Chapter 3

15 2 0
                                    


What the hell is he doing here?! Pambabaeng CR 'to a, bat siya nandito? Sinasabi ko na nga ba at may pagka maniyak ang lalaking' to.

"Hoy teka lang," he was about to leave but I called him.

He turned to me then raised a brow.

"Naninilip ka siguro no?" pang-aakusa ko.

He laughed. "Of course not" sagot niya.

"Then what are you doing here? Pambabaeng banyo 'to." I said still suspicious about him.

"Look miss, what ever you're thinking right now is wrong. Akala ko sa panlalaki ako pumasok. I'm sorry. " He explained.

Hindi agad ako naka sagot. Really? Akala niya? The sign very much clear, how come he didn't saw it? He's just making excuses.

"Kung wala ka nang sasabihin miss, mauuna na ako, I really have to pee, " He added at tinalikuran na ako.

Ok he explained, but It won't be that easy for me to believe him. My first encounter with him was not very good, so...

"Imposible!" bulong ko.

Lumingon ulit siya saakin. "Hmm? Yes miss? You were saying something? " He asked.

Ang talas ng pandinig niya ah. "Ah wala," I faked a laugh. Nagpatuloy siya.

"Ang laki ng nung sulat na 'ladies' tapos hindi pa nabasa" bulong ko ulit na dahilan para huminto siya at lingunin ulit ako.

"Miss, You know what? Nakaka pangit pag palagi kang naka busangot. Maganda ka pa naman." 'yon lang ang sinabi niya at umalis na siya.

Kumunot ang noo ko. Anong sabi niya maganda ako? I mean alam ko naman' yon hindi na niya kailangan mambola. Sabi niya nakaka-pangit pag naka busangot? As if naman tinanong ko siya. Hinawakan ko ang mukha ko, hindi naman ako nakabusangot ah.

Pagbalik ko sa table kung saan kami kumakain ay nakita ko silang nagtatawanan parin, Yna and Maureen actually. KG is still eating, while Maureen and Yna are laughing about something.

"Oh ano na naman ang problema mo Iza?" si Yna ng makalapit ako.

"Ah wala. Tapos na kayo kumain? Tara na sa arcade?" pag iiba ko ng topic kahit kita ko naman na hindi pa tapos kumain si KG.

"Oo tapos na kami kaso si KG ang tagal kumain" reklamo ni Maureen.

"Wait!" Si KG sabay mabilisang kinain ang natitirang spaghetti sa plato niya. Nginuya at nilunok niya muna itobago nagsalita. "Ok na?"

Tumawa si Yna. "Oo, pero punasan mo muna 'yang pisngi mo at punong puno na ng sauce" turo niya sa pisngi ni KG na nadungisan dahil sa pagmamadali niyang kumain.

Hindi ko na binanggit sa kanila yung pagkikita namin nung lalaki na nakita sa palengke dahil sigurado akong tutuksuhin lang nila ako.

Pagkatapos linisin ni KG ang mga sauce sa mukha niya ay dumiretso na kami sa arcade. Hindi rin kami masyadong nagtagal doon dahil may curfew ako na hanggang alas kwatro.

Kinabukasan ay walang klase pero kinailangan parin naming pumunta sa school para tumulong mag disenyo. May program kasi para sa valentines day sa monday, at dahil officers kami sa school ay kailangan namin tumulong.

"Ba't ba kasi tayo naging officer? Dapat mag re-rest nalang tayo e, tapos  papasok tayo sa monday para tanggapin yung mga flowers at chocolate na ibibigay sa atin." reklamo ni Yna.

"Ginusto niyo rin naman 'to ah. At saka as if naman may magbibigay sa'tin ng flowers at chocolate?" Sagot ko.

"Kami lang ang may gusto? Nag agree ka rin kaya na mag run tayo kasi last year na natin 'to." Si KG.

Once Every Lifetime (Young Love Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt