Pinagbabaril ang sasakyan habang ito ay minamaneho ng stepfather ni Ali at nang matamaan ng bala sa dibdib ay bumangga ang sasakyan sa isang poste ng kuryente. Malakas ang pagkakabangga nito at wasak na wasak ang sasakyan. Dead on arrival na ng isinugod sa hospital ang mga magulang nila.

"Is that the reason why he's mad at you? It's not your or your parents' fault!" Napailing si Sophia matapos marinig ang impormasyon kay Stefan.

"Sarado na ang isip ni Ali para paniwalaan ang totoo, Sophia. Buntis din noon ang nanay niya dahilan para mas lalo siyang magalit sa akin at sa mga magulang ko." Hinawakan ni Stefan ang kamay ni Sophia at hinaplos ito.

"Kailan niya nalaman ang totoo?" kuryosong tanong ni Sophia.

"Bago ka mag trese-anyos ay nalaman niya na ang totoo dahil sinabi sa kanya 'yon ng mga natitira niyang kamag-anak." sagot ni Stefan.

Kaya pala nang magkatorse-anyos na siya ay naramdaman niya na naging kakaiba ang mga ikinikilos ni Ali. Iyong mga kakaibang tingin nito sa kanya at kay Stefan ay napansin rin niya noon. May lihim itong galit kay Stefan, at dahil alam nito na mahalaga siya kay Stefan ay isinama rin siya sa paghihiganti nito.

"He violated you as a child. Ayos lang sa akin kung ako ang ginantihan niya pero dinamay ka niya, kaya hindi ako makakapayag na hindi maghiganti sa kanya. I will make him pay for what he did to you." seryosong saad ni Stefan.

"At ano'ng gagawin mo? Papatayin mo siya? Kapag napatay mo siya ay magiging kriminal ka at makukulong." paalala ni Sophia dahilan para matigilan si Stefan.

"You can make him pay for what he did to me, but please, don't kill him. Let justice serve him right. I'm already afraid of being alone again." Humina ang boses ni Sophia at pinigilan na huwag maluha.

Hindi niya kakayanin kung malayo siya ulit kay Stefan. Noong hindi ito nagpakita sa kanya nang ilang taon ay malaking parte ng pagkatao niya ang nawala. Lahat ng pagdududa at galit na nararamdaman niya para rito ay isinasantabi niya dahil masaya siya na naging asawa niya ito at nakakasamang muli.

Ito pa rin ang Tatay Stefan niya na nag-aruga sa kanya noong sanggol pa lamang siya. Walang nagbago sa ginagawa nito para sa kanya dahilan para mas lalong mahulog ang loob niya.

Pagkatapos ng huling sinabi ni Stefan ay hindi na ito nagsalita hanggang sa matapos niyang gamutin ang sugatang labi at linisin ang mga kamao nito.

Pagkatapos niyang ligpitin ang medicine kit at ibigay sa maid na kanina pa sila pinapanood ay umakyat na siya sa kaniyang kuwarto at hindi na nilingon si Stefan.

"Sophia,"

Muntik na siyang mapatalon sa gulat dahil sinundan pala siya ni Stefan. Kahit may bangas ang mukha ay bakit mas lalo itong naging hot sa paningin niya? May pagkakahawig talaga ito doon sa WWE wrestler na si Roman Reigns. Magkapangalan pa ang dalawa.

Iwinaksi ni Sophia ang naiisip na 'hot' ito at umaktong masungit. "What are you doing here? Magpahinga ka na sa kuwarto mo." sabi niya at humalukipkip.

"Puwede ba tayong matulog nang magkatabi ngayon? Namimiss ko lang na magkatabi tayo." tanong ni Stefan.

Biglang namula na parang kamatis ang buong mukha ni Sophia. Mag-asawa nga sila ni Stefan pero hindi sila nagtatabi sa iisang kama. Nirerespeto nito ang privacy niya at alam din kasi nito na hindi pa sila lubusang magkasundo.

"B-Bakit? Hindi naman tayo nagtatabing matulog simula noong nagdalaga na ako." nahihiyang sabi ni Sophia.

