Pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa dami ng ginagawa ko. Nung matapos ko iyong sa pinapagawa ni Atty. Arnaez, agad akong umalis sa cubicle ko. Dumiretso ako sa rooftop nung building. Nagulat ako nung nakita ko si Atty. Serrano na nandon.

"What?" sabi niya nang makita niya iyong reaction ko.

Umiling ako. "Nothing, Sir. 'Di ko lang expected na nagssmoke ka."

He blew a puff. "Comes with the territory," he replied. "Do you smoke?" he asked.

"No, not really..." sabi ko tapos ay nilahad iyong palad ko. "But I will start smoking now."

Natawa siya sa akin. At saka tinawanan na naman niya ako nung maubo-ubo ako dahil hindi naman ako sanay talaga na manigarilyo. Iba pala kapag nakiki-langhap ka lang ng secondhand smoke compared sa kapag ikaw na iyong source ng secondhand smoke. It took me quite a while before I got the hang of it.

"Is it really worth it, Sir?" I asked him. "I mean, the money is good, but I think mamamatay ako dito."

Natawa lang ulit si Atty. Serrano sa akin. "Ganyan talaga kapag first year associate."

"Mas madali ba later on?"

"Not really," sabi niya. I frowned. "It doesn't get easier—but you will get better at it."

I just nodded as I blew few more puffs of smoke. Saang parte dito iyong nakaka-relax? Parang hindi naman.

Atty. Serrano and I stayed there for a few more minutes before he told me na kailangan na naming bumalik sa trabaho. Boo. Workaholic.

* * *

The next few months, I was just drowning in work. Nung una ay naiinis pa ako na 1AM na ako umuuwi sa condo... hanggang sa nasanay na ako na ganong oras ako umuuwi. Uwi ba ng tao 'yon? Dapat bang i-add ko na iyong last name ko sa pangalan nung firm? Tiga-pagmana ba ako?

"Where ka tomorrow?" Alisha asked.

"Ha?" I asked, confused.

"Tomorrow na 'yung release nung results."

Napa-tigil ako sa ginagawa ko. Shit. She's right. Nabanggit na nga rin sa 'kin 'yon, but nawala sa isip ko sa dami ng ginagawa ko... I'd been doing this for months. I thought it would get easier kagaya nung sinabi ni Atty. Serrano. Maybe I was the problem. Sobrang daming ginagawa kaya natatambakan ako. Hindi ko alam if mabagal lang ba ako or what. Ang dami ko kasing beses na basahin ulit kasi ayoko na siyang ulitin. Kaya kapag nagpass ako ng pleadings for approval, usually wala ng changes needed.

"Do you want na sabay tayo or busy ka sa work?" Alisha asked.

I looked at the mountain of paperwork on my desk. "I'm not sure..." I told her. "If matapos ko 'yung deliverables ko for tomorrow, I'll message you."

I didn't know if it was a good thing or not na sobrang busy ko na 'di ko na naisip iyong sa BAR results. Hindi rin ako kinakabahan... a small part of me was telling me kung hindi man ako papasa, I'd have a reason to leave this firm kasi feel ko talaga mababaliw na ako. I mean, yes, sure the money's nice and marami talaga akong natututunan but I couldn't breathe sa dami ng ginagawa.

But Atty. Serrano recommended me to this job that I didn't even qualify for in the first place... kaya siguro sobrang nag-e-effort din talaga ako against my will. Buti sana if ako lang mapapa-hiya, e... Madadamay din kasi siya.

"Bakit nandito ka?" tanong sa akin ni Pam nung pumasok ako sa work kinabukasan.

"Bawal ba?" I asked, confused, sa tanong sa akin.

"Hindi naman... pero naka-leave ngayon lahat ng underbar," sabi niya sa akin. Still, I didn't understand kung ano iyong gusto niyang sabihin sa akin. Nagmamadali pa naman akong pumasok kanina dahil may pinapaayos sa akin for CIAC arbitration.

Game OverWhere stories live. Discover now