Chapter 3

19 5 0
                                    

Tapos na ang dalawang araw ng pahinga kaya balik eskuwelahan na naman. Kasalukuyan na masusing nakikinig ngayon si Stevenson gayundin ang mga kaklase niya sa teacher na nasa front habang itina-talakay ang bagong topic sa itinuturo nitong subject.

Marahil, matalino si Stevenson sa lahat ng subjects kaya siya ang tinanghal na high honor sa kanilang klase. Maraming naiinggit sa kaniya dahil palagi siya ang laman at napapansin ng mga sub. teacher sa kanilang klase. Isa na doon si Gerard. Matalino din naman ito subalit pinangungunahan ng inggit.

Wait! Speaking of Gerard. Bakit nga pala absent siya ngayon? Nag-fade away ang pag-focus ni Stevenson sa pakikinig nang maalala niyang hindi pumasok si Gerard ngayong araw.

Dahil siguro sa pagkamatay ni Francine kaya naapektuhan ang pagpasok niya. Sino ba namang hindi maapektuhan sa pagkamatay ng syota niya pala? Gaano pa katagal? Bakit nga ba itinatago nilang dalawa ang relasyon sa isa't isa? Grrrr! Bakit nga ba 'to pinag-aaksayahan ni Stevenson?

Naudlot ang naglalakbay niyang diwa nang marinig ang fire alarm sa labas ng kabilang classroom. Naagaw ang atensyon ng lahat isa na doon ang kanilang teacher na kaagad sinuri kung bakit. May sunog ba? O may siraulo na naman ang pumindot 'non?

"Paniguradong may siraulo na naman ang nagpa-prank." Tawa ni Herbert. Nagsi-ingayan na ang mga kaklase nila na parang mga bubuyog.

"Iba na talaga ngayon maraming siraulo ang nagkalat." Asik naman ni Stevenson.

Mabuting naagapan naman kaagad, kaya nawala na ang ingay non. Bumalik na ang kanilang teacher na ikinatahimik ng buong paligid sa loob ng classroom.

Sinuri nito kung anong oras na, it's already 8:32 AM. Oras na ng recess break kaya nag-dismissed na ito dahilan ng pagkakalawak ng mga ngiti na makikita sa mga estudyante.

Napagpasyahan naman nila Stevenson at Herbert na puntahan si Kiara sa classroom nito sa 4th floor para yayain na sabay-sabay kumain sa canteen. Malawak at malaki ang canteen nila dito sa eskuwelahan.

Gayunpaman, as the two of them while walking at the 4th floor, nakasalubong nila ang dalawang kaibigan ni Francine. May pinag-uusapan ang mga ito. Nabanggit nila ang pangalan ni Francine at yung sa libing.

"W-wait! Pwede bang malaman kung ano 'yung pinag-uusapan niyo?" Kumpirma ni Stevenson. He wants to know kung ano'ng exact date ililibing si Francine.

"Sure, it sad to say na about ito sa araw ng libing ng friend naming si Francine. Sa 18, ngayong wednesday." Litanya ng isa sa mga kaibigan ng namayapang si Francine. Pasasalamat naman ang ibinigay ni Stevenson saka sinimulan muli nilang maglakad ni Herbert.

"Par, I want to say something for you na... nagi-guilty ako dahil patay na ngayon si Francine. Pakiramdam ko i'm the one who did that kaya wala na siya ngayon." Stevenson said na parang nanghihinayang ang tono ng pananalita. Mabuting may kaibigan siya na masasabi niya kung ano ang dinaramdam.

"'Nu ka ba? Kung ano man ang dahilan kaya naisipang magpakamatay ni Francine, hindi mo 'yon kasalanan at wala kang kinalaman. Kung pagbabasehan, isa ka lamang sanggol na walang kamuwang-muwang at kinalaman sa mga nangyayari sa mundo." Ani Herbert.

Samantala, he just looked straight at pumamulsa. Nasa 4th floor na sila ngayon. Kaagad naman nilang napansin si Kiara sa corridor habang nakadungaw. Herbert called it by her name. Nang mapagtanto ni Kiara ang pamilyar na boses na iyon saka naman niya itong nilingon.

Hindi nga siya nagkakamali. Ito ang kaibigan niyang si Herbert kasama din si Stevenson. Binalingan niya ito ng tingin na may kasamang ngiti. Napalis ang ngiti niya nang mapagtantong walang ka-emo-emosyon ang mukha ni Stevenson na nakatingin lang sa kaniya.

Vengeance From The Depths Of HellWhere stories live. Discover now