4

1 1 0
                                    

Monster

Umuwi kami ng kakaiba ang pakiramdam. Ang iba ay sinubukang hawakan ang susi para makita ang pinto pero wala parin silang nakikita. Tumatagos lang sila sa pader.

Nakatitig si Lukas sakin kaya tumitig din ako pabalik. Huminga sya ng malalim at doon lang kami nag balak umuwi dahil nag aya sya.

Nakatulala ako habang iniisip ang mga bagay na nakita ko. Bakit hindi nila nakikita? Bakit may nakalagay na estre sa taas ng pintuan? Bakit ko nakita ang mga bagay na yun at ang tungkol sa lion para saan yon? Iilan lang yan sa tanong ko... Kaya hindi ko na malayang umaga na.

Naidlip lang ako ng ilang sandali at tinawag na ako ni ina dahil andyan na ang mga Kaybigan ko. Wala naman kami pinag-usapan na magkikita kami ngayon.

"bakit?" sabi ko paglabas



"Hindi namin alam pero....... Ang mga tao papunta sila dito ngayon, wala kaming pinagsabihan ng tungkol sa susi at sa mga nakita mo pangako!" nagmamadali si ruru habang sinasabi nya yon. Lima lang sila na andito.


Nagmamadali akong pumasok sa loob para kunin ang susi sa damitan ko. Lumingon ako kay ina na parang walang kaalam alam. Kung sakaling ako ang pakay ng mga taong papunta rito. Hindi naman nila siguro gagalawin ang nanay ko hanggat wala itong nalalaman. Hindi ko alam ang nangyayari pero nasisiguro kong hindi maganda ang mangyayari kung maabutan nila ako.


Unknown person pov

Nangangaso ako at naghahanap ng panggatong sa gubat. Nakita ko ang mga batang naglalaro at parang hinuhukay ang kung ano hindi ko nalamang ito pinansin.


Maglalakad na sana ako pabalik ng narinig ko ang mga batang nagulat. Lumingon ako sa kanila at isa isa silang pumunta sa batang lalaki. Samantalang ang babae ay merong kung anong bagay itong nahahawakan. Nagtago ako sa puno at pinagmamasdan sila.


Kinakapa iyon ng batang babae at ginamitan nito ng susi. Siguro ay naglalaro lang sila. Tatalikod nako ng biglang naglaho ang babae. Napaatras ako sa nasaksihan.



Ang mga batang lalaki ay nagkagulo at pilit hinahanap ang batang babae. Naguguluhan akong sumilip pa at naghintay ng mangyayari. Ilang saglit pa ay bigla ulit nagpakita ang batang babae.

Napatakbo ako para makauwi na. ang batang iyon.... ay isang ingkanto. Pagkarating sa bayan ay sinabi ko iyon sa mga tao ngunit hindi sila naniniwala. Pilit kung inaalis iyon sa aking isipan. Naglalakad na ako pauwi dahil gabi na rin ng makita ko ang batang lalaking kasama ng ingkanto.


Hinila ko ang bata at pinilit kong magsalita sa nalalaman nya tungkol sa batang ingkanto. "aminin mo hindi ba ang batang babaeng kasama nyo ay halimaw at naglalaho nalang bigla. Hindi baa!" nakikita ko ang takot sa mata nito Kaya binitawan ko.


Sinabi ko sa mga taong na itong batang ito ang magpapatunay na merong ingkanto sa aming bayan.


" Manilawa kayo ang batang babae na iyon ay salot sa ating bayan!" sigaw ko habang hawak ang bata.

"Juades tigilan mo na ang batang iyan!" sigaw ng kung sino sa mga taong nakatingin sakin.


"Sya ang magpapatunay sa aking nakita! Mag salita ka hindi ba. Ano ang ngalan ng batang iyon!" sigaw ko. Naiyak ito at balak pang itago ang nalalaman. Kaya pinagbantaan kung kasama sya sa mapaparusahan kung ma nanahimik sya.

"guyami!" sigaw ng dalawang bata.

"saku, sasu" umiiyak na bigkas nito habang nakatingin sa mga batang iyon napansin kung kasama rin ang mga iyon sa kasamahan ng ingkanto.

