Chapter 3

12 0 0
                                    

Maaga kaming na-dismissed kanina kaya magkasabay kami ngayon ni Shein palabas ng school. Nalaman ko kanina na parehas pala kami ng daan pauwi, mas malapit lang siya.

Maraming estudyante na ang palabas ng school. Iyong iba naka kotse o motor. Iyong iba naman nasa waiting shed sa loob ng school, naghahantay ng sundo.

"'Wag ka nga nakabusangot diyan," sabi saakin ni Shein habang may kagat kagat ng turon.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ang ako ang president ng section namin.

"Eh, sinong hindi pro-problemahin sa sitwasyon ko ngayon?" halata ang pag-kairita sa boses ko nang sagutin ko siya.

"Ayaw mo no' n kontrolado mo ang classroom. 'Di ba nga ang dami mong reklamo kanina tungkol sa cr. Now it's your chance para ma-improve iyon."

"Sabagay may point ka. Ikaw na lang kaya?"

"Ihh! Ayaw ko nga. Sayang lang, walang muse. Ako na sana iyon, e." bumuntong hininga siya.

Sarkastiko akong umirap sa kaniya. "As if naman na may boboto sayo."

"Ayyy, sakit mo a."

As usual nagkukulitan lang kami ni Shein habang naglalakad. Ang bilis ng pangyayari, e, no? Parang kanina lang hindi kami magkakilala, ngayon parang hindi na kami mapaghiwalay.

Ang sarap din sa feeling ng ganito. Unang araw pa lang parang importante ka na sa buhay ng classmate mo. Pakiramdam na matagal ko nang hindi nararanasan. Kaya kahit madaldal iyong kasama ko, thankful pa rin ako sa kaniya dahil ako ang napinili niyang makasama.

Eyy! Sana all pinili.

Habang naglalakad kami ni Shein ay may nararamdaman ako na parang may masamang mangyayari. Tumatayo kasi ang mga balahibo ko. Palaging ganito ang nararamdaman ko kapag may away na paparating, at kasama ako.

"Bakit?"

"Wala lang,"

Mahigit limang minuto na at ganon pa rin ang nararamdaman ko. Hanggang sa naalala ko ang sinabi ng kasama ni George.

'Seryoso kaya siya kanina'

Malapit na kaming makalabas sa gate. Sana naman walang mangyari. Umaakto na lang akong kalmado para hindi na makaramdam pa si Shein. Medyo makulit pa naman ito.

Malapit na kami sa gate ng may humablot ng bag ko.

"Hoy! Ibalik mo yan!" sigaw ko sa isang lalaki.

"Ba't 'di mo kunin?" siga niyang sabi sabay wagayway ng bag ko.

"Baliw ka ba? Ibalik mo nga iyan!" biglang sabi ni Shein na nasa tabi na niya at piningot niya ito sa tainga.

Akmang papatulan na sana ng lalaki si Shein pero naunahan ko siya. In-upper cut ko siya at saka kinuha ang bag ko. Ayun tuloy bagsak.

"Aray!" daing niya.

"Bading ka ba? Bakit ka namamatol ng babae!" inis kong sigaw sa kaniya. "Haysst! Ang dami ko na ngang problema dadagdag ka pa. Crush mo ba ako? Way ba yan ng first move mo? Bwisit!"

An Unlikely Victory: LoveWhere stories live. Discover now