"Pero ngayon puwede na tayong tabi matulog dahil asawa na kita." Humalukipkip din si Stefan at sumandal sa pader ng kuwarto. Parang model ang tindig kaya pinigilan ni Sophia na huwag mapasinghap.

"Paano kung ayoko?" hamon niya at ngumiti ng mapang-asar.

Napatili siya sa gulat nang bigla siyang binuhat ni Stefan na parang bagong kasal sila.

"Ibaba mo nga 'ko!" sigaw niya.

"Paano kung ayoko?" sagot ni Stefan na ginaya ang sinabi niya.

"Joker ka na niyan? Put me down nga!" pag-alma ni Sophia pero hindi ito pinansin ni Stefan hanggang sa makarating sila sa loob ng kuwarto nito at ibinaba siya sa kama.

Nilibot niya ng tingin ang buong kuwarto ni Stefan at ang pumukaw sa atensyon niya ay ang isang portrait painting na nakasabit sa pader ng kuwarto.

May ginger haired na buhok ang babae, naka sideview pakaliwa, kulay puti ang suot na dress, at may hawak na pulang rosas habang nakapikit. Kamukhang-kamukha niya ang babaeng nasa portrait at hindi siya nagkakamali na siya iyon.

 Kamukhang-kamukha niya ang babaeng nasa portrait at hindi siya nagkakamali na siya iyon

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

"Do you like it?" tanong ni Stefan.

Tumango si Sophia at hindi napigilan ang pagtulo ng mga luha. Iyong suot niyang kulay puting dress na nasa portrait ay regalo sa kanya ni Stefan noong grumaduate siya ng elementarya at hanggang ngayon ay nasa kanya pa rin ang puting dress na naiwan sa bahay ng mga magulang niya.

"K-Kailan mo pinagawa ang painting na 'yan?" tanong ni Sophia at tiningnan si Stefan.

"That was 8 years ago. I am the one who made that." saad ni Stefan.

"Ikaw ang nagpinta niyan? Saan ka natutong magpinta?" tanong ni Sophia.

Inayos ni Stefan ang pagkakahiga sa kanya at saka kinumutan ang katawan niya. Tumabi ito sa kanya at inunan ang isang braso habang nakatingin din sa painting.

"Noong makulong ako ay may programa sa loob ng city jail para sa mga preso. Tinuruan akong magpinta roon ng isang public professional painter, at 'yong mga naipinta ko ay binebenta ng mga opisyales ng city jail sa labas ng kulungan. Lahat ng pera na nalikom sa pagbebenta ng painting ko ay idodonate para sa bahay-ampunan. Habang nasa kulungan ako ay ipininta ko 'yan at itinago. Hindi ko siya binenta dahil 'yang painting na 'yan ang una kong naipinta." Tumingin si Stefan kay Sophia at pinunasan ang mga luha nito sa pisngi.

"Ako pa rin pala ang inaalala mo." ani Sophia at sumiksik sa dibdib ni Stefan.

"Walang araw na hindi kita iniisip, Sophia. Kung nasa maayos ka bang kalagayan kasama ang totoo mong mga magulang. Kung nakakakain ka ba ng sapat. Kung hindi ka ba nila minamaltrato. Kung nakakapag-aral ka ba ng mabuti. Pero inisip ko na lang noon na kung sa akin ka pa rin napunta ay paano na lang ang buhay mo? Mapapabayaan din kita at hindi mabibigyan ng magandang buhay dahil nakakulong ako." Marahan ang paghaplos ni Stefan sa kaniyang buhok at balikat.

Ito ang comfort na nararamdaman niya noong bata pa lamang siya, at gusto niyang maramdaman pa rin hanggang ngayon.

"Salamat, Tatay Stefan..." buong pusong pasasalamat ni Sophia.

Napangiti si Stefan at ito ang unang beses na nakita siya muling ngumiti ni Sophia. Sa matinding pagod sa nangyari sa pagitan nila ni Ali ay biglang nakatulog si Stefan.

Maingat naman na hinawakan ni Sophia ang mukha nito at unti-unting inilapit ang mukha niya hanggang sa hinalikan ito sa labi.

"Mahal na mahal po kita, tatay slash asawa ko..."

-Ajai_Kim

The Devil's Innocent BrideOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz