Chapter 2

525 13 10
                                    

Finally, the wedding is about to end. Tapos na ang program sa reception and everyone was just chatting around over cocktail drinks and desserts kaya naman relaxed narin si Kayla and Issabelle. Sandali nalang and this Wedding Of The Year will be history. Kaliwa’t kanan din ang praises na nareceive ng dalawang wedding planners from the guests and marami ang nag-inquire sa kanila about their service. No doubt that in an instant, sumikat sila.

“Belle, pupunta lang ako sa labas ha. I need some fresh air.” Paalam ni Kayla sa kaibigan pagkatapos ay umalis na.  

“Hindi pa ba fresh ang air dito? Eh outdoor itong reception.” tanong naman ni Issabelle sa sarili habang nakatingin sa palabas nyang kaibigan.

Now feeling the exhaustion, Kayla walked palabas ng Amphitheater para mag- sight-seeing. They’ve been in Baguio specifically sa Camp John Hay for a week now pero hindi pa sya nagkakaroon ng time to appreciate the place dahil narin sa wedding. Habang naglalakad, may nakita syang hallway garden na parang may fountain sa dulo. At first she hesitated to walk dahil parang ang layo pero na-curious sya what’s on the end kaya tinuloy nya ang paglalakad patungo doon. When she reached the fountain, she was astounded with the landscape. Ang mga halaman ay hugis angels na animo’y gawa ni Edward Scissorhand and the water in the fountain was so clear that she was able to see her reflection visibly. Nag-ikot ikot pa sya ng tingin and she felt na gumaan ang pakiramdam nya. Parang sa isang iglap ay nawala lahat ng pagod nya that day. Then she saw a doorway surrounded by flowers, para itong pintuan papasok sa isang maze. But she didn’t bother to enter and instead ay umupo nalang siya sa may upuan and closed her eyes para ma-relax. Huminga sya ng malalim and then smiled. Suddenly, a man appeared from the doorway.

“Hello there!” nakangiting sabi ng lalaki. Biglang dilat naman ng mata si Kayla. Nagulat ito na may tao pala.

“Oh Hi!.” matipid na sagot ni Kayla at ngumiti rin ito sa lalaking naglalakad papalapit sa kanya. Unang tingin palang ay napansin na ng dalaga na parang napaka prim and proper nito. Sabagay, nung dumaan palang nga ito kanina sa harapan nila ni Issabelle ay parang nakakita na sya ng anghel. Hindi nya inexpect na makakausap nya pa pala ito.

“Congratulations for the job well done! Everyone’s impressed.” The man said looking straight to her eyes and offered his right hand for a handshake na automatic nya namang inabot. The grip was tight so Kayla felt weird. With the man’s looks, the genuineness seemed unusual. Parang sobrang modest yata nito, she thought to herself.

“It’s our job to make a dream wedding come true.” Kayla answered with a smile. Tumango tango naman lalaki habang nakatingin parin sa dalaga at nakangiti.

“Thank you for making Cassey’s dream wedding to reality. By the way, I’m Francis Gino Yan, cousin of the bride.” Kiko introduced himself.

“Kayla Sy, the wedding planner.” She said with a laugh. Kiko laughed too.

“Nice to meet you, Kayla! So, I’m going back to the reception… How about you?” Kiko asked.

“Go ahead. I’ll just stay here for a while.”  Sagot naman nito. She didn’t want to look na parang gusto nyang makipag moment sa lalaki kaya para walang issue, hindi nalang sya sasabay.

“OK.. Nice to meet you again and thank you so much.” He then again offered his right hand for another handshake. When Kayla took the hand with her right, Kiko raised his left. Dalawang kamay na niya ang may hawak sa kamay ng dalaga. She felt the tight grip again and got confused. What is wrong? Parang ngayon lang may tumingin sa kanya ng ganun, tila walang pagnanasa. And from that moment, she sensed that this guy is different. She took a deep breath at tinignan nya lang ito habang naglalakad palayo sa fountain.

Love Beyond Love (KimXi Fanfic)Where stories live. Discover now