Chapter 5

581 16 7
                                    

Pagdating nila ng Baguio ay dumiretso na agad sila sa simbahan para sa seminar. Kayla, being the wedding planner acted as the spokesperson narin kaya naman wala nang ginawa pa ang apat maliban sa maghintay. After few minutes, sinabihan na ang apat na participant na pumasok sa loob kung saan gaganapin ang seminar.

One of the downside of being a wedding coordinator are times are like this kung saan naghihintay sila ng matagal. Kaya maganda talaga na may kasama para hindi boring. Pero dahil wala si Issabelle, walang choice si Kayla kundi ang umupo nalang sa tabi at libangin ang sarili habang nagaganap ang seminar. Ayaw niya ring magstay sa loob ng service van dahil natutulog doon ang driver. Kaya apparently, sa may waiting area nalang ito umupo at nakipag small talk kay Aling Rosario sa reception.

  

Twenty minutes palang si Kayla sa kinauupan nya nang dumating si Kiko at lumapit dito.

“Hi Kayla! Katatapos lang ng briefing ko sa kanila… Ngayon palang sila kakausapin ni Father Cleo. Ayos ka lang ba dito?” paliwanag at tanong ng batang pari sa dalaga.

“Yes, Father. OK lang po. I’ll just wait here.” Nakangiting sagot naman ng dalaga then she slightly bowed her head. As usual, nakangiti lamang si Kiko habang nakatayo sa kanyang harapan.

“Almost two hours kang maghihintay dito. Mabobore ka lang. Do you want to join me instead? We had some major repairs here and I’m about to walk around.” pagyaya nito sa kanya. Gusto sanang tumanggi ni Kayla dahil pagod rin sya sa byahe ngunit tila nag-second the motion naman ang matandang babaeng ka-kwentuhan nya.

“Oo nga po Ms. Kayla! Pwede ho kayong umaakyat sa stone staircase sa labas may carving na po ni Mama Mary yung taas at pwede kayong magtirik ng kandila.”  May pagmamalaking sabi ng matandang babae sa kanya. Halata na proud sila sa mga pagbabago sa simbahan kaya to be polite ay tumayo at sumama na lamang ito.  

“Diretso ba kayo dito from Manila?” tanong ni Kiko sa dalaga habang naglalakad.

“Yes, Father. Overnight lang po kami dito uuwi rin kami bukas.” Sagot naman ni Kayla. Naglalakad sila ngayon sa gilid ng simbahan kung saan bawat pader ay may painting showing each Stations of the Cross. Kayla is wearing her usual skinny jeans and white polo blouse habang si Kiko naman ay pari na pari ang itsura dahil sa suot nitong black na may chinese collar style at may puti sa gitna.

Sa painting palang ng unang station, panay na ang kwento ni Kiko about the story behind it. Si Kayla naman ay nakikinig lang, amazed by the things she is discovering dahil hindi nya yun alam kahit pa sabihin nyang every week siyang nagsisimba. Tatlong station palang ang natatapos ipinta kaya naman hindi na sila dito nagtagal. They walked going to the other side ng simbahan dahil naroon nga ang stone staircase na ipinagmamalaki ng matandang babae kanina.

When they reached the stone staircase, nagulat si Kayla dahil napakataas pala nito. Napapansin nya ito madalas from a distance everytime na pumupunta sya doon ngunit hindi pa sya nagkaroon ng time na malapitan ito or mapuntahan. After all, during Cassey’s wedding preparation ay under construction palang ito. Kaya naman laking gulat nya nang marealized nyang matarik pala ito kapag nakatayo sa mismong ibaba nito.

Love Beyond Love (KimXi Fanfic)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant