Kabanata XLIX

Magsimula sa umpisa
                                    

Walang importanteng gagawin? Diba may usapan tayo?

sent 4:53pm

From: Asher

Wala din naman tayong gagawin

received 4:55pm

To: Asher

Sinabi sabi mong gusto mong magkita. Tapos ngayon sasabihin mo 'yan? Tangina naman Asher. Gusto kitang makita, bwisit ka bahala ka nga sa buhay mo.

sent 4:56pm

"Adrian,"

"Ano?" inis na tanong ko kay Von.

"Tinatanong ka ni Ate kung anong oras ka uuwi."

Huminga ako sa ilong ko at kinalma ang sarili ko. Napalunok ako. Eto nanaman Asher. Eto nanaman tayo. "Mga 10 siguro ate nasa bahay na ako."

"Ihahatid ka ni Asher?"

"Opo."

Tumango 'yung kapatid ko, "Saan kita ibababa?"

"Sa Harbor Point ate, doon daw kami magkikita."

"Okay."

Tinignan ko ulit 'yung phone ko at napisil 'to nang makita na ni-read niya lang.

Mga bandang alas-sais ay ibinaba na ako ni Ate Sky at Von sa Harbor Point. "Mag-text ka Adrianna ha," bilin pa ni Ate.

"Opo."

Nag drive na sila paalis at agad na bumigat ang pakiramdam ko. What now? Pumasok ako sa mall at agad na napayuko. Nagkunwari akong nagt-text para hindi mahalata ng mga tao na mag isa ako. Napakagat ako sa ibabang labi ko at napatawa. Mukha akong tanga. Naihilamos ko 'yung kamay ko sa mukha ko.

May nakita akong mauupuan kaya naman nagpunta ako doon at halos ibagsak na ang sarili ko. Nanghihina ako at naninikip ang dibdib ko. Bwisit ka Asher. Bwisit ka. Napapagod na ako sa'yo.

Wala naman akong importanteng gagawin

Ano pala ako Asher? Diba may plano tayo. Bwisit, mukha pa akong pokpok sa suot ko. Tinanggal ko 'yung flannel na nakatali sa baywang ko at ibinalot 'to sa sarili ko. Bralette tapos high waisted shorts? Masyadong revealing. Akalain mong sinuot ko 'to para lang kay Asher na hindi naman pala makikipag kita sakin? Nakaka gago.

Napatakip ako sa mukha ko. Sana pala sumama nalang ako pauwi kina Ate at sinabi nalang ang totoo na hindi kami matutuloy.

Pero letche naman kasi. Umaasa parin ako na makikipag kita si Asher tutal nasa labasan na din naman siya.

Maghihintay nalang ako. Ma gui-guilty 'yun at susunduin ako dito.

Makalipas isang oras, naiiyak na ako.

Sino bang pwedeng kong i-text para samahan ko? Shit. Uuwi ako ng mag isa ganito ang suot ko. Ang tanga mo Adrianna. Ang tanga tanga mo. Kailangan ko ng makakasama na iba.

To: Enrico

Asan ka? Kita naman tayo :(

sent 5:34pm

Hindi nagtagal ay nag-vibrate 'yung phone ko. Agad akong napatingin dito.

From: Raymark

Hi

received 5:36pm

Nangunot ang noo ko. Raymark? Sino nga pala ulit 'to? Binasa ko 'yung ibang messages namin at agad na na-realize na eto 'yung kaibigan ni Ralex na pinagselosan ni Asher.

STASG (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon