Chapter 3

3 0 0
                                    

Mahirap pala kapag bagong salta ka lang. Ikaw ang mag-aadjust. Wala kang kakilala. Wala kang kaibigan. Pero nagpapasalamat ako na sumama sa amin 'yung pinsan ko na si Katie, kahit papano may kausap ako. Si Millana din pala, nakaka-usap ko rin siya kahit papaano.

"Lai!!" Galit na sigaw sa akin ni Mill, kaya lahat naman nagtinginan sa amin

"Huh? May sinasabi kaba?" Takang tanong ko

"Wala may sinabi lang ako" inis na sagot niya

Napa simangot naman ako "sorry na" Habang naka peace sign

"Kanina kapa kasi tulala" nagasimangot na sabi niya

"May iniisip lang" mabilis na sagot ko

"Ano naman 'yun?" Takang tanong niya, nahahalat niya kasi na mukhang malalim ang iniisip ko

"Kung pano ang magiging kasal nila ni CL" sabi nung katabi ni Millana, nasa harapan ko lang kasi siya

Sinungitan ko na lang siya. Narinig naman pala 'yun ng iba kong kaklase kaya naki-isyoso din sila

Haysst, mga marites talaga.

"Kasal na agad? Hindi pa nga nagiging sila" singit nang isa na ang pangalan ay Gael

"Syempre, kailangan maging advance" sabi nung katabi ulit ni Mill, na si Rob

"Oo nga 'no? Bakit hindi 'ko 'yun naisip?" Sabi ni Gael

Tanong mo kaya sa saging, para makahanap ka nang sagot mo

"Duon na nga kayo" sitang galit ni Mill

"Sungit mo naman" sabi Rob habang naka naka kamot batok. At umalis na 'yung mga lalaki ma lumapit sa amin

"Huwag mo na silang intindihin, ganyan lang kasi talaga sila"

Nagnod nalang ako bilang sagot dun

Hindi pa ako nag-iisang lingo dito sa school na pinagaaralan ko pero mukhang alam ko na ang magiging issue ko dito. Bakit ko pa ba kasi naging classmate 'yung Carlos na 'yun?

Nakaka-inis talaga

Hindi ko na lang pala sana sinamahan 'yung pinsan ko na si Katie!!!!

Natapos na ang mga discussion ng mga subject and, lunchtime na. Usual kami nanaman ni Mill ang magkasama.

"Hindi kaba nagsasawa na palaging si Mill ang kasama mo?" Tanong nung isa kong classmate na ang pangalan ay Zhane

"Hindi naman. Bakit?" Nagtataka 'kong tanong

"Wala lang, trip ko lang magtanong"

Ngumiti nalang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko

Habang nasa kahabaan ng discussion si sir Melvin ('Yung advisor namin) naramdaman kong may naglagay nang papel sa table, kaya kinuha ko 'yun. Hindi ko lang alam kung sino ang naglagay nun. Hindi ko namalayan kasi, nakikinig ako.

Binuksan ko 'yun at binasa ang naka sulat duon [tumingin ka sa kaliwa mo] pagkabasa ko 'nun. Hindi ko alam pero dire-diretsong tumingin ang aking mga mata sa kaliwa kong direksyon

Nakatulala si Carlos habang nakatingin. Hindi ko alam kung bakit niya 'yun ginagawa. Naiilang tuloy ako, kaya naman binatukan ko siya sa batok.

"Aray!!!" Galit na sigaw sa akin ni Carlos, kaya naman nasa amin ang buong atensiyon ng buong klase, pati rin sa sir Melvin "bakit mo 'yun ginawa" inis na tanong sa akin

"Kanina kapa diyan nakatulala"

"Pakialam mo?" Sungit na tanong niya

"Anong pakialam ko?! Syempre may pakialam ako dahil sa akin ka nakatitig" Inis na sagot ko

Pagkasabi ko nun ang kaniyang mga pisngi ay namula

Nagblush ang ferson

Agad naman naghiyawan ang buong klase.

"H-hindi ka-kaya" nauutal na sabi niya

"Bakit ka nauutal?" Sabi ko habang nakataas ang isang kilay

"Hindi k-kaya"

Natapik ko na lang ang aking nuo, kesa batokan ko ulit siya, baka sumigaw ulit siya

"Tama na 'yan, balik na tayo sa discussion" Sabi saming lahat ni sir Melvin

"'Nu ba yan sir, nasa exciting part na sana" sabi ni Calleo kay sir, habang nakakamot na kaniyang batok(lalaki kong classmate)

Agad naman nagtawanan ang mga kaklase ko.

"Diba, sabi ko sa'yo. Napaka seryoso mo kasi sa discussion ni Sir Melvin" bulong na sabi sa akin ni Tanaka (japanese classmate ko, babae siya)

"Ikaw 'yung nagbigay sa akin nung papel?" Bulong na tanong ko

"Oo--"

"Miss Hyun and Miss Michiyo, pwede niyo bang i-share ang pinag-uusapan niyo?" Putol na tanong ni sir sa amin

Agad kaming tumingin sa unahan kaya, nagsimula nang magdiscuss ulit si sir

Grabe din pala ang mga issue ng bago 'kong classmates. Pero mukhang masaya naman silang kasama

DISCLAIMER:sorry po sa mga typo at sa mga wrong grammar.

Baguhan palang po kasi ako sa paggagawa ng story kaya po pagpasensiyahan niyo na po if kung maiksi ang ibang chapter.

Trying my best po!😊

When I Met YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora