Kabanata 4

13 3 0
                                    


"Ang isusulat niyo sa gagawin niyong novel ay tungkol sa childhood memories niyo," Napa-angat ang tingin ko sa nagsasalitang guro sa harap namin. Childhood memories.

Excited na nagbubulongan ang mga kaklase ko dahil marami raw silang masasayang pangyayari sa buhay nila noon. Wala akong gana simula pa kanina dahil sa nangyari kagabi. Parang hindi tuloy mawala sa isip ko at tulala ako simula pa kanina.

"Hoy! Ayos ka lang ba? Kanina kapa tulala diyan," Nakangiting sabi Xian sa'kin.

Binuksan ni Xian ang lunchbox niya may lamang sandwich, rice, sausage at strawberry. Binuksan niya rin akin na nasa desk ko. Nilagyan niya ito ng strawberry na galing sa kanya. "Ang sarap naman niyan." Saad ni Jacob  na kasabay naming kumain. May dala rin siyang baon dahil hindi na siya binibigyan ng allowance. Grounded raw kasi.

"Nako kumain na tayo Jacob siguradong masarap rin 'yan sayo. Chief stepfather mo diba?"  Tanong ni Xian sabay nguya.

Nagpout nalang si Jacob at binuksan ang kanya saka kumain. "Anong klaseng childhood memories ang isusulat mo para sa project Belle?" Bumaling si Xian sa'kin.

Childhood memories? Simula nong magising ako sa pagkacoma wala akong maalala ni isa. Sixteen years old ako simula nong makarecover at ni isang ala-ala ay wala akong mabalikan. Pwera nong isang pinakatatakutan kong panaginip. Yun lang talaga ang naalala ko at wala ng iba pa. Amnesia.

"Ewan ko, naguguluhan ako eh." Mahinang sabi ko.

Napatingin si Jacob sa'kin.

"Anong gumugulo sayo?" Tanong pa nito. Lumabi ako at umiling nalang.

"Wala not feeling well lang siguro." Chineck ni Xian ang noo ko kung mainit ba o hindi.

"Hindi ka naman nilalagnat. Kanina umaga kapa tulala, may nangyari ba sayo?" Wika niya.

"Wala! 'wag niyo na ako pansinin at kumain na tayo." Pilit akong ngumiti para lubayan na nila ako sa mga tanong na mahirap sagutin.

"Sigurado ka?" Alalang tanong ulit niya.

"Hayst, oo nga." Iritado kong sabi.

Pero seriously nakakainggit yung mga taong may masasayang ala-ala sa buhay nila.

"Sama ka samin Belle, soccer kami sa labas. May bench naman doon na hindi maiinit pwede ka manood sa'min." Inayos ni Xian ang sapatos niya habang niyaya ako nang matapos kaming maglunch.

"Para hindi ka mabored rito isa pa friend ka na namin." Dugtong ni Jacob.

Kaibigan?

Ngayon kolang naramdaman ulit 'to. Ang itinuturing akong kaibigan, ang inang tao kasi sinusukuan na kaagad ako. Kesyo weird at boring akong tao ayaw na kaagad nila sa'kin.

"Okay sasama ako," Tumayo ako.

"Tara na" Sumunod ako sa kanila sa field kung saan sila maglalaro.

"Belle, tanungin mo ako." Habang naglalakad kaming tatlo ay tinanong ako ni Jacob.

"Ng ano?" Sagot ko.

"Ito sasabihin mo sa'kin, anong cellphone ang prutas?" Ha?

"May cellphone na palang prutas?" Gulat kong tanong.

"Hindi tanongin mo 'ko!" Kumamot ito sa ulo.

"Kaya nga tinatanong na kita." Sabi ko.

"Tanonging moko ng, anong cellphone ang prutas,"  Sabi niya habang si Xian natatawang nalang sa gilid namin.

"Anong cellphone ang prutas?" Tanong ko sa kanya.

"Edi apple!" Ani nito saka tumawa. Wala naman akong naging reaksyon.

Tumikhim siya at muling nagsalita.

"Gusto lang kitang patawanin." Seryosong saad niya.

"Korny mo tol," Natatawang sabi ni Xian sa kanya.

"It's actually funny." Wika ko Natigil silang dalawa at tumitig sa'kin.

"Thank you," Dugtong ko pa at umupo sa bench. Nang makabawi ay nagstart silang maglaro.

I appreciated it yung mga taong nag-eeffort sa'kin. Palagi kong pinapasalamatan.

