I had to stock up on vitamins dahil pakiramdam ko ay magkaka-sakit na ako sa schedule namin... Kahit nung sa law school nga ay hindi ko ginagawa 'yon. Believer kaya ako ng complete sleep hours! Super bihira lang ako nag-a-all nighter. Iba talaga ang hatak sa akin ng Lui na 'to.

"Yup," I said kahit labag sa loob ko. "Just go to sleep and have some rest. See you sa review center," I continued tapos ay dumiretso na akong lumabas kahit gustung-gusto ko pa talaga magstay sa sasakyan niya and be in his proximity.

Dire-diretso lang akong naglakad at hindi ko siya nilingon dahil baka biglang magbago iyong isip ko kapag nakita ko siya. Saka... pakiramdam ko ay kailangan ko na rin ng pahinga. I had been over-exerting myself. I was feeling the fatigue already. Buong araw na ako sa review center tapos nag-aaral na naman ako kasama si Lui sa gabi. At this point, baka magtop na ako sa BAR exam sa sipag ko! Masshock buong pamilya ko, if ever.

I tried to sleep, but it was like my whole body was already used to staying up late. Instead of forcing myself to sleep, nandon na lang ako sa couch at saka nanonood ng Kdrama pampatulog.

"What the—" I said when I saw Lui's face sa isa sa mga Instagram Story ng sis ko. I had to go back to the story para ma-check kung siya ba talaga 'yon.

Wow... ako na nga nagmalasakit sa kanya para makapagrest siya, tapos pupunta siya sa club? Also, bakit nasa club iyong sis ko? It's literally Thursday! Hindi ba siya makapaghintay ng Friday para pumarty?

I kept on telling myself that it wasn't my place to police kung anuman ang ginagawa ni Lui. I told him na magpahinga siya. He's a nurse. Dapat alam niya na kailangan niyang magpahinga.

It's not my business—ugh! But what if may babae siyang makilala sa club? What if may dalhin siya sa condo niya tapos—

Mabilis akong umiling. Nope. No, Tali. Literally wala kang pakielam dapat sa kung anuman ang ginagawa ni Lui. Also, kung gagamitin mo lang 'yang utak mo for a change, dapat siguro ay tigilan mo na rin ang pakikipaghookup kay Lui. See how he's in a club? May iuuwi na naman 'yan. Hindi ka ba kinikilabutan na part ka ng harem ni Lui? Where's the pride, Italia Reign?!

'Are you resting?'

I opted to text him instead. This was already a bargain for me. Gusto ko talaga siyang puntahan, pero napaka-weird ko naman kung bigla akong susulpot doon. Kahit pa sabihin ko sa kanya na nakita ko lang siya sa story ng sis ko, I doubted if he'd focus on that and not on the fact na pumunta ako sa club dahil lang nakita ko siya roon.

'Yes.'

'In bed?'

Hindi agad siya naka-reply. I was just holding my phone and staring at it like na para bang bibilis ang pagrereply niya kapag naka-titig lang ako doon.

'No, I'm out.'

'We have review class tomorrow.'

'I know. Sandali lang ako dito.'

'Nasan ka ba?'

Shucks. Mukha ba akong pushy? Mukha ba akong clingy? O baka pwede niya namang basahin na parang concerned citizen lang ako?

'Club,' he replied after a few minutes. I read his message from the notification bar. Ilang minuto rin iyong lumipas na hindi ako nagrereply kasi hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko doon. 'Wanna join?'

I should say no. Nasa condo na ako. Naka-pajama na nga ako. Ready na akong matulog. May klase pa kami bukas.

Pero kailan ba nanalo ang logic sa gusto ko talagang mangyari?

* * *

Normally, matagal ako mamili ng isusuot ko lalo na kapag alam ko na maraming makaka-kita sa akin. But tonight, masyado akong nagmamadali. I opted for a little black dress... but then again, one could never go wrong with a little black dress. I also wore my red strappy heels. At dahil nagmamadali talaga ako, I just let my hair loose at saka nagred lipstick ako.

Game OverWhere stories live. Discover now