Nakita kong ipinatong ni Titus ang kanang siko sa armrest at pinaglaruan niya ang kanyang ibabang labi gamit ang kamay niya.

Ang iba naman ay titig na titig, nakikinig.

Naghihintay ng susunod kong sasabihin.

Napabuga ako ng hangin. "But they are under your care. Kayo ang bahala. Nasa sa inyo kung paano ninyo sila tatratuhin. My concern is with the witches. My duties are to their welfare."

"And the town's peace," dagdag ni Magnus.

"And the town's peace," sang-ayon ko. "Nakita ko ang sitwasyon ng mga witches sa bayan na ito. I noticed they are not as privileged as the vampires. Karamihan sa mga witches ay mahirap. At iyung mga nakakaangat sa iba ay hindi naman matawag na mayaman. Let's say, lower-middle class ang pinakanakakaangat sa mga witches."

Nakita kong napa-smirk si Titus.

Ano'ng nginingiti-ngiti n'ya? Pinagtatawanan n'ya ba kami? Pinagtatawanan n'ya ba ako?

"Ms. Simmons," panimula ni Magnus. Pinagdaup niya ang mga kamay sa ibabaw ng mesa. "What do you think should we do?"

"I did my research. Witches here pay their taxes. The Council makes sure of that."

Napansin kong nag-iwas ng tingin ang mga matatandang members. Seryoso namang nakatingin sa akin sina Nadine at Matteo na para bang may gintong lumalabas sa bibig ko kapag nagsasalita ako.

Si Titus naman ay naka-smirk pa rin. Naiinis na ako. Did he find this amusing?

"Alam n'yo, my mother made sure that I didn't go out a lot. We were hiding from all of you. From my grandmother. It all made sense now. But it doesn't matter because in the end, alam pa rin pala niya kung saan kami nakatira," tinapunan ko ng tingin si Grams Octavia.

Akala ni Mama hindi alam ni Lola Caridad kung nasaan kami. Pero nang namatay ang Lola, her bestfriend sent my mother a letter. That made her paranoid.

"My mother got paranoid, she basically imprisoned us in our condo. Wala akong social life, walang mga kaibigan. We were homeschooled. Lumalabas lang kami kapag kasama sila ni Papa."

I was actually surprised that they listened. The Council was listening. Hindi nila ako binabara.

Kaya nagkaroon pa ako ng lakas ng loob na magpatuloy.

"Because of this, nagkaroon ako ng maraming oras na magbasa. I read a lot of books. And I mean a lot. Including about taxes. I may be young and inexperienced, pero alam kong dapat ginagamit ang taxes ng taumbayan para sa ikabubuti at ikauunlad ng taumbayan."

"Are you saying we are corrupt?" matigas na tanong ni Mr. Horton.

"Are you?" balik-tanong ko sa kanya at medyo nagulat siya kaya napatingin siya sa direksyon ni Magnus Bloodworth.

Huminga ng malalim si Magnus. "Hellville is a very traditional town, Ms. Simmons. Old-fashioned, some called us. Ipinagpatuloy namin ang nakagawian. If our ancestors started it, we continue."

"So, ibig ninyong sabihin ay ilang generations na ring nagdurusa ang mga witches? Ano ba sila sa bayan na ito, Elder Bloodworth? Slaves? Nakita ko ang tagasilbi noong birthday n'yo, Elder Brigham," baling ko sa ama ni Matteo. "The servers were all witches."

"Slaves?" bulalas ni Mr. Brigham na tila ba naeskandalo. "Of course not! Ano ba'ng pinagsasabi mo, Ms. Simmons?"

Sa totoo lang ay takot na takot ako. Alam kong mga halimaw itong nasa harapan ko. Paano kung bigla silang mawalan ng kontrol dahil ginalit ko sila?

Pero tinatagan ko ang sarili ko. They wanted me to do my duty, then they would get it.

My way.

"So bakit walang equal opportunities ang mga witches compared to the vampires?"

"She has a valid point," biglang nagsalita si Matteo. Isa-isa niyang tiningnan ang mga matatandang members. "Bakit ganito ang situation ng witches?"

