Chapter 4

3 0 0
                                    

Pagkauwi ko agad 'kong ginawa ang aking mga assignment para makapag-cellphone na rin ako at makapagpahinga.

Habang nag-cecellphone ako, nags-scroll ako sa FB nang may nagnotify ako cellphone (Carlos Bringuela sent you friend request). Agad akong napabangon nang aking kama nang makita ko 'yun. Kinamot ko nang dalawang beses ang aking mata kasi baka namalikmata ako pero

Pinindot ko 'yung account niya at nakita ko ang mga post niya, like pictures, videos, memes, and etc. Habang nakikita ko ang mga post niya, hindi ko maitago na... p-pogi siya.  Gwapo siya, hindi ako magiging plastic. Gwapo talaga siya. Kahit ka-away ko siya.

May nagnotify ulit (Millana Chavez sent you friend request), (Rob Penullo sent you friend request), (Gael Rabodo sent you friend request), (Lahat 'kong bagong classmates nag friend request sa akin)

Agad ko naman silang lahat ki-nonfirm. Pwera lang kay CL. Parang nakakalimutan niya kasi na kaaway niya ako at kaaway ko siya. Hindi pa siya nakikipagbati sa akin

"Nak, meryenda muna tayo, nagkuto ako ng pancake" aya na sabi ni mama sa akin

"Sige, pupunta na lang po ako" sabi ko habang ngumiti sa kaniya

Ngumiti naman siya bilang sagot sa akin

Agad naman akong bumangon sa kama ko upang makakain na, nagugutom na rin ako. Pagkapunta ko ng dining area nagulat ako. N-nandun si Millana and Tanaka

"Sorry Lai, inaya lang kasi ako ni Mill" sabi ni Tanaka sa akin.

"Bakit ka naman nagsorry, masaya nga ako na meron na agad kaibigan ang aking anak" sabi ni mama kay Tanaka habang naka ngiti

"Pano niyo pala nalaman bahay ko?" Takang tanong ko

"Malapit lang bahay namin dito. Nakita kase kita kahapon pumasok dito kaya na isip na dito ka nakatira, at hindi naman ako nagkamali" sabi ni Millana sa akin

Tumango na lang ako bilang sagot

"Kain na kayo, nagluto ako ng pancake" sabi ni mama kila Tanaka at Millana

Agad naman silang umupo sa upuan. Umupo na rin ako

"Lai, pwede bang magtanong?" Tanong sa akin ni Tanaka

"Oo naman" sagot ko habang sumusubo ng pancake

"Bakit kayo magkakilala na ni CL, nung unang araw mo 'dun sa school antin?" Tanong niya ulit sa akin

Kahit ayaw ko ngunit napilitan akong sabihin kanila ang totoong nangyari

"Pagpasensiyahan mo na 'yun si CL, ganun kasi talaga siya sa kapatid niya" Sabi ni Mill habang sumusubo ng pancake

Nag-ahh react na lang ako.

"By the way, nasaan 'yung pinsan mo?" Tanong ulit mi Tanaka

"Nasa park ulit, may kasama naman 'yun, yung kapatid nang kalaro niya. Kasama niya rin kasi 'yung kalaro niya" sabi ko

Nagnod naman siya sa akin habang subo ang pancake.

Natapos na kaming kumain. Lumabas kami sa bahay para magpahangin at maglakad-lakad na rin. Subdivision kasi kami nakatira. Napag-isipan namin na pumunta sa park.

Habang naghahanap kami nang bench na pwedeng upuan, nakita ko si Katie, tuwang-tuwa habang nakikipaglaro sa mga kalaro niya. Ang dami niya nangkalaro, makapal kasi ang mukha niya.

"Parang nakakamiss maging bata ulit" sabi sa amin ni Tanaka habang nakangiti na naka tingin sa mga batang naglalaro

Tinignan ko naman siya "sobra, gagawin ko ang lahat para makabalik talaga sa pagiging bata" sabi ko habang naka ngiti

When I Met YouWhere stories live. Discover now