"You're so weak..and what made you think the Headmaster will make your suggestion come true?"

"Tanga ka ba o bobo? May sinabi ba akong alam kong gagawin niya yun? At besides suggestion lang naman yun bat parang ang laking big deal nun sayong bruha k-"

Hinila na niya yung buhok ko para makatayo at sinampal ako. Napaurong tuloy yung ulo ko sa gilid at ginamit niya yung pagkahawak niya sa buhok ko para iderestyo yung tingin ko sakanya.

"Mali ka ng kinakabangga. Valerie." Madiin niyang sabi bago agresibong tangalin yung kamay niya sa buhok ko at naglakad na palayo kasama si Pam.

Napatulala lang ako, at inayos ng konti yung buhok ko. Babalikan kita, Celine, sa panahong malakas na ako. At aalipinin kita, at sisiguraduhin kong malalaman mo ang lugar mo.

Pumasok na ako sa dorm at naglakad sa loob, nagulat ako ng nakatambay yung boys sa sala.

Oo nga pala, di lang pala kaming girls yung naninirahan dito sa dorm, sila din.

Pinanood nila akong maglakad malapit sa couch at naupo dito.

"Anyari sayo? At para kang mamalimos?" Sabi ni Kazer at hinampas siya sa braso ni Ace.

"Gago ka, bro. halata namang nakipagaway yung tao. Tinatanong mo pa." Sabi ni Ace kay Kazer. Dahilan na dumilat ang mata ng nakapikit at nakasandal na si Marcus.

Tumingin siya sakin at tinignan ako, ang blanko talaga ng expression ng face niya. Nakakairita.

Nakita ko namang naglalakad si Clyde palapit saakin habang may hawak hawak ng tasa ng tubig.

Di ko yun tinignan at kinuha. nakikipagtitigan parin ako kay Marcus ng mapunta yung tingin niya sa bandang leeg ko.

Oo nga pala, yung necklace na binigay niya di ko suot. Well ayun nga purpose nun eh para malaman niya na wala na din akong pake dun as much as he shows he doesn't care about me.

Pumikit na lang siya ulit at sinandal ang ulo niya sa sofa.

I scoffed, then just give the glass of water to Clyde after I finished it. Nakita ko namang bumalik na nga yung girls, at si Thea yung unang nakita kong pumasok at sunod si Janine tas huli si Aira.

Napatingin sila saakin. "Oh nandito ka na Pala!" Sabi ni Janine.

"Mukha kang wala sa mood kanina ah. What's wrong?" Tanong sakin ni Aira.

"If there is a problem, I will come with you." Sabi ni Thea at halatang handa ng makipagaway.

"Nothing, now that I've think about it, it's a foolish reason." Sabi ko habang nakatingin kay Marcus na nakapikit parin at nasandal ang ulo sa sofa.

Umupo naman sila sa tabi ko.

"Gutom na ako, girls. order na lang kayo ng grilled cheese bread and maybe also some pizza." Sabi ni Kazer habang nakabulsa ang kamay.

Tumayo naman si Aira at lumapit sa school's food service telephone. Nagorder na siya ng mga pagkain, at umupo na ulit sa gilid ko.

Ngayun kailangan na lang naming magantay ng pagkain.

Kasi gutom na kami lahat.

Lalo na at galing pa kami sa training.

• • •


Natapos na kaming kumain ng mga kung ano ano. Lumabas na kami ng dorm kasama namin sila Kazer, Clyde at Ace. Sabi daw ni Clyde na magpapahuli muna si Marcus kasi may kukunin pa daw siya.

Synthesis of Prophecy: Purple CharmWhere stories live. Discover now