PART 36

432 32 88
                                    

STELL'S POV

"Gusto kong maging tayo na. Maging tayo na Stell."

Parang bomba na sumabog sa pandinig ko ang mga katagang binitawan ni Pablo.

Tahimik lang ako habang nakatitig sa kanya. Di ako makagalaw. Ni hindi makapag salita.

Para akong nabingi.

Isa nanaman ba itong panaginip?

Kasi kung OO, gusto ko nang gumising.

Ayaw ko ng ganitong bangungut. Kung sa bandang huli ay magigising nanaman ako sa katotohanang walang kami ni Pablo.

"Hey., wala ka manlang bang sasabihin? Wala kang reaction or violent reaction manlang?" Nakangiting sabi nito sa akin.

Nagpalinga linga ako sa paligid. Baka sakaling may makita akong camera. Baka kasi prank lang to o ano.

Di pa rin kasi ako makapaniwala.

"Muka kang tanga alam mo." Naiinis nang sabi ni Pablo.

Kinisap kisap ko pa ang mga mata ko baka sakaling maglaho si Pablo.

Kinurot ko din ang sarili ko sa pag aakalang nananaginip pa rin ako.

Aray.

"Ano bang nangyayari sayo?" Kunot noong sabi nito.

"Eh kasi---" He gave me a quick kiss sa lips.

"Teka, bakit ka ng---" Pablo kissed me again.

"Aba't ---" And kiss me again.

Natahimik ako at tinakpan ko ang labi ko saka ko sya sinamaan ng tingin. Agad naman nyang tinanggal yung kamay ko at muli akong ginawaran ng halik.

Nanlaki ang mga mata ko habang nakapikit naman si Pablo.

Magkalapat lang naman ang mga labi namin pero pakiramdam ko ay libo libong boltahe na ng kuryente ang dumaloy sakin.

Bumaba ang labi ni Pablo papunta sa leeg ko. Para kong nanigas nang sipsipin nito ang balat ko.

 Para kong nanigas nang sipsipin nito ang balat ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Markado ka na, kaya akin ka na." Namumungay ang matang sabi nito, habang nakarehistro naman sa labi nya ang isang napakagandang ngiti.

Damn, bat ba ayaw magprocess ng utak ko.

"Sumunod ka na sakin sa labas pag nagpaprocess na ulit ang utak mo ah. Nagluto si Mama ng sinigang. Gusto ko kasing makasabay kumain ang BOYFRIEND ko." Sabi pa nito at saka ako ginawaran ng mabilis na halik sa noo bago tuluyang lumabas. Habang ako naman ay naiwan pa ring nakatulala.

Dug dug dug dug 💓

"Boyfriend na ako ni Pablo?" Mahinang anas ko. Hindi ako makapaniwala.

Girl From Nowhere - Pablo's Secret Where stories live. Discover now