Kabanata 10

13 0 0
                                    

Apat na araw.

Apat na araw ng hindi kami nagpapansinan ni Matt. Hindi ko narin siya nakikita sa Apartment, lumipat na siguro. Kung ganon man bahala na siya! Buhay niya naman 'yon. Kung saang lupalop man siya ngayon doon na siya!

Nasa field kami ni Issa sa bench nakaupo. Pinapanood Sina Jacob at Xian na naglalaro ng soccer. Tapos na kaming maglunch apat.

"Ang lalim ng iniisip mo ah?" Wika ni Issa habang tinatanaw sina Xian.

"Oo eh, ikaw ba naman iwasan ng apat na araw." Malungkot na sabi ko.

"Edi iwasan morin siya para patas kayo," Suggest pa talaga siya? 

"May naging crush kana ba Issa?" Tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa'kin at namula. "W-wala, ikaw?" Aniya.

"Meron pero uncrush kona siya." Sabi ko.

"Why? Hindi ba siya pogi?" Curious niyang tanong.

"Gwapo syempre, pero tinataboy niya ako." Ani ko.

"Edi mas thrill kung tinataboy ka niya." Nanliit ako mga mata ko. Siguro nga thrill paghindi kami nagpapansinan, hanggang huli.

Lumapit sina Xian at Jacob sa'min. Humihingal pa ang dalawa dahil sa pagtakbo nila. "Hala guys, naalala ko quiz pala natin ngayon sa math!" Hinihingal na sabi ni Jacob.

"Nagstudy kaba? Hindi pa naman yang prof natin nagpapa-open notes." Wika ni Issa na sinang-ayonan ni Jacob. Biglang tumunog ang Belle kaya namamaktol si Jacob na math time naraw wala siyang maisagot.

"Cut nalang kaya ako ngayon?" Saad na ni Jacob habang naglalakad kami patungong room namin. Inakbayan siya ni Xian kaya napatingin siya rito. "Anong isasagot ko?" Tanong ni Jacob

Nag-isip pa si Xian bago sumagot. "Dasal nalang." Inirapan siya ni Jacob at siniko napadaing si Xian sa ginawa niya.

"Porket may katabi kang matalino sa classroom, gaganyanin mona ako?" Nagpout pa siya. Napailing nalang ako habang nag-aasaran sila hanggang sa makarating sa classroom.

"Bakit ngayon lang kayo?" Nakakagulat na nandito na pala Ang teacher namin. Late Kasi siya palagi kaya himalang early ito ngayon. Lahat ng mga kaklase namin ay sa'min nakatingin.

"Pasensya na sir." Sabay-sabay naming Sabi. Tiningnan kami nito ng masama.

"Ano pang ginagawa niyo diyaan? Pasok!" Nagsipasok kami apat at yumuko sa kahihiyan. Pagtalaga single na matandang prof sobrang sungit. Sa amin yata binubuntong ang galit sa mundo.

"Anong oras na nasa labas pa kayo? Get one whole sheet of paper. Alam niyo namang may quiz ngayon tungkol sa topic natin kahapon tapos nasa labas lang kayo, alam niyo na ang gagawin niyo ha? Maliwanag?" Dugtong niya.

"Yes sir." Mga kaklase ko.

Kumuha ako ng papel sa bag at ballpen. Isinulat niya sa board ang isosolve namin, formula lang menimorize ko eh, Ang hirap Naman nito. Napakamot ako ulo dahil sa inis. Ipinagpala talaga si kuya na matalino sa Matt nakakainggit.

Seryoso at tahimik ang mga kaklase kong nagsosolve, kalahating Oras narin Kasi ang nakalipas. Apat pa lang ang answer ko twenty items pa naman ito.

"Psst..." Rinig ko mula sa gilid ng likod. Ang prof namin ay busy sa pagtatype ng laptop. Kinuha ko ang pagkakataon para lingonin ito. Si Xian may dalang isang lukot ng papel.

Tumaas ang dalawang kilay ko sa kanya.

"Answer key," Bulong niya. Binato niya ito sa akin pagkakuwan ay binuksan ko. Nagningning ang mga mata ko dahil complete ito. Nilingon ko ulit siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Neighbor's HoodWhere stories live. Discover now