness.

"Tapatin mo nga ako, Chenniah, anong nangyayari sa'yo?" Ani Ate isang umaga noong iduwal ko ang niluto niyang sinigang. "H-Hindi na ako naniniwalang nasisira ang tiyan mo sa mga niluluto ko. Pinatikim ko ito sa kapitbahay natin at masarap naman daw! Hindi sumakit ang mga tiyan nila kaya.. bakit? Anong nangyayari sa'yo?"

Nakagat ko ang dila at muling hinilamusan ang mukha.

"Chenniah," nagbabanta ang mga tinig niya.

Unti-unti kong naramdaman ang kakaibang sakit ng pagtibok ng puso ko sa isiping..baka nagdadalang tao ako.

"A-Ate, buntis yata ako.." hot tears rolled down my cheeks.

Tila nawalan ng lakas si Ate George at inis na lamang akong hinila para yakapin. Humagulhol ako habang dinadama ang yakap niya.

"Pupunta tayo bukas sa bayan para ipatingin ka, tahan na.. nandito ako, hindi ko kayo pababayaan," iyon lamang ang sinabi niya at hindi na siya muling nagtanong.

Ipinagpasalamat ko iyon dahil kahit noong nakumpirma namin na buntis nga ako at hanggang sa lumalaki iyon ay hindi siya kailan man nagtanong sa akin.

Dahil hindi ko rin alam ang isasagot ko sa kaniya kung sakali.

"Sana lalaki 'yan," si Ate George isang gabi habang nagpapahinga ako sa labas ng bahay namin.

May kahoy na upuan doon sa harap ng bahay namin at tahimik lamang akong nakatitig sa kalangitan.

"Ano pa bang ginagawa mo riyan? Baka mahamugan ka pa, pumasok ka na rito."

Ngumuso ako at hindi siya pinakinggan. "Gusto kong maging babae ito," hinawakan ko ang tiyan kong medyo may kalakihan na.

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now