Ikalima - Ikaanim

1 0 0
                                    

Maaga akong hinatid ni tatay sa school dahil meron silang pupuntahan ni inay. Pumasok ako sa school at dumeretso sa cafeteria para kumain dahil sa sobrang aga naming umalis ay hindi ako naka kain ng agahan.


"Isa pong breakfast meal"sabi ko sa nag babantay at nag abot ng sixty pesos.


Umupo ako malapit sa cashier para madali ko pang maitapon ang styro sa basurahan pag tapos kong kumain.


Pumasok na ako sa classroom namin pagka tapos kong kumain ng agahan dahil wala rin naman akong ibang gagawin. Habang nag hihintay ako sa klase ay nag basa muna ako ng libro para hindi sayang ang pag hihintay ko.


"Ysa, bili tayong prutas sa Agribiz building mas mura don eh" sabi ni bea dahil hindi sumipot ang guro namin para sa first subject.


"Sige tara" sabi ko naman dahil wala rin naman na akong gagawin sa loob ng silid namin.


Inayos ko ang mga gamit ko sa bag at sinuot ito para maka alis na kami ni Bea. Maaga pa para sa next sub so hindi magiging problema ang pag punta namin sa Agribiz building kahit medyo malayo ito sa building namin.


Lumapit kami sa stall ng maraming display na prutas at nag titingin kung anong magandang bilhin at kainin. Nasa ikalawang stall na kami ng biglang nakita ko si paul na siyang nag babantay habang nag lalaro sa telepono nito.


"Bili tayo ng gatas, Ysa" sabi ni bea habang tinitignan ang mga tinda nila dito.


Pamilyar ang gatas na ito ha?


Tama!


Ito yung laging binibigay sakin ng nag iiwan ng rosas sa lamesa ko ah.


"Meron na ko niyan, Bae" sabi ko at kinuha yung gatas na nasa loob ng bag ko


Nag angat agad ng tingin si Paul at nakita kong nagulat ito ng makita ako. Ngumiti ako sa kanya at nag wave ng kamay dahil wala na rin akong magawa at nakita na niya ako alangan namang diko pansinin.


"Oo nga pala merong laging nag bibigay sayo. Sana all" humahagikhik na saad nito at nag tingin pa ng ibang nasa display.


Umiling nalang ako sa pinag sasabi niya. Tumayo naman si Paul at in-entertain kami sa kung anong gusto namin at nag suggest din siya ng mga best seller nila.


"Hoy Paul! Tigil tigilan mo yang pag pu-porma mo jan at baka tamaan ka ng kamao... este kidlat jan mamaya" sigaw nung lalaking nasa kabilang stall habang naka ngisi ito.


Napakamot si Paul sa buhok niya at tiningnan ng masama ang nag sabi sa kanya. Familiar tong lalake feeling ko nakita ko na siya dati pa pero hindi ko maalala kung saan.


"Wala naman akong gina-gawang pag porma pare. Nag i-entertain lang ako ng costumer namin." Sabi nito habang tatawa tawa sa kasama na naiiling nalang.


Naka pili na si Bea ng bibilhin niya at dahil wala naman akong gustong bilhin sinabihan ko na siyang mag bayad na ng binili niya para maka punta pa kami sa ibang stall.

Je T'aimeWhere stories live. Discover now