Chapter 2

18 5 0
                                    

Kinaumagahan, araw ng sabado ay hindi pa rin makapinawala si Stevenson dahil sa nangyaring incident kahapon. Labis niyang iniisip na ang bata-bata pa ni Francine para mawala sa mundo. Ramdam din niya ang panghihinayang dahil gaya niya may pangarap din ito sa buhay.

Tumayo si Stevenson sa pagkakahiga nang mamataan ang wall clock na kaharap niya lang. Alas-nueve na pala. Dumeretso siya sa kusina para magluto ng breakfast. Isang tocino, maliliit na sausages at sunny side up egg ang lulutuin niya ngayon. At naisipan niya ring hindi muna magpa-fried rice, itong mga ulam lang muna ang kakainin niya para ngayong umagahan.

Sa pagtapos kumain ay napag-isipan niyang dumalaw sa burol ni Francine. Ganoon lang kadali na nailabas si Francine sa hospital at kaagad naman itong ibinurol sa bahay ng mga parents nito. Gaya ni Stevenson ay may kaya din ang mga ito.

"Hello, par." Ani Stevenson dahil gusto niyang isama si Herbert.

"Bakit? Par." Tanong naman ni Herbert sa kabilang linya ng phone.

"Free ka ba ngayon?" Pabalik naman na tanong ni Stevenson habang nagsusuot ng katamtamang luwag na denim pants pero sa waist ay sakto lang. Itinerno niya naman ang white t-shirt oversized na may tatak sa harap na playboy.

"Saan ba? Par." Patuloy ni Herbert.

"Ahmm...sa burol ni Francine. Gusto ko siyang dalawin ngayon." May lungkot sa tono ni Stevenson.

"Sige, par. Para sayo, naiintindihan kita kung bakit ganyan ka nag-aalala para sa kaniya. At kahit hindi natin siya naging close ay hindi naman tama kung balewalain natin ang pagkamatay niya. Classmate pa din naman natin siya. Kaya...tara, gagayak lang ako." Napatango naman si Stevenson na kahit alam niyang hindi iyon matatanggap ni Herbert sa kabilang linya.

"Sige, bababa ko na. Hintayin mo na lang ako diyan, par." Putol ni Herbert sa usapan sa pamamagitan ng pagtawag sa phone.

Pagkatapos ng paggagayak ni Herbert sa sarili ay dali-dali naman nitong kinuha ang susi ng kaniyang motor sa ibabaw ng aquarium na katamtam lang ang laki. Saka naman nagpaalam sa kaniyang nanay na si Melissa sa biglaang pagsama kay Stevenson.

"O siya hijo, mag-iingat kayo especially sa pagpapatakbo ng motor. Naku! Mahirap na, alam mo naman burol ang inyong pupuntahan." Pag-aalala ni Melissa habang nakikipag-beso-beso sa unico hijo niyang si Herbert.

"Don't be afraid, ma. Mag-iingat ho kami. Thank you ho sa pag-aalala." Ngiti ni Herbert. Tumango naman si Melissa.

"Huwag mo nga akong ma-ingles-ingles." Tawa nito. Napahalakhak na din si Herbert.

"Sige ho, aalis na ho ako." Nakapanabay naman si Mellisa sa paglabas ni Herbert sa pintuan.

"Huwag magpapagabi ha?" Habol pa nito sa malakas na boses saka ngumiti si Herbert bago pinaharurot na ang motor. Walang kahirap-hirap nang marating niya ang lugar kung saan ang condo ni Stevenson.

Saka pinindot niya ang doorbell ng condo at dali-dali namang napatayo si Stevenson sa pagkakaupo nang marinig ang pagtunog nito.

"Ano par, tara na?" Bungad ni Herbert nang mabuksan ni Stevenson ang pinto. Sinang-ayunan naman siya ni Stevenson at pagkatapos ay isinara ang pinto ng condo na automatic na nagla-lock.

Pagkuwan ay magkaakbay silang naglakad papunta sa elevator ng building. Hindi naman ganoon kalayo itong elevator mula sa condo kaya kaagad naman nila itong narating. At kusa itong bumukas na may lamang tatlong kakilala ni Stevenson. Dalawang babae at isang bading.

"My gosh! May anghel na nanggaling sa langit at bumaba dito! Ang ga-gwapo!" Kinikilig na sabi ng isang babae na blonde ang kulay ng buhok at nakasuot ito ng t-shirt na hapit na hapit sa katawan. Sa pang-ibaba naman ay naka-leggings ito na halatang kagagaling lang nila sa pagjo-jogging.

Vengeance From The Depths Of HellWhere stories live. Discover now