Chapter 1: Fate's Intertwined (Part 1)

10 0 0
                                    

Charlotte's POV

"Malalate nako!!" paikot-ikot ako sa bahay habang nagmamadali akong magbihis at mag-ayos ng gamit ko.

First day na first malalate pako not to mention college student nako, ano nalang kaya ang sasabihin nila.

"Kuya naman eh bakit di mo ko ginising nung nag alarm yung phone ko?!" pasigaw na sinabi ko kay Kuya Elliot habang nag-aalmusal siya sa sala.

"Lottie, you should be responsible enough on your own" sagot ni kuya.

"As if di mo naman naranasan yung ganto nung nag-aaral ka pa" sabay sabat ko sa kanya, "Alis na'ko kuya!" binilisan ko yung paglakad ko kasi medyo malayo yung school ko.

Nakarating naman ako agad sa sakayan ng trycicle "Manong sa CEU po" sabi ko sa trycicle driver nang kinapkap ko yung bulsa ko para magbayad muna ng pamasahe.

Shocks, nakalimutan ko kunin pamasahe ko! Di na'ko pwedeng bumalik ulit sa bahay namin siguradong late na late na'ko pag ginawa ko yun.

"Manong wag nalang po pala" I decided na takbuhin ko nalang mga natitirang minuto papunta sa school.

Dali-dali nakong tumakbo, seven minutes nalang ang natitira bago magsimula ang klase. Finally nasa tawiran nako papuntang school.

"Lord please wag naman sana akong malate ngayong araw" minanifest ko na dahil sa tagal na mag-green light."Excuse me"

Napalingon ako nang marinig ko yung boses ng lalake sa likod ko "Sa CEU ka ba nag-aaral? Sorry I just saw your pink uniform, ganyan kasi color coding for girls" sabay tanong niya.

Sobrang pogi niya! Sa lahat ng babaeng pwede niya ma-encouter ako pa talaga!

I cant get my eyes off once I laid on him. But he looks familiar...

I feel like I've seen him somewhere.

SameWhere stories live. Discover now