His POV

5 2 0
                                    

LEVI's POV

Maaga akong dumating sa church since I play the saxophone for the Musical Worship. For those who are interested to know me, I am Levi Hudson. My favorite instrument is saxophone. I’ve been playing it since I was little so you can say that I know the instrument by heart. 

When I arrived, wala pang masyadong tao sa simbahan. I decided to do warm ups first. Sa totoo lang, saxophone is really hard most especially because it would cause you lots of air from your lungs. Kailangan kasi siyang hipan para tumunog. Buti namaster ko na ito kaya madali na para sa akin. Pero may mga araw pa rin na nahihirapan ako. 

“Good morning, Lev! Doing warm up?” bati ni Kaira sa akin na kararating lang. A worship leader and also a friend of mine. 

“Good morning. Yeah”

“I see. Sige iwan na muna kita jan.” sabi niya tas umalis na rin. 

Maya-maya pa ay nagsidatingan na ang mga tao. Pero may isang tao akong hinihintay makita pero di ko mahagilap. Baka late na naman yun. 

Nang magsimula na ang Musical Worship, bigla siyang dumating kasama ang parents niya. I smiled in my heart at that. Natatawa talaga ako sa poker face niya, di ko malaman kung anong iniisip niya. But when you come close to her, makikita mo naman na hindi siya poker. I witnessed that because she has been my saxophone student for like 6 months. Sayang at hindi na siya nagpatuloy. Naging busy na kasi siya sa school noon. So kahit ayaw ko man, wala rin akong magagawa. When she stopped coming, dun ko na realize na nakuha na pala niya ang atensyon ko. I suddenly find myself looking out for her everytime she’s near me. Sa una naisip ko, baka little sister lang ang nararamdaman ko para sa kanya but then I thought of Hannah, my ex-girlfriends younger sis. And I don’t seek her like I seek Avich. Ooops! That was supposed to be a secret but  I guess I can’t keep her a secret for long. 

When the Sunday service was over, I immediately excused myself from Van who was talking non stop to me. Kailangan ko kasing makausap si Avich. I scanned the crowds na unti - unti nang lumakad palabas ng church. There I saw her walk away with  her parents. 

Lumakad ako at tinawag siya pero hindi naman siya lumingon. Seems like hindi niya ako narinig dahil tuloy-tuloy lang siya sa paglakad. Kung sundan ko kaya?

I decided against it and went to Kuya Marv. My biological brother and our youth pastor. “Kuya, I went to her but seems like hindi niya ako naririnig.”

"Sino? Si Avich ba? Ba't di mo hinabol?" Tanging tanong niya na nakapagtaas ng isa kong kilay. 

"She seems out of it. "

"Out of it?" Kuya asked with a frown. 

"Actually, kanina ko pa siya napapansin sa service.." salita ako ng salita, hindi ko namalayan na nakangiti na pala ng nakakaloko si Kuya sa akin.

"Uy Lev, baka si Avich na yung bread of life mo sa Sunday ah, hindi na si Je-sus. " sabi niya sa akin still wearing a teasing smile.

I looked at him with a defensive frown and said. "Kuya, stop talking nonsense."

He gave me a snort and said. "Naku, di mo ko maloloko, Lev. May ganung moments  rin ako nung kaedad kita. Saka ano pang dinedeny mo jan eh alam ko na naman ang pagtingin mo dun? Anyways, siguro magbibigay nalang ako ng message kay Ate Marga." 

I decided to ignore the first things he said. "Okay." Tumango si Kuya sa akin at umalis na.

Isa kasi kami sa naimbitahan ng house of prayer para sa worship burn for the entire month. Worship burn is about worshiping God non stop by singing to Him, playing instruments to Him and such. At ngayon, we need people in our worship team to join the activity on our assigned schedule. And since Avich is one of the members of our team, nagbabakasakali kaming baka gusto niyang mag volunteer. Si Kaira lang kasi ang nagcommit sa mga singers kaya we were hoping na sana sumali rin siya. 

Can You Break the Walls Around Me?Where stories live. Discover now