PROLOGUE

12.4K 732 55
                                    

PROLOGUE

I AM a believer that love is sacred as freedom. It can't be bought. It is priceless like real happiness. It's not easy to find one, but I am willing to do a hard work for it. So I could have that kind of love with me.

Gusto kong pagpaguran na kunin ang pag ibig na nakalaan sa akin dahil alam ko na pagkatapos ng lahat ng paghihirap, sa dulo, mahahawakan ko iyon, mapapa sa akin, at hindi na makakawala pa. Dahil pinaghirapan ko 'yon at hindi binili. That is the prize that I want for myself.

Ngunit sa pagdaan ng mga panahon, at sa pag usbong ng mga bagong henerasyon, ang pagmamahal na akala ko'y sagrado at hindi kailanman mabibili ng kahit na anong halaga, ay nagbago.

Love can be bought. Love can be faked. Love has a price. It is not sacred like how I used to believed it was. It wasn't free. You need to sacrifice things before you could have it.

Ang katangi-tanging bagay na libre sa mundong ito ay ang mangarap.

Iyon ang natanto ko. Iyon din ang sabi ng mga tao at ang paniniwala nila. Tama nga naman. Naniniwala ako ro'n. Dahil kahit gaano katayog o ka-imposible ang pangarapin ko, ayos lang. To dream is free after all.

Kaya noong natuklasan namin ang tungkol sa sakit ni mommy, ang pag galing niya ang palaging hinihiling at pinapangarap ko ng husto. I am so scared to live this world without her. I got terrified every time I imagined her being gone. I always ended up in tears whenever I think about her being very far away from me... that I wouldn't be able to see her and hear her voice anymore.

Takot na takot akong mawala kahit na isa sa magulang ko. Pakiramdam ko, guguho ang mundo ko. Na hindi ko na kayang mabuhay ng normal. Na para bang kapag nawala sila sa akin, magiging tila ako ibon na naputulan ng pakpak at hindi na makakalipad pang muli.

"Reva Chantria! Pumasok ka na rito, hija! Magkakasakit kapa dahil diyan sa ginagawa mong bata ka! Diosmio!" I heard Soledad voice from the door of our mansion.

Ramdam na ramdam ko ang lamig sa bawat dampi ng malalaking tipak ng ulan sa aking balat. At ang ihip ng hangin ay nagpapataas sa balahibo sa aking katawan. Pero hindi ko ininda ang lamig na nahalinhinan ng sakit.

I remained standing in the middle of our driveway as I watched my father's car drove away from me. Nag-away ulit sila ni mommy. At sa tuwing gano'n ang sitwasyon, palaging si daddy ang umaalis.

Tiningala ko ang madilim na langit at ang patuloy na tila pag iyak nito. I bite my lower lip to stop myself from another painful sob. At kasabay ng bawat patak ng ulan sa aking mukha, ay ang mga luha mula sa aking mga mata na hindi ko na mapigilan pang dumaloy sa aking pisngi.

Siguro, ang pinaka matayog na naging pangarap ko sa buhay na ito ay ang mabilisang pag galing ni mommy. Pero ang masaksihan na unti-unting natitibag ang masayang pamilya namin sa gitna pa ng kalamidad, ay nagbibigay sa akin ng matinding pagkabigo. Hindi ko alam kung paano ko malalagpasan ang lahat ng ito.

Nakatulugan ko ang pag-iyak kinagabihan. When I woke up next morning to go to school, I caught my mother at the backyard. She looked weak but she can still stand and walk. Ang maputi niyang balat ay halos mamutla na ang kulay.

"Mom," I caught her attention while gripping at the sling of my shoulder bag.

She smiled weakly at me. "Kumain ka ba ng almusal?"

"Opo."

Lumipat ang tingin ko sa mga lalaking nagtatabas ng mga halaman at ang ilan ay nagpuputol ng mga sanga ng puno. Our mansion is located at the near boundary of La Carlota and San Enrique. A kilometers away from other rich families in our town.

La Carlota 2: Behind the RaindropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon