"Thanks," I said. "But you didn't have to."

I was in no mood to entertain him kaya naman tahimik lang kaming dalawa habang kumakain ng sandwich sa loob ng sasakyan ko. Nararamdaman ko pa rin siya na patingin-tingin lang sa akin. I ignored that.

"I can give you materials," bigla niyang sabi. Napa-tingin ako sa kanya. "I mean, kung may problema ka sa sorority, I can give you materials from my frat."

"Hind ka ba papagalitan?" I asked kasi kahit sa amin may rule na bawal ipamigay outside sorority iyong materials.

He merely shrugged. "It's fine," sabi niya. "O kung may kailangan ka, just tell me and I'll ask my BAR buddy to do it for you."

Naka-tingin lang ako kay Lui.

"Nagguilty ka?" I asked him.

"Saan?" he asked like he had no idea kung ano iyong tinatanong ko.

I just looked at him. "Sa nangyari sa restaurant."

He didn't immediately answer. He was just holding his iced coffee at saka iyong sandwich niya na ubos niya na pala compared sa sandwich ko na nakaka-isang kagat pa lang ako.

"I don't know," he said. "I want to... but when I think about it, what exactly did I do wrong?" he continued and then turned his head so that he was looking at me. "Tell me," he said. "What did I do wrong?"

I was looking at his eyes, feeling more and more hypnotized as seconds passed by. Naka-tingin siya sa akin na para bang alam na alam niya iyong mga salita na gagamitin niya para makumbinsi ako.

An expert manipulator, this one...

At ako naman, willing victim.

Ang magiging motto ko na ba habang nasa buhay ko siya ay 'I'm just a girl?'

"I don't know," I told him instead. "I'd like to turn off my brain for a moment," I continued tapos ay sinandal ko iyong ulo ko sa may headrest at saka pinikit iyong mga mata.

I didn't mean to sleep... gusto ko lang talagang ipahinga iyong mga mata ko dahil pagod na pagod na ako sa kaka-isip ng kung ano ang dapat kong gawin. But Lui woke me up just in time bago magsimula iyong afternoon class namin. Hindi ko naubos iyong food na binigay niya sa akin. Iniwan ko na lang sa sasakyan tapos ay dumiretso kami sa classroom.

"Don't mind them," I heard him saying nang makita niya ako na naka-tingin sa mga sis ko na magkakatabi sa harap.

"What?"

"We're doing nothing wrong," sabi niya sa 'kin.

Hindi na ako nagsalita. Mamaya kapag tinanong ko kung bakit wala kaming ginagawang masama ay bigla niya akong sabihan na wala namang masama na 'friends' kami.

Nagfocus na lang ako sa lecture. Nung uwian, dumiretso na ako sa sasakyan ko. I was in no mood to do anything. Masakit na rin iyong ulo ko dahil sa information dump na nangyari ngayon.

I was just on my couch, watching Netflix, but not really dahil hindi ko rin talaga naiintindihan kung ano na iyong nangyayari sa pinapanood ko.

'What are you up to?' biglang nagtext si Lui.

'Netflix.'

'You want some company?'

'Nope. Baka nasa study hub ka.'

'It's 11. I'm done studying.'

'Ah okay.'

'Is that a yes?'

'Sure.'

11PM na pala. Parang walang nangyari sa buong gabi ko. Pag-uwi ko kanina, nagpalit lang ako ng damit at nagtanggal ng makeup tapos ay nasa couch na ako. Ni hindi pa pala ako kumakain. I needed to eat. Sayang din 'yung food sa ref ko. Nakaka-guilty if masisira lang e bigay pa sa akin ng family ko 'yon.

Game OverWhere stories live. Discover now