"Okay lang," sabi ko nang hindi tumitingin sa kaniya.

Aalis na sana ako nang bigla niya akong hawakan.

"Uhmm, I'm Lethicia Maurine Swift. You can call me Letti." nilahad niya ang kanyang kamay.

Ngayon ko lang napansin na may berdeng mata rin pala siya kagaya ng lalaking tumulong sa akin kanina. Maganda siya at maputi ang kutis. Simple at malinis siyang tignan. Nahiya tuloy ako sa itsura ko.

"Ahh, sige, Letti. Nice to meet you!" nakipagkamay ako sa kaniya. Aalis na ulit dapat ako pero hinawakan naman niya ngayon ang bag ko. Muntik pa akong natumba.

"Ay, napalakas yata" nag peace sign siya sa akin at nahihiyang ngumiti.

"I have extra shirt here if you want," kinuha niya sa bag niya ang puting t-shirt at inabot sa akin.

"Hindi na. Matutuyo din ito mamaya." pagtanggi ko.

"But the stain," tiningnan niya ang uniform ko. Medyo hindi naman halata kaya oks lang.

"Hindi naman masyadong halata,"

"Are you sure? I'll treat you na lang as pangbawi," sabi niya ulit.

Okay 'yon, a! Pero hindi na. Mataas pride ko. Char!

"Hay nako, wag na. Hindi mo naman kasalanan talaga, e. 'Yong nakamotor. Nagulat ka rin tulad ko." nginitian ko siya at tinapik sa balikat at naglakad paalis.

Hindi na siya nagsalita.

Hindi ko man siya ka-close pero masasabi kong mabait si Letti kumpara sa mga mayayamang kaklase o schoolmates ko dati. Puro sila mayayabang. Bobo naman.

Medyo nakalayo na ako sa kaniya nang may bigla akong naalala.

'Haysst! Bakit ba hindi ko naalala kanina?!'

Dali dali akong tumakbo ako pabalik sa kaniya. Nakita ko siyang nakikipag-usap sa guard. Lumapit ako sa kaniya saka ko siya tinapik sa balikat para mapansin ako.

"You're here?" gulat niyang sabi sabay ngiti.

Nahiya akong lumapit sa kaniya.

"Letti, 'di ba?"

"Yes? Tatanggapin mo na ba yung offer ko?" naka ngisi niyang tanong.

"Uhmm, oo. Pero, hindi sa akin sana.... Kung okay lang." nahihiya kong sabi.

"Sure! Basta makabawi ako. Sino ba siya?" ma's lalong lumawak ang ngiti niya.

'Yes!'

"May lalaki kasing tumulong din saakin kanina. Sabi niya ilibre ko daw siya para makabawi kaso... alam mo na," awkward akong tumawa.

Siguro naman gets niya yon.

"Ahh,"

"Gets mo?" tanong ko.

"Yeah,"

"Kaso hindi ko pa siya kilala, e."

"Akong bahala. Magaling akong mag embistiga. Sabihin mo na lang yong characteristics niya."

'Ayown!'

Sinabi ko sa kaniya ang itsura ng mukha niya at kung gaano siya katangkad pati ang kulay ng buhok niya at mata niya.

"Okay, I think I know who is it na." wow ang bilis, a.

"Salamat, ha?"

"You're welcome," sabi niya sabay ngiti.

Nag-suggest pa ako ng plan pero sabi niya siya na daw ang bahala.

Okay. Decision mo 'yan.

We talked and talked hanggang sa narinig na namin ang bell. Late na pala kami!

"Okay! Everything' s good now. Mauna na ako. Hahanapin ko pa kasi yung classroom ko."paalam niya sa akin sabay kaway.

Nagpasalamat ulit ako sa kaniya at saka siya kinawayan pabalik.

Magandang kausap si Letti at laging nakingiti. Mapapansin mo rin sa pagsasalita niya na lumaki siya sa magalang at mabait na pamilya. Ang akala ko nga noong una ay mahinhin lang siya. Madaldal din pala siya.

Dahil sa kaniya ay wala na akong pro-problemahin mamaya.

Salamat sayo Letti! Babawi ako sa iyo. Promise!

Ang gagawin ko na lang ngayon ay ang tumakbo papunta sa room namin.

Wait! Hindi ko pa pala alam kung nasaan!

Waaaaaaah!!!

(End of chapter 1)

An Unlikely Victory: LoveWhere stories live. Discover now