"Oo nga. They are citizens of this city," segunda naman ni Nadine. Tumayo siya at lumapit sa mga Atwood.

Nagulat kami nang bigla siyang yumuko sa harapan nila. Nahigit pa ang hininga ng maglo-lola.

Si Nadine Horton, the popular spoiled princess, bowed to the witches.

"I'm sorry for not noticing it before. I can see how wrong this injustice and inequality are. Akala ko normal lang ito dahil iyun ang nakasanayan. But now..." ako naman ang hinarap ni Nadine. "Thank you, Savannah, for opening my eyes."

Napangiti ako sa kanya.

So I did something good today.

"So, what is your plan, Ms. Simmons?" ani Magnus. "Surely, you have a proposal."

Tumango ako. "Nasa folder ninyo. Since mahihirap ang mga witches, I propose that we give loans to those who have good and promising business proposals. Let's help them start their own businesses. Also, increase their pay. Their wages and salaries should equate to the services they provide."

Tumangu-tango si Magnus maging sina Mr. Brigham at Mr. Horton.

Nakahinga ako nang maluwag. Pumalakpak naman sina Matteo at Nadine. Tumayo ang huli saka ako niyakap nang mahigpit.

"You are amazing. Pwede ba kitang ligawan?" ani Matteo nang makalapit sa akin.

Gulat akong napalayo sa kanya kaya tinawanan niya ako.

"Grabe naman. Basted agad ako?" aniyang tumatawa pa rin.

"Loko," sabi ko na nakangiti na. Nakakagulat naman kasi itong si Matteo.

"We will make the announcements as soon as possible. Mayor West, would you take care of it?" ani Magnus.

Agad namang tumango ang Mayor na hindi kailanman umimik pero kita ko sa kanyang masaya siya. Mangiyak-ngiyak pa nga siya nang lumapit sa akin.

"Salamat, Ms. Simmons. Maraming salamat. Ito ang unang pagkakataon na may tumayo para sa aming mga witches. Kahit kasi Mayor ako ay wala akong lakas ng loob na gawin itong ginawa mo," aniyang medyo nakayuko. He was embarrassed, I realized.

"Huwag po kayong mag-alala. From now on, the Simmons family will take our duties to the witches seriously."

Masaya siyang lumabas ng conference room at sumunod naman ang mga matatandang vampires. Ang weird na tinatawag ko silang matanda kahit na mukha pa naman silang nasa twenties.

"Congratulations, Savannah," niyakap ako ng mga Atwood. Mangiyak-ngiyak din si Grams.

"Thank you sa inyo," ganti kong sabi. Para akong nabunutan ng tinik dahil at least alam kong may ginawa ako. I did something for the betterment of my people.

"Mrs. Atwood, pwede ba tayong mag-usap tungkol sa next delivery ng cabbages sa Upstate," bumalik si Magnus at agad na sumunod dito si Grams na inalalayan ng magkapatid na Faizah at Lorenzo.

Nang lumingon ako sa mesa at nakita kong nakaupo pa rin si Titus. Nagbabangayan naman sina Nadine at Matteo habang nakatayo na at handa na yatang lumabas.

Pinulot ko ang envelopes na naiwan sa mesa at laking gulat ko nang makitang tumayo si Titus at tinulungan ako. Hindi siya nagsasalita pero nakapagtataka pa rin ang ikinikilos niya.

Hindi na lang ako nagkomento hanggang sa lumapit siya sa akin at iniabot sa akin ang mga nakalap niyang envelopes.

Bigla siyang yumuko kaya nagulat ako. Inilapit niya ang bibig niya sa aking kaliwang tainga kaya ramdam ko ang init na nagmula roon.

"You did an amazing job today," mahina ngunit malinaw niyang sabi bago niya ako nilampasan.

Nanlaki ang mga mata ko saka ko siya nasundan ng tingin. Nakapamulsa siyang lumabas ng conference room at sumunod naman ang mga kaibigan niya na kumaway pa sa akin.

Napangiti ako.

This was just the first step. Nakikita ko na ang dahilan kung bakit kami napadpad sa lugar na ito. Unti-unti ko nang nararamdaman na ito na nga ang aming tahanan.

***

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon