Chapter 34 (Save Me)

8.7K 419 41
                                    

CHAPTER 34

"YOU'LL BE AWAY for how many days, mommy?" tanong ng anak niyang si Anastacia habang inaayos niya ang mga gamit na dadalhin.

Hinarap niya ang anak.

"Two days or maybe three days? Why? You want to come with me?" Nakangiting ginulo niya ang buhok ng anak.

Nakangiting umiling naman ito.

"I know you're spending time with daddy so I won't disturb you, mommy." Natigilan naman siya sa sinabi ng anak.

Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon. Anastacia Khate knew what she's been doing lately. Her daughter is too observant and smart. Hindi na dapat siya nagtaka pa.

"Love..." anas niya.

"I truly understand, mommy. You told me that daddy is sick and I believe it. I will wait for the right time when I'll finally meet him. I can wait, mommy. For now, focus on daddy. I will just wait for him. You don't need to rush things. Just take good care of daddy okay, mommy?" 

Napatitig siya sa anak. Maluha-luhang niyakap niya ito. Anastacia isn't just smart. She's very understanding as well and very open minded in her very young age. She's really lucky to have Anastacia as her daughter. Isa ito sa mga naging lakas niya para tuluyang gumaling sa sakit niya noon. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ganito siya ngayon. Isa ito sa mga dahilan kung bakit matapang at malakas na siya ngayon.

"I'm sorry, love. I'm sorry, hmm? Time will come that you'll meet your dad, I promise." Hinalikan niya ang ibabaw ng ulo ng anak.

Niyakap naman siya nito.

"I love you so much, mommy. I love daddy too," malambing na sabi nito na ikinangiti niya. 

She spent her time with her daughter first for a few hours before she left. Zach and Thea invited her to the Isla Fontana so she have to leave today. Hindi niya alam kung pupunta rin ba si Hunter sa isla pero umaasa siya. Tatlong araw na ang nakakalipas mula nang huli nilang pagkikita. She gave him space to think. Alam niyang mahal na mahal pa rin siya ng binata. At mahal na mahal niya rin ito. Their love for each other were always there. It's just that...Hunter is still suppressing his own feelings because he thinks that he will bring danger to her and he could make her life miserable.

Naiintindihan niya ang binata. Naiintindihan niya ang lahat. Pero gusto rin niyang ipabatid at iparamdam kay Hunter na palagi lamang siyang naririto sa tabi nito. Na kaya niyang tanggapin ang lahat maging sino o anong klaseng tao man ito. Mas gugustuhin at mas pipiliin niyang maging miserable ang buhay kaysa wala ito sa buhay niya.

Habang nasa loob siya ng chopper na maghahatid sa kaniya sa Isla Fontana ay halo-halong emoyson ang nararamdaman niya. Napakatagal na panahon na rin mula nang huling tungtong niya sa isla. That island is very important in her life. Doon niya natagpuan at nakilala si Hunter. Doon siya nakatagpo ng kalinga at pag-ibig sa katauhan ni Hunter. She didn't expect that she will ever love a man in her life. Sa mapait na nakaraan niya at sa sakit na dulot niyon sa kaniya ay hindi niya aakalain na makakatagpo siya ng lalaking mamahalin niya habang-buhay.

Ngayon niya lamang napagtanto kung gaano kalalim ang pagmamahal na meron siya kay Hunter. She love him too much that she's willing to live a miserable life with him. Habang lumilipas ang panahon, mas lalo lamang nakaukit ang pangalan ng binata sa puso niya. No one can ever replace him in her heart. 

Nang makarating siya sa Isla Fontana ay hindi niya mapigilang maging emosyonal. Napakalaki ng pinagbago ng isla pero ang pakiramdam na ligtas at payapa ay naroroon pa rin. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang karagatan at ang hampas ng alon. Nasa tabi lamang siya ng dalampasigan habang pinapanood ang karagatan. Wala pa ring makakapantay sa islang ito. At kahit hindi man ganoon kaganda ang buhay nila noon sa islang ito, dito siya nakaramdam ng kapayapaan at panandaliang gamot sa karamdaman niya noon. 

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now