Kabanata 1

49 5 0
                                    

Nahinto ako sa pagsulat dahil pakiramdam ko merong lihim na nakamasid sa'kin. Tiningnan ko ang bintana ng classroom namin at napatitig sa matangkad na taong nakatayo sa labas. Nakablack hood ito at alam kung sa'kin siya nakatingin kahit na hindi kita ang mukha niya. Umuulan at masama ang panahon, kaya nakakapagtaka  anong ginagawa niya diyaan?

Trip niya lang ba 'yan? O baka stalker ko siya, sa'kin lang kasi siya nakatingin. "Ayos kalang Belle?" Bigla akong kinalabit ni Issa kaya napatingin ako sa kanya. Nasa katabing upuan ko siya.

"W-wala," Mahinang sagot ko saka muling bumalik sa pagsusulat.

Tiningnan ko ulit ang labas pero wala na yung taong nakatayo. Weird.

"Cleaners, maiwan!" Sigaw ni president sa loob ng classroom. Hapon na kaya uwian na kinuha ko ang bag at lumabas.

Maraming estudyante ang papalabas na sa school. Isa lang akong ordinaryo na estudyante ,18 at graduating ng senior high this year. May kuya ako Fritz ang pangalan niya future architect, ang mama ko naman nagtatrabaho sa isang factory. Simple lang ang buhay ko hindi engrande hindi rin kulang. Kumbaga middle.

Napatigil ako sa paglalakad dahil alam ko may nakatingin nanaman sa'kin. Tiningnan ko ang gilid ko sa hindi kalayuan, yung nakatayong tao na nakita ko room kanina sa labas ng silid-aralan.

Nagpakita nanaman. Umatras ako sa takot saka nagmadaling lumabas ng school. Hinihingal na sumakay ako ng trycicle saka nakauwi ng apartment.

Ba't ba sinusundan ako ng creeping 'yon?

Pumasok ako sa loob at nadatnan ko si kuyang nakaupo sa kahoy naming couch. Nanunuod ng tv. "Oh nandiyan kana pala," Sabi niya, tumango ako pagkatapos ay dumeritso sa kwarto. Nilagay ko ang bag sa study table at nagbihis pambahay.

"Anak, halika magmiryenda ka muna." Nasa pinto ng kwarto ko si mama. Nakauwi na pala siya galing trabaho. Tumayo ako sa kama saka sinundan siya, sa sala kami palaging nagmimeryenda sabay dahil nandito lang naman ang tv. Bali bonding na namin 'tong magkapamilya.

Sa lumipas na taon nakayang buhayin ni mama ang dalawa niyang anak. Kaya masasabi kong  maswerte kami, dahil kahit mag-isa lang siyang tumataguyod. Hindi siya nagkulang kahit kailan. Kahit na nangungupahan lang kami ng apartment  namin hindi niya kami pinapayagang kulangin sa pagkain.

Umupo ako sa kahoy naming couch at kumuha ng isang tinapay. Inabotan ako ni mama ng juice, habang si kuya naman tutok na tutok sa pinapanood.

"Kumusta ang school Belle?" Tanong ni mama. "Okay naman ma medyo stress lang kasi senior na," Ani ko habang ngumunguya.

"Nako! wala pa'yan pag nagcollege ka ding(bunso) mas stress kaya pagtumuntong kana sa kolehiyo." Inirapan ko siya as if naman alam ko kung ano ang mga subject nila? Saka iba-iba naman kami ng buhay. "Fritz naman kung stress ka stress rin siya pareha lang kayo," Mahinahong saad ni mama.

"Yeah, tatapusin ko muna yung plates ko ma," Tumayo siya dala ang bag saka dumeritso ng kwarto niya.

"Pero seriously anak, nasstress kaba sa school?" Umiling ako at nagpatuloy sa pagkain ginutom yata ako, maliit lang kasi yung kinakain ko sa school.

"Medyo lang ma." Wika ko.

"Huwag kang masyadong magpakastress anak. Dapat ienjoy molang, ang mahalaga ay nag-aaral ka ng mabuti," Tumango ako. Ang swerte ko dahil never pinafeel ni mama ang pressure sa'kin.

Ang kanya lang ay may natutunan ka at gumawa ka ng mabuti. Never nang-aagrabyado at hindi maging masama sa kapwa.

"Nga pala, may bago tayong kapitbahay sa kabila. Ihatid mo 'to sa kanila," May kinuha siya sa kusina saka inabot sa'kin ang tupperware na may lamang adobo.

Ang weird naman ni mama na namimigay sa kabilang bahay. Like, oo hindi ito masama pero what if magtaka yung bagong lipat, at mag-isip ng kung ano-ano? O baka sadyang praning lang talaga ako. Kinuha ko ito mula sa kanya at lumabas.

Habang naglalakad sa kabilang apartment room ay kinakabahan ako. Ewan ko kung bakit, kasi baka hindi niya tatanggapin toh? Umiling ako sa nadarama nandiyan na tayo naman ako sa what if eh. Overthinker.

