Part 5

476 32 25
                                    

PABLO'S POV

"Naiirita na ko sayo Stell, bat ba ayaw mong umuwi." Nakukulitang sabi ko sa kanya dahil ayaw pa rin nya kong lubayan.

Okay lang naman sana sakin na andito sya pero yun ay kung wala akong sumpa.

Bigla bigla na lang kasi akong nagtatrasform ngayon at wala na ako maidadahilan sa taong to pag bigla na lang ulit nangyari yun.

"No, hindi ako aalis." Pag mamatigas nito. "Mamaya nyan ay bigla ka na lang mag-collapse dyan tapos kunsensya ko pa kasi iniwan kita. Saka malapit na yung came back natin. Hindi ka pwedeng magkasakit. Kelangan ka namin. Hindi namin kaya ang mga ginagawa mo. Saka hindi kami SB19 kung wala ang isa. " Gusto ko sanang ma-touch sa mga sinasabi nya kaso ang OA nya. Nauubos na sa kanya yung mga groceries ko kakalamon nya.

Sabi nya diet sya, pero parang hindi naman.

"U.T.I nga lang to. Kaya sumasakit ang tyan ko."

"Puro ka kasi Hotdog, ayaw mong kumain ng masustansyang pagkain."

"Anong gagawin ko, yun ang paborito ko. Saka masmadaling lutuin yun."

"Kaya nga dito muna ko mag stay para mapagluto kita."

"Ang tigas talaga ng ulo mo Vester."

"Alin don?"

"Anong alin don?" Naguguluhan na tanong ko. Napakunot pa ang aking noo dahil di ko na gets yung sinabi nya.

"Taas o baba?"

"Hahaha, nakakatawa yung reaction mo Pau

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hahaha, nakakatawa yung reaction mo Pau." Punyetang Stell na to.

Iba talaga takbo ng utak nya.😑

"Stellvester, pwede bang payakap."

"Hoy Pau, nababading ka nanaman sakin ah.... No, hindi ako easy to get."

Anak ng tipaklong talaga.

"Sige na, isa lang. Sa leeg." Irita kong sabi. "Umuwi ka na nga. Nanggigigil ako sayo."

"Hindi nga ako uuwi, ang kulit mo naman. Babantayan kita." Ang kulit talaga Vester.

Malapit na talagang maubos ang pasensya ko sa taong to.

Pinabayaan ko na lang sya sa gusto nya dahil wala rin naman akong magagawa. Pagdating na lang siguro ng 8pm ay magtatago na lang ako sa room ko uli at mag la-lock ng pinto para di sya makapasuk.

Bahala na sya sa buhay nya.

Wala naman kaming masyadong ginagawa ni Stell. Nag brain storming lang kami kung anong pwedeng gawin sa world tour namin. Nag live streaming din sya. At dahil matang lawin ang ATIN, alam nilang nasa condo ko si Stell kaya pinutakte ng StellJun/PabStell shipper ang comment section sa live nito.

Girl From Nowhere - Pablo's Secret Where stories live. Discover now