Chapter 13: It requires will and courage

9 10 0
                                    

Third Person's POV


On the training ground, professor Adlious was standing in the middle of it watching the timer he was holding. He was though, facing a huge forest. The woods were cold and wet for some reason. Even the sun above was neglected by the huge trees and it's light was barely reaching inside. Those tree stood tall and mighty and feels like looking down on every living things below them.

Maririnig ang mga yabag sa lupa at pagkabali ng mga sanga maging ng pagka-ipit ng mga tuyong dahon. Makikita ang mga paang tumatakbo sa paligid. Lahat sila ay nasa ibat-ibang parte ng gubat ngunit iisang direksyon ang kanilang pinupuntahan kahit hindi nila makita ang isat-isa.

Nabuo ang imahe ng mga istudyante na tumatakbo. Ibat-ibang paraan ang kanilang ginagamit upang marating ang dulo nito. Sa bawat parte ng dulo ng gubat na kanilang patutunguhan ay may mga nakalagay na pula at puting tela. Sa oras na makakita ang isa sa kanila ng isang tela ay marapat na kuhanin niya ito at muling tumakbo pabalik sa lugar kung nasaan ang kanilang guro.

Si Monique, isa sa dalawang babae na naka-usap kanina sa klase ay napupuno ng pawis ang katawan. Nakatigil siya sa puno at nakahawak dito upang suportahan ang kaniyang sarili. Isa naman sa kaniyang kaklaseng lalaki ang umabot sa kaniyang kinaroroonan ngunit nilampasan siya nito.

“Giving up, lady?” sigaw nito sapagkat malayo na ang kaniyang narating.

“Tch!” tila inis at hindi makapaniwalang usal ni Monique bago ito mapailing at kaagad na sumunod sa pagtakbo. “Kung ano man ang itsura ko ngayon. . . wala na akong paki-alam!!! Damn you beauty products!” dagdag nito at pagsigaw niya ng huling mga salita.

Ang bawat isa ay nakaranas ng naranasan ni Monique. Dumating sila sa oras ng pagkapagod at pakiramdam nila ay bigla na lamang silang babagsak. Mas lalo din silang pinahihina ng paligid dahil sa lamig nito. May ilan din ang nagkaruon ng pilay na maswerte naman dahil may kasama silang handang mahuli laban sa iba upang matulungan ang kasama nila sa pagtakbo. Sugat, pagod, pagkauhaw at iba pa ang nararamdaman nilang lahat.

Ngunit sa kabila ng hirap at pagod na kanilang nararamdaman ay nagawa pa rin nilang marating ang dulo. Kinuha nila ang mga telang nakatali sa puno o naka lagay sa lupa. Marami sa kanila ay tumigil pansamantala ngunit nagpatuloy rin sila pagkatapos. Inu-orasan sila ng kanilang guro ngunit ang pagod ay mas matibay na rason kaya mas pinili nila ang bawasan muna ito.

Nang magsimulang tumakbo pabalik ang bawat isa ay alam na nila sa sariling simula na naman. Ngunit kung gaanong itinagal ng pagtakbo nila nung unang pagpasok sa gubat ay siya namang ikinabilis ng kanilang pagbalik. Ilan ang nauna at ilan din naman ang nahuli.

Pinanood ng guro na si professor Adlious ang kaniya-kaniyang paglabas ng mga istudyante sa gubat. Nagbigay ito ng utos na magpahinga ang mga istudyante at naruon naman ang kararating lamang na mga tagapagpagaling ng mga pilay at sugat na meron ang iba. Ngunit ang mga ito ay pansamantala lamang dahil sa oras na muling masaktan ang kanilang pilay o bali sa katawan ay mararamdaman ulit nila ang sakit at kakailanganin na nito ng matagalang paggamot at pahinga.

Samantala, si Satashi ay nakatayo lamang sa di kalayuan sa kaniyang mga kaklase. Nakatingin siya sa kaniyang kaliwa kung saan naruruong parte ang mga ito. Isang babae naman ang lumapit sa kaniya mula sa likuran. Nang maramdaman niya ang presensya nito ay marahan siya humakbang palingon.

Nakita niya ang isang babae na unang nakapansin sa kaniya sa loob ng klase. A girl to be seen as a petite and plain. She, like the others, is catching her breath. But it wasn't that heavy, though. Ang pawis na meron sa kaniyang mukha ay hindi naka-aalintana sa seryoso niyang ekspresyon.

“I never seen you come inside the forest, nor came out from there.” wika nito habang nakatitig kay Satashi. Sinuklian din lamang naman ito ni Satashi ng isang titig.

RED TAINT Where stories live. Discover now