𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟓𝟎

2.1K 93 31
                                    

𝗠𝗔𝗨𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗣𝗢𝗩

"MAURICE!!"

Gulat na tinignan ko ang sumigaw ng pangalan ko.

"B-bakit?" Huminga siya ng malalim at tumingin saakin ng may pag-alala.

"Okay kalang ba?kanina pa ako nagsasalita dito!" Umiwas ako ng tingin sa sinabi niya,totoo namang wala ako may naintindihan.

Bumabalik yung isip ko sa nangyari kanina yung labi niya ay sobrang-umiling iling ako at sinampal ang sarili ko.

"See?At umiling iling ka pa diyan hindi ka nga nakikinig" Naka simangot na sabi niya.

Napa kamot naman ako sa batok ko at binigyan siya ng pilit na ngiti.

"A-ah sorry pagod lang siguro ako,paki ulit nga ng sinabi mo!"umiling iling naman siya pero kalaunan ay ngumiti.

"Nevermind matulog kana" Seryosong sabi niya sabay tulak ng mahina sakin papuntang hagdan.

Binalingan ko pa siya habang nagtataka bago umakyat.Ngunit tumalikod na siya.

"Anong Nangyari don?"

TAMAD akong humiga sa kama at pumikit ng ilang minuto feeling ko ilang days na akong pagod wala naman akong ginagawa.

"Maurice"

Napa mulat ako ng may narinig kong may tumawag saakin.Kunot noo kong inilibot ang tingin sa silid ko ng makitang wala namang tao.

Tumayo ako at Dahan-dahang hinawi ang kurtina sa may Terrace.

Huminga ako ng malalim ng at pumikit ng makitang walang tao doon.

Iminulat ko ang mata ko ngunit bigla ding sumigaw ng makita ang tao na nasa harapan ko.

"AHHH AMP-" bigla niyang tinakpan ang bibig ko at sinandal ako sa pader malapit sa pinto.

"Hmmm,Hmmm" Tumingin siya sa likod ko bago binalik ang tingin saakin.

"Noisy!" malamig na turan niya bago pinakawalan ang kamay niyang nasa bibig ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko sakanya.

Hindi niya ko pinansin at pumasok sa kwarto ko.

"Hoyy Sabing anong ginagawa mo dito eh!" Naiinis na tanong ko ngunit kagaya kanina ay hindi niya ako pinansin at pumunta sa pintuan ng kwarto ko.

Natatarantang hinila ko ang damit niya bago pa siya makalapit sa pinto.Noo hindi siya pwedeng makita ni Kaiser at hindi pwedeng makita niya si Kaiser!

"DARTH!!" Madiin na bigkas ko sa pangalan niya,kaya't natigilan ito at tumingin saakin.

Umiwas ako ng tingin ng makitang may iba't ibang emosyon sa mga mata niya na hindi ko mapangalan.

"A-ano ba kasing ginagawa mo di-" naputol ang sasabihin ko ng maka rining ng ilang yapak sa may pinto.

'Ilang yapak?'

Kumunot ang noo ko at bago pa makapagsalita ay biglang bumukas ng malakas ang pintuan.

"Maurice"

"Maurice

" BABY!!"

Napa kurap ako at napa ismid sa nakita kong tatlong tao sa may pintuan hindi ko alam kong matatawa ba ako o maiinis dahil sa ginawa nila.

"Okay kalang ba?"

"Bakit ka sumigaw?"

"May pumasok ba sa kwarto mo,Tell me!"

REINCARNATE AS A VILLAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon