Epilogue

338 14 0
                                    

Epilogue

AYAW IBUKA NI REINE ang kanyang mga mata sa pangambang kapag ginawa niya iyon ay magigising siya at matatapos na ang kanyang napakagandang panaginip.

Kaninang umaga ay idinaos ang pag-iisang-dibdib nila ni Tristan. Dumalo sa pagtitipon ang mommy niya at nakita niyang masaya pa itong nakipagkuwentuhan sa kanyang papa.

Nalaman niya mula rito na matagal na itong nakipaghiwalay sa kinakasama.

Bumalik din ng Pilipinas ang mga magulang ni Tristan para saksihan ang kanilang pag-iisang-dibdib.

Si Wendy ang maid of honor at halatang di nito maitago ang kaligayahang nadarama sa naging papel nito sa love story ng kapatid at ni Reine.

Maybe I’m really just dreaming because no one can be this happy, naisaloob niya.

Ngunit tila hindi bahagi lang ng panaginip ang mapusok na labing naggugumiit sa paniniil ng nagbabagang halik, pati na pangahas na kamay na dumadama at naghahasik ng apoy sa bawat kurbada at lambak ng kanyang katawan.

Naramdaman niyang pumuwesto si Tristan at kasunod niyon ang nagbabagang pag-angkin nito sa kanyang katawan. Saglit lang ang kirot na dulot ng paggiit nito. Ilang sandali pa ay sinundan na iyon ng walang-katumbas na mga sensasyong sa bawat indayog ay umaakyat ng ilang antas ang sidhi.

Naisigaw niya ang pangalan nito nang sapitin niya ang tugatog na kanina pa inaabot.

“How was your first time, Mrs. Hidalgo?” masuyong tanong ng asawa nang manumbalik na sa normal ang pag-inog ng kanilang mundo.

“Incredible. I want more,” ganti niya. Iyon ang gabi ng kanilang pulot-gata at kahit sa panaginip ay di niya akalaing magiging ganoon katamis ang kanilang unang pagniniig.

“Don’t worry, we’ve got all night,” pilyong sabi nito.

“All night? You mean, the rest of our lives,” sabi ni Reine. Kasunod niyon ay dinaganan niya ang asawa at siya naman ang nagpaligo ng halik sa buong katawan nito.

---Wakas---

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fire In My Heart | KAYLA CALIENTEWhere stories live. Discover now