11

1 0 0
                                    

Talento

"Ano ba ang sinasabi mo!" Inis na sabi ko sa lalaking ito. Hawak nya ang kamay ko kaya hindi ako makawala.

"Sino sya? " Nag salita si zandellia.

"Mag pakilala ka" Bulong sakin nitong lalaking to.

"Bakit ko gagawin yon" Bulong ko din.

"Mahiyain sya zandellia, mailang sya sa tao pasensya na" Napansin siguro nitong lalaking to, na walang sumalo sa tanong nito ni zandellia.

Ngumiti si zandellia at inabot ang kamay nya sa akin. "Ako nga pala si zandellia, ikaw ano ang pangalan mo?" Mahinhin nyang sabi.


"Trielia" Maikling sabi ko. Naramdaman ko pang tumango tango tong lalaki sa tabi ko.

"Bihira lang mag pakita si azulo, dahil narin sa pag lalakbay nya. Iba rin ang klase ng insayo nya, dahil totoong mga pangyayari ang naka kaharap nya. Hindi ko inaasahan na ngayon sya sasali. Kaya nagtaka lamang ako na may kasama sya" Nakangiting sabi ni zandellia. Hindi ko naman tinatanong.


"Ngayon lang kami nag kita" Sabi ko. Kumunot naman ang itsura ni zandellia. Narinig ko nanaman ang pigil tawa ni azulo.

"Hmm ngayon lang kami nag kita" Masaya pang pahayag ni azulo.

"Pero mag kasama na kayo? Kung hindi mo mamasamain. Sa amin ka nalang sumama azulo. Hindi ba?" Lumingon si zandellia sa kasama nya para mang hingi ng pag sang ayon. Tumango naman sila nova. Si nova na hindi makatingin sa akin.

Tumango nalang din ako. Tama naman, sumama sya sa kakilala nya.

"Pasensya na zandellia . Maganda ang sinabi mo ngunit. Marami pa kaming pag uusapan, kaya mauna na kam-" Pinigilan ko ang pagsasalita ni azulo.

"Hindi isama nyo na sya" Sabi ko at umalis. Hindi nako nag pagpigil, gusto ko ng tahimik na pag iisip. Hindi rin ako nag paalam, alam ko naman na hindi ako gusto nong zandellia. Hindi ko alam pero ramdam ko.

Hindi ko na sila nakita. Pero nakita ko si buada na nakatingin din saakin. Kagaya ng iba.

Lumikod ako at nag hintay sa mga susunod na mangyayari.

Malamig rito sa labas. Ramdam na ramdam namin ang malakas na hangin. Iniwasan ko ang tingin nila at wala akong pakeng umupo sa bato sa likod. Kahit na alam kong may nakaupo na. Nakitabi lang naman.

"Kilala nya si azulo" Bulonalgan nila. Nasa tabi na nila ako ganyan parin sila mag usap.

Kahit na nasa likod ako ay kita ko parin ang pinto at mga taong lumalabas rito. May mga tao Paring lumalabas

Bilga na lamang nagka gulo, dahil nagsimulang magsara ng mabagal ang pinto. Ang mga taong hindi gumagalaw ay mabilis na tumakbo palabas.

Nag atrasan kami dahil sa agresibong pagtakbo ng mga tao. Napatayo ako sa pagkakaupo at ganon din ang iba.


Nakita kong naiwan ang iba sa loob dahil tuluyan nang nagsara ang pinto. May ibang pinipilit pang makapasok. Naipit pa nga ang isa at parang naipit ang braso nito.


Nagbulangan nanaman. Hindi nila magawang umapila kahit na ang taong naputulan ng braso ay tahimik lamang. Hanggang bulungan nalamang. Nakita kong nag iimpit ng salita ang lalaking halos maubusan ng dugo.


Napahakbang ako at nais syang tulungan. Ngunit ano ang maitutulong ko? Bumuntong hininga ako at inisip na lamang na manahimik. Lulunukin ko lahat ng nasa saksihan ko rito.


The Last Survivor Where stories live. Discover now