31. Magazine at Cellphone

6.2K 115 12
                                    

31. Magazine at Cellphone

 


Ryan

Bakit ba ako nalang palagi ang sumusundo sa airport? Ako itong doctor hindi namamalagi sa Ospital ginawa na akong tagasundo-cum-driver ng mga bidang ito. Aissh, magpatayo nalang kayo ako ng Airport ng sarili ko. Kikita pa ako ng much much… Hay naku! Saan ba kasi ang unggoy na yun!

“RYAAAAN!!”

Rain

Bro hug sabay sampal sa mukha nito. Brutal lang hahaha “Kambal Long Time no See!!”

Masama ang tingin na hinaplos nito ang pisngi “May pinaghuhugutan ka bang galit saken at sampal talaga ang pambungad mo saken?” sabay pitik sa noo ko.

“Aray! Ito naman!” inakbayan ko nalang siya “Na miss lang kita eh”

“Guguho na ba ang mundo at naging plastic cross na ang bakal na cross ni Juan dela Cruz?”

“Hahaha, di pa naman”

“Sabi ko nga”

Hay naku di pa rin nagbabago ang isang ito!

He put my baggage in his car compartment. I stared at my kambal,Tsk! Magkamukha pa rin kami. Kailan kaya iiba ang mukha ng isang ito? Let see, hmm.. malabo! Shit! May gustu pa kaya itong si Ryan kay Syndi? Aish! Hindi na nga lang ako mag-iisip.

Pinaandar na nito ang sasakyan.

“Anong nakain mo’t naging mabait ka saken ha?”

“Wala lang,”ngumisi ako “Na miss lang kita ng sobra, anyways, naihanap mo na ba ako ng condo?”

“Opo!” wow! Agad-agad? “Pareho lang kayong dalawa..tsk”

“May sinabi ka?”

“Wala at ikaw bakit di ka uuwi sa bahay?”

“Magpapahinga muna ako” pinag-cross ko ang dalawang braso sa likod ng ulo at prenting inayos ang upo “Ang ingay kasi ni mama alam mo namang parang megaphone ang bibig nun.”

“Puro ka rason, tsk!”

Totoo naman talaga, magpapahinga muna ako bago ako magpapakita kina mama. E sa skype nga lang lagi nalang akong sinasabon ano pa kaya kong harapan na, naku, magdala nalang kaya ako ng tabo at balde. Tsk, ang ingay pa din naman kasi ni mama.

Next thought, napangiti naman akong alalahanin ang aking plano.

Montague Brothers - COMPLETED 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon