10

0 0 0
                                    

Pantay

"Anong ibig mong sabihin na mahina ako kagaya mo!" Inis na sabi nya.

Bago pa ako pumasok sa Lugar na ito alam ko na Ang kakayahan ko. Malayo ang agwat namin ni nova. Matagal na syang nag iensayo at ako ay kailan lamang.

Mahina nga ako kung tatawagin. Pero hindi lagi lakas ang kailangan sa lahat ng Oras.

Tumingin ako Kay buada at hindi nag bigay ng kahit na Anong reaksyon sa kaniya.

"Sa tingin mo ba, ay mapapansin ka nila?" Malumanay na Tanong ko.

"Hindi. Kaya nga ipakilala mo ako, kay nova"

Tinaas ko ang kilay ko at nangiti sa sobrang baba niyang pag katao.

"At ako. Ano ang magiging kapalit, kung gagawin ko ang nais mo"

"Sasama tayo sakanila ano kaba" Nakakapang Hina na kausap ko ang ganitong klaseng tao.

"Eh sila. Anong makukuha nila sa atin, kung sasama tayo sa kanila"

"Kaibigan mo ni nova, Wala na dapat siynag hingiin"

"Ayaw ko" Nainis nako at tumalikod nalang.

"Hindi mo naiintihan, kailangan natin ng mga Kasama na mas malalakas para makakuh-"

"Kung pumunta ka rito para manggamit...! "Pinutol ko sya at humarap. Hindi ko mapigilan na taasan ang boses ko pero pinigilan ko dahil baka marinig kami ng tao rito.

"Itigil mo na. Ang lahat at umalis ka!" Mahina ang sigaw ko.

"Hindi ka nararapat sa Lugar na ito, kung puro Ayan ang nasa isip mo. Lahat ng tao rito ay naghirap, at nag sanay para makaabot sa kung saan sila naroroon. Ngunit hindi lahat ay pareparehas ng kapasidad. Ang iba ay may masasandalan pag pagod na. At tayo, Wala. Isa lamang tayong bagay na pipiliin nila pag walang wala na. Alam mo ang tawag sa atin!" Ramdam ko ang damdamin nya sa bawat salita nya. Sa pag pigil nya mag salita ay nangingilid ang mga luha sa mata nya.

Lumapit sya sakin at matapang akong tinignan. Ngumiti sya pero alam Kong hindi sya Masaya, Isa yong blanko. Nag libel ang tayo namin, nasa harapan ko sya at tinitignan nya ako sa mata.


"Isa lamang tayong kapalit at opinyon, hinding hindi Tayo ang una. Kapag ayaw nila ng nasa harapan, don lang tayo makikita, lahat sila" Lumingon sya sa Banda nila nova. "Sila ang may probeliheyong nakatanggap ng mga bagay na dapat ay pantay lamang sa atin"


"Hindi ko alam ang kwento mo. Ngunit hindi mo ba nakikita ang Sarili mo? Para Kang sila, maliit din ang tingin mo sa mga kagaya natin. Wala Kang pinagkaiba, ah.. meron, ang katayuan mo at nila ay mag kaiba. Ayon Sayo ang mga salitang yan. Sa pag iisip lang ang pareho. Dahil minamaliit mo rin ang Sarili mo" Sabi ko at tinalikuran sya.


Ang pananaw nya ay normal lamang. Kung totoo ngang may probeliheyo sila nova. Totong kailangan ngang kumapit sa kanila. Yon ay kung Wala Kang tiwala sa Sarili mo. At gusto mo na lamang mapadali ang gagawin mo. Kagaya ng sabi nya parepareho lang ang lahat na naghirap at nag insayo. Pantay pantay kami rito. Kahit na para sa iba ay hindi.

Hindi ako sabik sa dragon, pero Ngayon ay nagkakaroon ako ng bugso sa puso ko, kung Ganon sila ka desperado sa dragon. Anog epekto ang naibibigay ba nito.

Kahit na alam Kong malayo pa ako, hindi ko rin maipag kakailang malayo na Ang narating ko. Huminga ako ng malalim at naisip na magpahinga na lamang sa upuan ko. Hindi ko na kakausapin pa si buada. Bahala na sya kung ano Mang nais nya.

Hindi ako makapaniwalang nakatulog ako habang nakaupo. Kaya ko pala iyon.

Nagulat na lamang ako sa pag bukas nanaman ng pinto. Hindi namin alam kung Anong kalagayan sa labas. Kung Umaga na ba oh Umaga pa. Umayos ako. Nakita kong ang iba ay bumangon din. Nakatulog rin sila ngunit sa lapag sila natulog.

The Last Survivor Donde viven las historias. Descúbrelo ahora