Chapter 05

167 4 0
                                    

Chapter Five

SA BAHAY NI WENDY tumuloy si Reine. Sa kabila ng pag-iyak ay paudlut-udlot niyang ikinuwento ang pag-aaway nila ng ama.

“A-ano’ng plano mo ngayon? I mean, saan ka tutuloy?”

“Madali namang maghanap ng titirhan.”

“Why don’t you stay here for awhile?”

“Salamat na lang but I’m sure hindi iyon aayunan ng kapatid mo. Dumaan lang ako rito dahil... dahil gusto kitang makausap.”

“Oh, Reine! Tristan is not as heartless as you think. Dumito ka muna kahit ilang araw lang. Papayag iyon, I’m sure,” giit ni Wendy.

“S-sigurado ka? B-baka kayo naman ang mag-away dahil sa ’kin and that’s the last thing I want to happen.”

“I’m sure. I have to go to work pero dumito ka and feel at home, okay?”

“Maraming salamat. You’re a real friend,” sabi niya, sabay yakap dito.

“Don’t mention it. Nandiyan si Manang Rosa. Kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa kanya. Hindi lang talaga akong puwedeng mag-absent ngayon at may mahalaga akong meeting.” Marketing manager si Wendy sa isang garments manufacturing firm. Kung tutuusin ay puwedeng sa kompanya na lang ni Tristan ito magtrabaho pero ayaw nito. Hindi raw nito kayang mapasailalim sa mapanuring tingin ng kapatid.

SI REINE ANG UNANG NATANAW ni Tristan nang ipinapasok niya ang Cefiro sa driveway. Nakaupo ang dalaga sa garden chair sa patio at may tangang libro. Wala sanang kaso iyon sa kanya ngunit nang itaas nito ang paa sa gilid ng silya ay bumuka ang maluwag na laylayan ng shorts nito at halos makita na niya ang kaluluwa nito.

“Shit!” Napamura siya. Nagulat—at nadismaya —sa biglang paninikip ng kanyang puson. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Nasisiraan na ba siya ng bait para matukso sa babaeng dapat ay ituring niyang para na ring kapatid? A very naughty sister, amiyenda niya sa ideyang iyon.

“Tristan!” Bumakat ang galak sa mukha ni Reine nang makitang humimpil ang sasakyan at lumabas siya.

“What are you doing here?” makulimlim ang mukha niyang tanong.

“I... I ran away from home at niyaya ako ni Wendy na dumito muna.”

“What? Ano’ng karapatan niyang—”

“Huwag mo siyang sisihin. It was my fault. Ako ang nagpumilit. Pero kung ayaw mo ’ko rito, walang kaso iyon. I’ll leave. Kukunin ko lang ang mga gamit ko.” Tumalikod na ito at akmang papasok na.

“Wait!” Sinaklot niya ang braso nito. “You can stay,” sabi niya kasabay ang pagbuntong-hininga.

“S-sigurado ka? Baka napipilitan ka lang.”

“Napipilitan nga lang ako but that’s beside the point. You need a place to stay and I guess mas ligtas ka kung didito ka. But let’s get one thing straight, okay? Magtino ka habang nandito ka sa pamamahay ko.”

“O-opo, Lolo...”

“That means huwag kang pabuka-bukaka dito sa hardin. Who knows kung sino ang biglang darating diyan?”

“Opo.”

“At ’wag mo ’kong popoin.” Iyon lang at nilagpasan na ito ni Tristan.

KABADUNG-KABADO si Reine pagpasok niya ng study. Nagkausap ang magkapatid pagkatapos ng hapunan at nang malaman ni Tristan na may personal problem siya ay ipinatawag siya nito. Noon lang siya nakaramdam ng ganoon katinding agam-agam. Kahit nga kapag kinokompronta siya ng papa niya ay di siya natatakot na ganoon.

Fire In My Heart | KAYLA CALIENTEWhere stories live. Discover now