"Narito ka pala, bunso," he smiled that made me uncomfortable. "Hindi mo naman sinabi Georgia."

"At bakit naman kailangan mo pang malaman?" Umirap si Ate at hinila na ako papunta sa kuwarto ko malapit sa may kusina. "Siraulo talaga ang kupal na 'yon."

Nangunot ang noo ko at taka siyang tiningnan. Inis niyang sinarado ang pinto ng kuwarto ko at nilock iyon.

"Huwag kang lalapit doon kay Sam, Chen ah?" Bulong niya sa akin at ipinatong na ang eco bag sa kama ko.

"Ah, para sa inyo iyan."

"Eh?" Gulat niya iyong tiningnan at binuklat. "Salamat, Chen. Nag-abala ka pa, eh sigurado akong marami ring dala si Papa, mamaya."

Ngumiti lang ako at inalis ang bag sa likuran. Ipinatong ko iyon sa kama. Nangunot ang noo ko nang may isang plastic na cabinet ang nakalagay sa gilid ng bintana.

"Ah.." she cleared her throat. "Dito muna kasi ako natutulog noong wala ka, Chen." Mahinang sambit ni Ate George. "Pasensya na, galit ka ba?"

Napakurap-kurap ako at tarantang umiling sa kaniya. "H-Hindi, Ate, nagulat lang ako na nakuha mong matulog dito."

Nahihiyang ngumiti ito sa akin at pumunta sa harapan ko. "Huwag mong babanggitin ito kay Papa ha?"

Kumalabog ang dibdib ko. Tumango ako sa kaniya at hinintay siyang magsalita.

"Napansin ko kasing parang nag-iiba si Samuel," mahinang aniya at tumingin pa sa pinto ko.

Kinabahan agad ako nang banggitin niya ang pangalan ng lalaking huling tao kong titingnan.

"Hindi ko rin alam sa sarili ko eh.. pakiramdam ko kasi, hindi na ako ligtas kapag malapit ako sa kaniya," mas hininaan niya ang boses at hinila ako palapit sa may bintana. "Mas gusto niyang mag sex kami kapag nariyan si M-Mama."

Nanlaki ang mga mata ko. "H-Ha? Anong-"

"H-Hindi ko rin alam, Chen. Sabi niya sa akin, mas gusto niyang may nakakarinig," umiwas siya ng tingin sa akin. "Binalak kong makipaghiwalay sa kaniya dahil napansin kong, sa kaniya binibigay ni Mama ang pera naming dalawa, pero hindi siya pumayag, lalong hindi pumayag si Mama."

"B-Bakit sa kaniya? Edi ba, ayos naman kayo ni Mama? At bakit hindi siya papayag?"

"Hindi ko nga alam. Saka oo, ayos kami ni Mama, kaya nga hindi ko maintindihan bakit mas pinagkakatiwalaan na ni Mama iyang si Samuel, kumpara sa akin!" Namula ang mga mata niya at umiwas ng tingin sa akin. "Nahuhuli ko rin siyang..madalas nasa wall mo sa Facebook, tinititigan niya ang mga pictures mo."

Halos manghina ako nang narinig iyon sa kaniya. Tumulo ang luha ni Ate George nang nagtama ang paningin namin.

"Sa ngayon, iiwas tayo hangga't maaari, okay? Pero hindi natin ipapahalata, sinabi ko lang na mas may signal dito sa kuwarto mo kaya, nandito ako natutulog."

Lumambot ang puso ko sa hitsura niya ngayon. "Ate George, sumama ka na lang kaya sa akin?"

Napakurap-kurap siya. "P-Paano si Mama?"

Natigilan ako. Bumuntong siya at hinawakan ang kamay ko. "Sarili mo muna ang intindihin mo, Chen. Hayaan mo na kami rito, gustuhin ko mang umalis dito..hindi ko rin maiwan si Mama. Kahit ganoon na siya sa akin ngayon, mahal ko pa rin siya..kahit mas napabor na siya ngayon kay Sam at iritado na rin siya sa akin."

Namula ang mga mata ko at umiwas ng tingin sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang maririnig ko ang ganitong salita sa kaniya samantalang halos patayin niya na ako sa inis niya sa akin dati.

"Tumatanda na rin si Mama, Chenniah. Ayaw ko siyang saktan, kapag iniwan ko siya."

Tahimik kami ni Ate George habang nagluluto ng mga handa para mamayang noche buena. Nakita na rin ako kanina ni Mama at nagulat lang siya na umuwi raw ako, buti na lang hindi niya ako binungangaan dahil katabi ko si Ate George.

Lost Stars (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon