Chapter 6

0 0 0
                                    

Chapter 6

I look at the clock on my bedside table. Alas otso y media na. Dapat pagkatungtong ng alas nuebe ay tulog na dapat ako. Nga lang, hanggang ngayon ay hindi parin ako mapakali sa aking higaan.

Pagkatapos kong malaman ang oras ay bumaling naman ako sa pintuan ng aking kwarto. Hinihintay ang kapatid kong pumasok at tanungin ako sa nangyari kanina.

I expected Xavier to burst out and throw me questions when he saw me at the school's parking lot after that rough confrontation with Zandrius. Hinanda ko na ang sarili ko. Abot-abot na rin ang kaba ko at ilang beses ko ng inulit sa isipan ko ang idadahilan kung magtanong man siya. Pero nakapagtataka dahil nakauwi nalang kami ay hindi naman niya ako inusisa.

I observed him though. Baka tinatago niya lang at baka mamaya niya ako kokomprontahin. Napansin ko nga lang na parang wala naman siyang problema! Mukha pa ngang wala siyang alam e! Nanonood lang ng TV at tumatawa pa! Eh, hindi naman siya ganyan kapag may nalaman tungkol sa akin!

Napaisip ako at tumitig sa kisame. It made me think that what if Zandrius were just playing with me by telling me he told Xavier about it? Pero ang totoo ay hindi niya naman talaga sinabihan?!

I gritted my teeth. That is possible. Knowing that feelingerong singkit, he will do everything just to piss me off.

Matagal tuloy akong nakatulog kagabi sa kakaisip kung anong posibleng dahilan niya kung totoo nga ang iniisip ko. Kaya kinabukasan ay na late ako ng gising kaya na late na rin sa pagpasok sa eskwela!

Galit na galit si Xavier. Na late rin kasi siya dahil sa akin. Sabay kasi kaming pumapasok araw-araw dahil iyon ang gusto ni Mommy kahit na may mga bodyguards namang naka-antabay sa akin. Paano nalang kaya kapag nalaman pa niya na umiyak ako kahapon? Baka mas lalong dumagdag iyon sa galit niya! Mabuti nalang hindi naman pala sinabi ng singkit na iyon!

Bigla akong nainis nung naalala ang mukha ng lalaking iyon. Nakangisi habang sumisingkit lalo ang mga mata. Ugh! I shouldn't think of him! Masama na nga ang araw ko dadagdagan niya pa!

There was this school protocol that whenever we were late, we would list our names on the logbook and after that, we would pick up some trash before we proceeded to our respective classrooms. Marami-rami kaming na late kaya mabuti na rin 'yon kasi nakakahiya namang pumulot ng basura na kaming dalawa lang ni Xavier at sa harap pa talaga ng mga classroom! Marami pa namang usisero sa paaralang ito.

Napatingin ako sa kapatid ko habang inaayos ko ang pagkakasuot ng gloves ko na nirequest pa niya sa mga WATCH club officers. Hindi naman kailangan kasi napaka unfair sa ibang estudyante na pumupulot gamit lamang ang kanilang mga kamay. Samantalang ito ako at nag-iinarte. Nakakahiya tuloy sa tuwing tinitingnan nila ako. Hindi na nga sana ako papupulutin kaso ayaw ko namang maging unfair kaya pumayag nalang ako sa ganito.

Xavier was just standing though. Nagpapacute sa mga dumadaang estudyante. Nawala na iyong pagiging iritado niya kanina. Mukhang enjoy na enjoy pa nga habang binabati at pinupuri ng mga babae.

"Worth it ang pagiging late natin! Nagkaroon tayo ng pagkakataong makasama si Xavier! Gosh! Ang gwapo niya talaga!"

"Ang hot pa! My God! Buti nalang na late tayo!"

Naghagikhikan iyong dalawang babaeng estudyante na dumaan sa harap ko.

Umiling ako at ngumisi. Napansin ko rin na halos ganado ang lahat lalong lalo na ang mga babae at mukhang tuwang tuwa pa na na late dahil lang sa presensya ng kapatid ko. They should thank me though. Dahil sa akin, nagkaroon sila ng pagkakataon na masilayan siya.

When Tulips Bloom (High School Love Series 1)Where stories live. Discover now