𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 47

Start from the beginning
                                    

"Maybe you are right." Tipid na wika niya at ngumiti.

Rain Povs

Matataas na mga buildings, at kamangha manghang tanawin ang ibinibigay ng lugar na ito sa mga dumadayo. Hindi ko aakalain na sa pagpunta ko rito ay bibigyan ako nito ng kaginhawaan.

"Stop staring too much, di ka pa ba nakakapunta rito?"

"I don't know." Tanging sagot na lamang rito. Natawa pa ito sa aking inasal. Kahit ako, hindi rin ako sigurado kung nakapunta na rin ako dito.

Tumingin na lang ako sa bintana para tingnan ang paligid. Ang gaganda ng mga kasuotan nila, para sila ding mga model. Matatangkad sila at iilan naman ay ang gaganda.

May iilan din na mga bata na naglalaro sa gilid ng kalsada, at kita sa kanilang mga mukha ang saya. Pero parang may kakaiba sa mga tao rito? Para silang mga manika na pinapasunod ng kung sino, paulit ulit ang mga ginagawa nila at may bakas sa kanilang mukha ang takot.

Agad akong lumipat ng upuan at tingnan ang sa kabila. Napatakip ako ng bibig dahil ang mga lalaki na nakatingin sa sasakyan ay mga Darkians. Paano sila nakapasok rito?

"Rain, lumayo ka sa bintana. Naghahanap sila ng tiyempo para sugurin tayo. Yumuko ka lang at uupo tayo dito sa sahig para mas safe." Sinunod ko naman ang utos niya. Kahit na mainit ang sahig ay hindi ko na lamang ininda. Ang kailangan kong tutukan ng pansin ay kung paano kami makakatakas sa kanila.

"Manong, be careful. Bilisan mo ang pagpapatakbo ng sasakyan. NOW!" Kita ko ang pagkagulat nito at binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. Muntik pa akong mauntog pero mabuti na lang at nabalance ko ang sarili ko.

"Andito na tayo sa palasyo. Mag-ingat po kayo." Saad ni Manong. Unang lumabas si Rodolfo at nang masigurado niya na ayos na ang lahat ay pinalabas niya na rin ako. Nagmamadali ding umalis ang sasakyan, baka dahil na rin sa takot.

"Enemies are here. They are surrounding us. We have to be more attentive, they might shoot us if we will lose our guard."

"Don't worry. Everything will be fine." I smiled at him. Ipinikit ko ang mga mata ko at nadetect ko ang mga position ng mga Darkians. Nagpalabas ako ng mga poison needle at nirelease ito papunta sa pwesto nila.

Kita ko kung paano gumulong pababa ang mga kalaban na siyang ikinagulat din ni Rodolfo. Hindi niya inaasahan na ganoon ang kanyang makikita kahit na alam niya na magkakaroon ng laban sa pagitan namin at ng mga Darkians.

"Rain? Did you do that?" Napapeace sign na lamang ako.

"Warn me kung may ganon ulit."

"Sige sige."

Ipinagpatuloy namin ang paglalakad hanggang makarating kami sa entrance ng palasyo. Kanina ay nasa may bungad lamang kami ng palasyo pero ngayon andito na kami.

"Shit! Samurai Darkians?" Nilingon ko si Rodolfo at kita ko kung paano nagsulputan ang mga samurai. Mukhang pinaghandaan nila ito. Ang pinagtataka ko lang? Asan ang mga kawal dito?

Inilabas ni Rodolfo ang Espada niya kaya ganon din ang ginawa ko. Napasinghap pa ang ilan dahil sa nakita nila ang hawak hawak ko.

"Walang atrasan ito! Laban na!!" Sigaw ko kaya tumakbo rin sya sa gawi ng mga kalaban.

Iniharap ko ang mga kalaban at itinaas ang kamay ko. Nagpalabas ako ng waterballs rito at ipinatama sa kanila subalit iniwasan lang nila ito.

"Shit! Yung reflexes nila!"

"They won't be a samurai kung di man lang nila kayang idodge ang mga atake ng kanilang kalaban." Tama si Rodolfo. Tumingin ako sa mga puno at nagpalabas ng vine muna doon. Agad kong itinutok ito sa mga kalaban kaya napukaw ang kanilang atensyon rito. Agad akong sumugod at dumaan sa mga vines para makapunta sa kalaban. Tumalon ako ng mataas at pumaikot papunta sa likod ng samurai.

"You-" Itinurok ko rito ang aking espada at dali daling pinagsasasaksak ang mga kalaban na busy ngayon sa pagpuputol ng mga vine. Sunod ko namang ipinalabas ang mga itim na ulap at ipinunta ko sa puno. Tama ang naiisip ko. Mas lalong tumaba at tumigas ang mga vine ngayon kaya nahihirapan silang putulin ito.

"Malapit na Rodolfo." Napaiwas ako nang biglang may kalaban na may hawak na espada. Nilingon ko ito ay sinipa ang espada sa kanyang kamay. Hindi ito alerto kaya nahulog ito sa lupa.

"Last words?"

"Die."

"Okay, die now." Sinuntok ko ang mukha nito at hindi man lang umilag. Nilabas ko ang espada at agad agad na itinurok ito sa kanya. Naawa naman ito dahil hindi man lang ito lumaban at hinayaan niya na mamatay ang kanyang sarili.

A/N: New Update. February 20, 2024

DON'T FORGET TO:
•VOTE
•FOLLOW ME IN WATTPAD: •(BlackRhunterxWP)
•ADD ME IN FACEBOOK:
•BlackRhunterx WP

Elemental Princess of England 2  (The Missing Savior)Where stories live. Discover now