'Gagi yung aso nakakatakot! Wala siyang balahibo!'

Wala pang masyadong tao sa kalsada kaya halos mawalan na ako ng pag-asa.

Ma's bigla akong na takot ng maramdamang kong dumadami ang humahabol sa akin kaya naman mabilis akong lumingon. At, bhe, guess what, apat na sila!

Naiiyak na ako at pagod na sa kakatakbo. May ilang nakakakita sa akin at sinusubukang paalisin ang mga aso pero ayaw talaga nila.

"Tama na, oh! Hindi naman ako masarap, e!" pagmamakaawa ko na parang maiintindihan naman nila.

May nakita akong puno ng mangga sa tabi kaya dali dali akong umakyat para iligtas ang aking sarili. Sa bilis ng takbo ko tanaw ko na yata ang school gate. Grabe ba! Sa mahigit 30 minutes na papuntang school nakarating ako ng 20 minutes. Astig no'n, pre! Pero yung mga aso nasa baba pa rin ng puno!

Ang lakas ng pintig ng puso ko at halos mawalan na ako ng hininga.

"Mama!" paiyak kong sabi habang nakatingin sa galit na mga aso sa baba.

"Ginagawa mo diyan?" biglang tanong ng isang lalaking may kulay brown na buhok at berdeng mga mata. May lahi ito. For sure.

"Yung aso," sabi ko habang tinuturo ang mga aso.

"Eh," sabi niya na parang hindi makapaniwala.

Kumuha siya ng mahabang stick at ginamit ito para mapaalis ang mga aso. Wala pang isang minuto ay umalis na sila.

"Takot ka sa aso?" curious niyang tanong.

"Obvious ba?" maldita kong sagot habang bumababa sa puno.

"Ayy, ang sungit. Wala man lang thank you diyan, miss?" sabi niya habang naka pout.

"Thank you," sabi ko at ngumiti siya sakin. In fairness ma's gumagwapo siya kapag ngumingiti.

"Okay, libre mo ako recess, ha?" ginulo niya ang buhok ko at saka umalis sakay ng bike niya.

"Wait!" sinubukan ko siyang pahintuhin pero parang wala siyang naririnig at may pasipol-sipol pa.

'Aba! Wala akong pera!'

Dahil wala na ang mga aso ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. Yung akala kong gate ng school yung kanina gate lang pala ng malaking mansion.

Dahil sa chismosa ako ay sinilip ko muna ang mansion mula sa gate. Ang ganda at ang laki ng mansion. Kita ko din ang mga nakaparadang sasakyan. Ang astig!

"Kailan kaya kami makakatira sa ganiyan ni mama?" tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa malaking mansion.

Minsan naawa na ako sa sitwasyon namin ni mama. Hirap na siyang maghanap ng trabaho kaya pinaghuhusayan ko sa school. Nagbubunga naman ito ng maganda kasi ako ang laging valedictorian sa mga previous school ko.

Marami ang nangbu-bully sa akin dahil doon. Hindi ko daw deserve kasi hampas lupa lang ako. Lagi akong napaaway nang dahil doon.

Siyempre lalaban tayo. Ang Sarap kayang makaganti.

Nang nakarating ako sa gate ay marami nang studyanteng pumapasok. Akala ko ay magiging okay na ang lahat, pero may isang motor na biglang humarurot at dahil sa gulat ng mga tao ay natapon sa akin ang kape ng katabi ko.

Buwisittttt!!!

"Hala! Omg, I'm so sorry!" tarantang sabi niya habang pinupunasan ang puti kong uniform gamit ang panyo niya.

"Wait, I have wipes here." kinalkal niya ang bag niya at inabot sa akin ang wipes.

"I am really sorry," sabi niya ulit.

An Unlikely Victory: LoveWhere stories live. Discover now