Pagdating sa pintuan nila ay nagdadalawang isip pa akong magdoor bell. Pero bahala na.

Pinindot ko ang doorbell at nag-antay na may lumabas pero wala naman.

Pinindot ko ulit at sa wakas naman narinig kona ang pag click ng doorknob. Sa loob ay ang nakatayo na lalaking nakamask. Surgical mask medyo magulo rin ang buhok niya, ano yun may inooperahan ba siya ngayon? Napa-iling ako sa iniisip engot mo talaga Belle.

Matangkad naman ako pero hanggang dibdib niya lang ako. Bakit ba nakamask pa siya? Nasa loob lang naman siya ng bahay nila. "A-ah, pinapaabot ni mama" Bahagyang inabot ko sa kanya ang tupperware at napatingin siya rito. Kita muna, talagang hindi niya tatang...

Gihan.

Kinuha niya ito gamit ang mahahaba't makinis na daliri. Gulat na napatingin ako sa kanya. "Salamat." Kaswal na sabi nito at sinarado ang pinto. Nakatulalang naiwan ako roon sa kinatatayuan ko.

Grabe naman 'yon.

Bumalik na ako sa'min at sa pintuan palang ay sinalubong na ako ni mama. Excited siya habang ako dismaya ang mukha. "Ano? kumusta? babae ba siya or lalaki?" Nakapameywang pa ito.

"Lalaki ma at tingin ko mag-isa lang siya," Pahayag ko dahil wala akong narinig kanina na ibang tao or something.

"Ganon ba... o siya sige tawagin mona 'yong kuya mo at maghapunan na tayo." Tumango ako saka nagtungo sa silid ng kuya at kumatok. "Kuya kakain na," Ani ko at naghanda ng mga plato sa lamesa.

Umupo na kami upang makakain at habang kumakain kami. Nagrereklamo si kuya sa plates na ginagawa niya, nakakapagod na raw kasi maging future architect. Natawa nalang kaming dalawa ni mama sa kanya dahil puro siya reklamo gayong pinilit niya pa si mama na Architect nng gusto niyang kunin.

Matapos kumain ay hinugasan ko ang pinggan matapos ay dumeritso ng kwarto. Sandali akong nagstudy dahil may quiz kami bukas. Pagsampa ko ng kama ay biglaang bumukas ang pinto. Si mama.. may dala itong gatas umupo siya sa kama ko at inabot ito. "Bago ka matulog inumin mo muna ito at magdasal ka ha?" Ngumiti ako saka tumango. Nakakatuwa dahil kahit malaki na ako binibaby parin niya ako.

Tinungga ko ang gatas saka siya tumayo at lumabas. Humiga ako at hindi ko namalayang pumikit ako dahil siguro sa pagod kaya agad akong nakatulog.

"B-bitawan mo ako..." Bumaon na ang kuko ko sa braso niya at kinalmot nararamdaman ko rin ang mga dugo sa kamay ko dulot ng kalmot na ginawa ko. Halos lagotan ako ng hininga dahil sa mariing sakal niya sa'kin

"Bitawan mo ako please.." Hikbi at pagmamakaawa ko.

"Kunting tiis nalang Belle, malapit na... malapit ka ng mamatay!" Idiniin niya ang pagsakal dulot ng pagluha ko. Hindi ko na kaya parang ito na yata ang katapusan ko.

Gulat akong napalingon dahil humandusay sa sahig yung taong gustong pumatay sa'kin, napaubo ako at habol ang paghinga. Napatingala ako sa taong nakatayo humihingal na tila niligtas ako sa bingit ng kamatayan. May hawak siyang baseball bat ito yata ang ginamit niya sa pagligtas sa'kin. Hindi kita ang mukha dahil naka hood ito at madilim, sino kaya siya?

Unti-unti niyang tinanggal ang hood at...

Napadilat ako sa kaba at napaupo sa kama. Hinihingal sa nararamdaman na takot, kaba, at pag-aalala. Napahawak ako sa dibdib saka napahikbi. Ito na naman ang bangungot na muling bumalik-balik. Ngayon lang ulit nangyari 'to. Makalipas ang ilang buwan at taon paulit-ulit kong napapaginipan 'to. Gusto kong maglaho sa isip at ala-ala ang paulit-ulit na panaginip na ito. Natulala ako dahil pakiramdam ko hindi na ulit ako makatulog ngayon.

Taimtim akong nagsimulang nagdasal para gumaan ang pakiramdam. Ang nangyayaring ito trauma lang sa nakaraan. Bumuntong hininga ako at niyakap ang tuhod. May mga pangyayari talaga na ang hirap kalimotan. Ang sakit sa ulong alalahanin, pero napa-isip ako.

Familiar yung taong nakahood sa panaginip ko.

Neighbor's HoodWhere stories live. Discover now