Masaya silang panoorin at inaamin ko masaya na ako ngayon kesa kanina dahil 'yon sa kanila. Matapos nilang maglaro ay babalik na kami sa classroom. Nagkekwentuhan habang naglalakad kami papuntang silid-aralan nang nakaramdam ako ng pagkahilo.

Natigil ako sa paglalakad dahil rito, umiikot lahat nang bagay. Napahawak ako sa ulo dahil para akong matutumba. Nagtaka sina Xian at Jacob dahil sa ikinilos ko. Hindi kona yata kaya, matutumba na talaga ako.

"Mamatay kana! Mamatay kana!" Pilit akong lumaban pero sobrang lakas ng sakal niya.

"Maawa ka..." Hikbi ko habang kinakalmot siya sa pulso.

"Maawa ka" Bumangon ako sa pagkakahiga at napahawak sa ulo. Panaginip na naman.

Natulala ako at ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng clinic. Niluwa nito ang nurse sa school namin. Lumapit ito sa'kin ng nakangiti.

"Kumusta na pakiramdam mo? Nahihilo ka parin ba?" Tanong niya.

"H-hindi na,"

"Kung gusto mo pang magpahinga, mahiga ka muna. Dinala ka ng boyfriend mo dito alalang-alala sayo swerte mo." Kumunot ang noo ko. Boyfriend?

Si Xian yata tinutukoy niya.

"Hindi ko po 'yon boyfriend!" Agad kong saad.

"Ah, ganon ba? bagay kasi kayo eh." Ani nito na parang kinikilig. Napabuntong-hininga ako at tumayo.

"Anong oras na po ba?"

Tumingin siya sa wristwatch niya saka sumagot.

"Five na ngayon," Nagpasalamat ako sa kanya saka lumabas dali-dali, may quiz kami sa last period subject!

"Oh? Kumusta kana? Gulat ako sayo kanina nong matumba ka," Salubong ni Xian sa pinto at may dala pa itong bag. Bag ko.

"Tapos na yung quiz natin?" Alalang tanong ko.

"Oo eh, hindi nga ako nakapasa." Ani nito.

"Ito na 'yung bag mo," Inabot niya sa'kin ang bag ko.

"Tara na?" Aya ni Jacob na kakatapos lang sa cleaners.

"Sabay na tayong tatlo palabas ng gate. Mabuti narin 'yon para may dadala ulit sayo sa clinic paghinimatay ka ulit." Kinuha ko ang bag sa kamay niya at nagpasalamat sa kanila.

"Walang anuman Belle, syempre kaibigan ka namin." Inakbayan ni Xian si Jacob.

"Ikaw pa Belle." Ngisi ni Jacob.

Inaya kona silang umuwi since uwian na ibang way si Jacob kaya nahiwalay ito sa'min. At nagpaalam na si Xian sa'kin ng makababa siya ng jeep. Nagbayad ako saka bumaba pagkarating ng apartment.

Nang papasok ako sa gate ay may napansin akong nakaupo sa gilid ng hallway papasok ng apartment. Nakayuko siya at nakamask. Si Aaron 'to ah.

Bakit nandito siya? humakbang ang mga paa ko upang daluhan siya. At hindi ko alam kong bakit nagkusa ang katawan kong lapitan siya. Bahagya akong tumukod upang magkapantay kami. Natutulog siya at sa palagay ko mukhang nakainom kasi amoy alak.

I've been always curious so kung bakit tinatakpan ng isang tao ang mukha niya. Kagaya nong palaging nasa panaginip at madalas na nagpapakita sa akin. Ano kaya ang itsura nito? At anong tinatago niya dahil halos araw-araw itong naka facemask? Bakit rin ang lakas ng tibok ng puso ko tuwing nakikita ko siya?

Unti-unti kong hinawakan ang facemask niya saka tinanggal nang dahan-dahan ang nakasabit sa tengang facemask.

Nang nahawi ang facemask ay nanlaki ang mata ko dahil ang pamilyar ng itsura niya. Pero ang mas napansin ko ay ang taglay niyang kagwapohan. Napatitig ako sa kanya dahil bakit tinatakpan niya ang mukha gayong may itsura naman siya?

Napatigil ako dahil biglang namulat ang mata niya at tinitigan ako. Hinawakan niya ang isang pulso ko at bahagyang nagkalapit ang mga mukha namin. Limang pulgada lang yata ang layo. Bigla tuloy lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Neighbor's HoodWhere stories live. Discover now