"pati ang batang iyan ay kasa--"

"estreilya"

Hindi ko na ituloy ang sinasabi ko ng magsalita ang batang ito.

"estreilya ang pangalan nya. Naglaho sya dahil sa susing hawak nya. Ang susing iyon ay natagpuan nya sa isang lugar nung hapong nawala sya. Naglaho sya dahil napunta raw sya sa isang lugar na napakaganda" humahagulgul na bigkas nito.


Nagulat ang mga tao. Sa kanyang pagsasalita nag ingay ang mga tao at sumigaw ng "halimaw!" halimaw!" ang iba ay nagdududa dahil isa lamang daw syang bata. Ngunit mas marami ang naniniwala.


Napangiti ako at ang mga tao ay Naghanda ng mga armas para sugudin ang batang halimaw. Hindi na namin napansin at nag umaga na dahil sa paghahanda ng kung anong anong armas pati narin ang apoy kahit umaga na.


Ang bata ang pina una namin para puntahan ang bahay ng halimaw. Sumisigaw sila ng "halimaw!, halimaw!"

Estreilya pov

Tumakbo kami bigla sa likod ng aming bahay ng narinig namin ang sigaw ng nga tao na. "Halimaw! ,halimaw! "


"Ilabas ang halimaw!" pagkarating nila sa aming tapat ng bahay ay singaw nila iyon. Nagtatakang lumabas si ina. nagulat ako ng walang pasabing tinabig nila si ina at pumasok sa aming tahanan.

Napaatras si ina at nagtangka pang harangin ang ibang pilit na pumapasok. Umatras ako at naghahanda ng tumakbo para puntahan si ina nang nakita ko si guyami. Nakatitig rin ito sa akin at hawak hawak sya ng matandang lalaki. May sinasabi ito ngunit walang boses.

Takk.....boo?

Nang naintindihan ko ang sinasabi nya ay nag tatakbo ako palayo roon. Napatingin sa akin ang mga kaibigan ko dahil sa biglang pagtakbo ko. Dahil sa pagtakbo ko ay gumawa ito ng ingay na nakapagpalingon ng mga tao sa kinaroroonan namin.

"Ang halimaw ayon!" sigaw ng kung sino.



Lumingon ako sa kanila at nakita ko sila mitsu, jiroa, ruru,isabi, guyami pati narin si saku sasu ay pinipigilan ang mga taong sumunod sa akin.



Nagulat ako ng hawakan ni Lucas ang kamay ko at tinulungan akong tumakbo ng mas mabilis pa.


"pupunta tayo sa pintuan" sabi nya.


"anong gagawin natin roon?" ako.


"aalis ka rito at panandalian ka muna roon" sya.


"Huh?"


"tignan mo ang sitwasyon. Ang mga taong iyan disidido silang patayin ka! ng wala namang malinaw na pinaniniwalaan" napatigil ako at napalingon sa gubat na wala pang mga tao. Mga boses palamang nila ang naririnig ko.


Tama hinusgahan nila ako ng walang nalalaman.


Aksidente lang naman ang lahat. Ang mga nakita ko, ang pintuan, lion. Hindi ko ko iyon sadya bakit naging halimaw ang turing nilang lahat sa akin, sinaktan pa nila ang aking ina. Namuno ang luha sa aking mata napatigin ako kay Lucas at dahan dahang tumango. Sumang-ayon ako sa gusto nya na doon na muna ako kahit na sa totoo lang hindi ko rin alam kung anong meron doon. Isa bang mahika ang lugar na iyon? Bakit merong ganon?




Tumakbo kami ng narinig naming palapit na any mga tao. Hindi ko na alam ang daan pero si Lucas ay parang alam na alam. Kaya sumunod ako sa kanya ng naaninag ko ang pintuan ay nag daredaretso ako doon. Tumingin pa ako muli kay Lucas. Tumango sya sa akin na parang ito na ang pinaka magandang paraan na gagawin ko.




"pakiusap mag ingat ka" mahinang sabi ko at saka binitawan ang kamay nya.

The Last Survivor Where stories live. Discover now