PROLOGUE

1 0 0
                                    

“Candice! Bilisan mo, late na tayo!” rinig kong sigaw ni Maya na ngayon ay nasa hagdan na't papunta sa klase namin. Binilisan ko ang pag ligpit ng mga gamit sa locker ko at dumeretso na sa kinaroroonan ni Maya.

“Eto na!” sigaw ko sakanya. Nang naabutan ko sya ay sabay na kaming tumakbo papunta sa classroom namin.

Sobra na ang kaba ko nang tumunog na ang bell at hindi pa namin naabutan ang silid aralan namin.

Hindi pwedeng ma-late na naman kami, kundi mapapalinis na naman saamin ang buong palapag ng building na ito!

Minadali ni Maya ang pag bukas ng pinto nang nakarating na kami sa classroom namin. Laking pasasalamat ko at wala pa ang unang Teacher namin.

Umupo na ako sa pwesto ko na nasa harapan dahil isa ako sa mga pinaka maliit ang height. Hindi naman sa nagrereklamo ako, pero para narin sinabi nilang putot ako.

Tumabi narin si Maya sakanyang pwesto na nasa likod ko habang hinigingal.

“Oy, swerte nyo nalang talaga at wala hindi na si Ma'am Cruz ang subject teacher natin
ngayong sem, kundi maghapon nyo na namang lilinisin ang buong palapag dito!” lumingon ako sa kaklase naming nagsalita na si Daryl.

“Hindi na? So may bago tayong teacher?” tanong naman ni Maya na nasa likod ko at nag papaypay gamit ang kanyang notebook.

“Siguro. Sabi kasi kanina ng Principal na sa ibang section na daw mag ho-homeroom teach si Ma'am Cruz at dito raw saatin ang bagong teacher.” sabi ni Daryl.

“Hay salamat, mabuti nalang! At least hindi na mangkukulam ang una nating makikita tuwing umaga.” saad naman ni Maya.

Nag ligpit nalang ako ng mga gamit ko sa bag habang nag uusap ang mga kasama ko tungkol sa bago naming homeroom teacher.

Inayos ko narin ang sarili ko at nag punas ng pawis galing sa pag takbo namin ni Maya kanina. Sinuklay ko narin ang maiksi kong buhok gamit ang aking mga daliri.

Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto ng classroom namin at isinuka nito si Kia sabay ng kanyang pag tili na para bang kinikilig bago tuluyang pumasok sa classroom.

“Owemji Guys! Nakita nyo na ba yung new subject teacher natin?!” pasigaw nyang tanong bago umupo sakanyang pwesto na katabi ni Daryl.

“Sobrang gwapo nya!” tili nya at hinampas hampas pa si Daryl sa sobrang kilig.

Nakuha naman ni Kia ang mga attention ng ibang babae at baklang kaklase namin. “Hoy Kia! Umayos ka nga, maski gwapo kuno ay nagkaka ganyan ka na?” sabi ni Daryl.

Napasimangot naman si Kia sa sinabi ni Daryl. “Tse! Nagseselos ka lang ata kasi crush mo 'ko!” nagsi tilian naman ang mga kaklase namin sa sinabi ni Kia.

“Hala sya, si Kia 'di pa naka move on.” pang aasar naman ni Maya. “Hoy Kia, matagal na akong naka move on sayo 'no!” saad ni Daryl bago tumayo sa harap ni Kia na para bang nag sesermon.

“At isa pa, sa tingin mo ba'y papatol sayo yang bagong teacher nayan? Bente-Uno palang tayo uy!” may halong pagpatuloy na may halong pandidiring sabi ni Daryl.

Tumayo rin si Kia, at ngayon ay medyo magka lapit na ang kanilang mukha bago sya nagsalita. “For your information, hindi sya masyadong matanda! He's just 25 and an engineer-teacber pa sya!” tili ni Kia.

Aba't nakasagip na ng mga impormasyon si Kia tungkol sa gwapong teacher na'yan.

“Ikaw talaga Kia, pag may gwapo nagiging si Gas Abelgas ka. Mag criminology ka nalang kaya at lumipat ka ng section.” pang aasar naman ni Justin.

“Tse!” inis na sigaw ni Kia.

Napa tahimik ang lahat ng may bumukas ng pinto. Pumasok dito ang principal naming si Ma'am Santillian at napa upo na ang lahat sa kanya-kanyang upuan.

“Good morming, everyone.” pagbati nito at ng naka ngiti bumati rin kami pabalik.

“I am here to announce that Ma'am Cruz, your previous homeroom and first subject teacher, is now assigned in the strand of ABM. That means she wont be able to be momitoring your section every morning from now on,” anunsyo nito.

Napatingin naman ako kay Kia na ngayon ay excited na naka tingin sa bukas na pinto. Di koan kita kung sino, pero alam kong may naka tayo roon dahil kita ko ang anino nito.

“Hence, You'll be having a new teacher. So please be at your best behavior.” saad ni Ma'am Santillian bago tumungo sa pinto at kinausap ang kong sino ang nasa likod nito.

Muling bunalik si Ma'am sa harap at pinagpa tuloy ang pagsalita. “And for a short information, he's also an engineer. He's current project is our new branch located in Kamias.”

Tama nga ang sinabi ni Kia, isang engineer nga ang bagong professor na 'to.

Binaling ni Ma'am Santillian ang kanyang attention sa lalaking nasa labas at akma na itong papasukin “Come on in, Sir.”

Sa pagpasok ng lalaki, ay hindi ko makita gaano ang mukha nito. Naka suot ito ng navy blue polo, habang naka tiklop ang mga sleeves nito hanggang siko. Pares naman ang suot nyang itim na slacks. Maayos namang naka gel ang buhok nito at may suot na salamin na sinusuportahan ng matangos nyang ilong.

Sa pag harap nito, ay lumaki ang aking mga mata at para akong nanigas saaking kina uupuan nang makita ko ng buo ang mukha nito.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba ng mag tama ang aming mga mata.

“Sir, kindly introduce yourself,” ani ni Ma'am Santillian at pinatayo ito sa harap. Bago magsalita ay muli na naman nya akong tinapunan ng malamig nyang titig.

“Good Day everyone, I'm Aquil Theodore Avuentez. I will be your new professor for this subject this semester.” pagpapakilala nito habang naka titig prin saaking mga mata.

Pina ubaya na kami ni Ma'am Santillian sa bago naming guro at lumabas na ito ng classroom namin.

“Shall I know your names? Hmm, Let's start with you, Miss Ybañez? Kindly Introduce yourself.”

Napatingad ako sa pagtawag nya saakin. Ilang sigundo bago ako tumayo at sinumulan nang magpa kilala.

“Uhm, G-Good Morning Sir,” hindi ako mapakali at napa utal pa ako sa sobrang nerbyos na nararamdaman ko. Hindi ko sya kayang tingnan, para akong binuhusan ng malamig na tubig na may halong yelo.

Bakit ba kasi sya nandito? Anong ginagawa nya dito?

Huminga ako ng malalim at nagsimula na ulit magsalita, “My n-name is Ca—”

“Eyes on me.”

Nabigla ako sa pag putol nito saakin at napatingin sakanya, “A-Ano po?” nauutal na tanong ko.

“Eyes on me, Miss Ybañez.”

⸙͎

Stories Untold in September Where stories live. Discover now