Chapter 1

24 2 0
                                    


"Uuwi ka na?" Tanong ni Yna.

Mag gagabi na at kailangan ko nang umuwi at baka mapagalitan ako kapag hindi pa ako umuwi.

"Oo, kilala mo naman ang mga tao sa bahay. Mamamatay ata pag wala ako" tumawa ako, saka nagpatuloy na maglakad.

"Gaga ka talaga" she laughed, "Sige na nga mag Ingat ka ha bye!" Pahabol niya dahil nasa malayo na ako

Alam nila Yna ang sitwasyon sa bahay na kapag alas kwatro na ay kailangan ko nang umuwi dahil mapapagalitan ako. My family are strict specially kapag babae ka.

Pag dating ko sa bahay ay nagpalit na agad ako ng damit. Hindi pa ako natatapos ng biglang tawagin ako ni ate Mia.

"Iza! Pwede bang mag saing ka muna?may pupuntahan muna ako."

Narinig kong sinarado ang pinto hudyat na umalis na siya.

"Hay ano pa ba?" Bumuntong hininga ako.

Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na ako para maghugas ng plato at para mag saing narin ng kanin. Nag ring ang phone ko.

~~Yna calling~~

"Hello?" kunot noo kong sagot sa telepono.

Kanina lang magkasama kami tapos tumatawag na naman siya. May panibago na namang chismis ang isang 'to, for sure.

"Hi!!!" Masaya niyang slubong saakin.

Kung hindi ko lang kilala ang isang 'to ay iisipin ko gumagamit siya ng drugs dahil sa sobrang taas ng energy. Pero dahil kaibigan ko sya iniisip ko nalang na lumalaklak siguro sya ng isang garapon na asukal kaya ganito ang energy nya.

"Hoy! " nalayo ko ang telepono sa tainga ko sa lakas ng boses nya.

"Ano na naman?"

"May chika ako. OMG! Sinabi lang din saakin ni Maureen. " sabay tili.

"Alam ko. Tatawag ka ba kung wala?" Mataray kong sagot. "At bakit kanina ay magkasama lang tayo pero hindi niyo sinabi yan?" Tanong ko ulit.

May gagawin pa ako mang iistorbo pa ang isang 'to.

"Eh pano namin masasabi kung nagmamadali kang umuwi? Actually mas gusto ko 'tong sabihin in person. Bakit kasi hindi ka pumasok nung friday? Hindi ka tuloy nakasagap ng chismis,"

Hindi ako nag-aral nung friday dahil masama ang pakiramdam ko, and besides maglilinis lang naman ang gagawin namin don. Ewan ko ba king bakit itinatanibg pa ni Yna.

She started spilling the tea habang nagluluto ako. Umabot ata kami ng dalawang oras sa pag uusap sa sobrang dami ng mga chika namin.

Paminsan ay na didistract ako pag nagkukuwento siyaq dahil napapahinto ako sa ginagawa but still I'm thankful, because of that kahit ako lang ang nagluluto I didn't felt alone.

Pagkagising ko kinabukas ay sinilip ko kung anong oras na. I have class today at hindi ako pwede ma late dahil may report pa ako ngayon. Good thing dahil nakapagsaing na ang kapatid ko nung bumaba ako. Atleast I don't have to worry about it.

Naligo muna ako, pagkatapos ay nagbihis na ako ng uniform ko at kumain ng agahan. Exactly six fifty nung natapos ako.

Our school is not far from our house, infact kahit maglakad ka lang ay pwede na. Five minutes lang ang lalakarin ko at makakarating na ako sa school.

Pagdating ko sa school ay wala pa masiyadong tao dahil 7:30 pa ang start ng klase namin even si Yna ay hindi pa dumadating.

Siguro naman dumating na si Maureen kaya pupuntahan ko muna siya.

Once Every Lifetime (Young Love Series #1)Where stories live. Discover now