"Nice to meet you, Yosel! Kami nga pala ang mga bffs ni Geneva! Ako si Aneva, ito naman si Rina." putol sa akin ni Aneva at lumapit na kay Yosel. Mas lalong dumiin ang titig ko sa kanya. "Ito naman si Olivia! Tsaka si Yasmine!" turo niya pa sa iba naming mga kaklase.

Pumikit ako ng mariin. Humugot ako ng malalim na hininga at sinusubukang pahabain ang pasensya.

Ni wala silang balak pakinggan ako!

Lumipat ang mata ko kay Rina at binigyan siya ng mapagbantang tingin. Umiwas ito ng tingin na para bang wala siyanh kinalaman dito.

Wala pa naman ibang nakakita kay Yosel sa mga kaibigan ko kundi siya. Malamang siya ang nagsabi kela Aneva kaya naisipan pumunta dito!

Wala naman akong problema kung gusto nila bumisita. Ang problema lang baka ayaw ng bibisitahin nila!

Napaka moody pa naman niyan.

Ako nga hindi kinakausap. Sila pa?

Pakiramdam ko namumuo na ang galit sa loob ni Yosel sa akin. Baka isipin niya ako ang nagyaya sa mga kaibigan ko dito at ngayon ay ginugulo siya!

"Aneva... Masyado pang maaga. Bumalik na lang kayo—-"

"Nice to meet you." Yosel stopped me midway. Inalok nito ang kamay kay Aneva na ikinalaglag ang panga ko.

Halos kuminang ang mata ni Aneva at hindi nagsayang ng oras at kinamayan rin si Yosel. Napa atras pa ako nang magsilapitan silang lahat at isa-isang nakipagkamay kay Yosel.

Halos malimog ang mata ko sa nakikita. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Yosel habang nagpapakilala sila sa kanya. Para akong batang nawawala sa sariling bahay at walang maintindihan sa nangyayari.

"Gusto sana namin magpaturo sayo sa Math! Alam mo na, habang bakasyon. Para pagdating ng pasukan ay handa kaming mag aral!" turan pa ni Aneva na para bang ang sipag niya talaga mag aral.

Kailan pa sila nag aral habang bakasyon?!

Bahagya ang pagtaas noo silang pinasadahan ng tingin ni Yosel. Para bang hindi rin naniniwala o namangha siyang alam nilang matalino siya at mahilig mag aral.

Lumingon ito sa likod niya at parang hinahanap ako. Nang mahuli ako ng mata niya ay mapaglarong tumaas ang kilay niya.

Nanigas ako sa kinatatayuan at bigla nalang nalunok lahat ng kaba.

Nanliit ang mata niya sa akin at bago ko pa man mapagtanggol ang sarili ay bumalik na ang atensyon niya sa mga kaibigan ko at nagsalita.

"I have free time so I think I can help..." anunsyo niya.

Halos magtatalon sa saya ang mga kaibigan ko. Pero ako parang gusto na sila isako isa-isa.

"Thank you, Yosel! Ang bait mo naman!" natutuwang sambit ni Aneva at pabirong hinampas ang braso nito.

Kumunot ang noo ko.

Ligalig silang lahat at handa nang pumasok sa loob ng bahay habang dala-dala ang mga libro nila nang magsalita muli si Yosel.

"But I am not the owner of the house. Ipaalam niyo muna kay Geneva," bumaling ito ulit sa direksyon ko. "Kung ayos lang sa kanya." aniya habang nakatitig sa akin.

Lumipat ang mata nilang lahat sa akin. Nag aabang ng sasabihin ko. Nabalot kami ng katahimikan nang hindi ako makasagot agad.

Kung nakakapaso lang ang titig baka nasusunog na ako ngayon sa klase ng mga titig nila. Para bang hahadlangan ko ang pangarap nila kapag nag hindi ako. Na aabangan nila ako sa school kapag hindi ako pumayag.

"Ayos lang ba sayo? Geneva?" marahang tanong ni Aneva.

I mentally gritted my teeth and sigh.

"Bahala kayo... A-Ayos lang." pagsuko ko at umiwas ng tingin.

How I Ended Up With You (To the Dreams of my Youth Series 1)Where stories live. Discover now