"Erza!"

I looked up, only to see Kuya Earl, watching me gag. He ran towards me and patted my back as I spit out all the remaining food in my stomach.

Tumawag siya ng nurse para asikasuhin ang kalat na ginawa ko matapos kong mailabas lahat. Dinalahan din niya ako ng damit at sinamahan patungo sa banyo.

He helped me in changing my clothes because I can't move my hand. I'm weakening. Kahit ayaw ko, hinayaan ko na si Kuya na bihisan ako.

"What happened? Why am I in the hospital?" I asked him when he put me back to the bed. Hindi ko maalala ang nangyari kagabi. Ang alam ko lang, nasa harapan ko si Snow White, and everything turned black after that.

"You passed out in an empty alleyway because you're too drunk. It's a good thing some passerby helped you and brought you here. And I'm thankful she's a girl," He gave me a pointed look and all I can do is to look away. "Nag-alala ako sa 'yo, Erza. 'Di ba sinabi ko naman sa 'yo noon na 'wag kang masyadong iinom? You have low tolerance to alcohol."

Tumungo ako. "I'm sorry." Sumikip ang dibdib ko. Naabala ko pa si Kuya. Alam kong madami siyang trabaho pero ito siya ngayon, nagbabantay sa 'kin.

"I don't want this to happen again," He smiled at me. Dahil doon, mabilis na nawala ang bigat sa dibdib ko. Kuya Earl is the best brother I have. Hindi niya kayang magalit sa 'kin ng matagal. "By the way, your officemates dropped by. Dahil tulog ka pa, nauna na sila," He jabbed his thumb towards the side table. May nakapatong na isang basket ng prutas at isang boquet ng white rose doon. "The CEO dropped by, too."

Nanlaki ang aking mga mata. "Steffan?"

Nagkibit-balikat siya. "Is that his name? Well, hindi rin naman siya nagtagal dahil mukhang nagmamadali 'yong modelong kasama niya."

Hindi na lang ako nagsalita. He's the reason why I got drunk last night. Not that I'm blaming him for what happened, naisip ko lang na dahil sa...nasaktan ako sa nakita ko, lumampas ako sa limitasyon ko pagdating sa pag-inom ng alak. I shouldn't have done that. I made Kuya Earl worry about me.

"Erza, gusto ko mang bantayan ka pero kailangan ako sa opisina, eh. But would you like me to stay?"

Napatawa ako. "You'll definitely stay when I say yes but I can't cause you anymore trouble. I'll be fine here. Mabuti na din naman ang pakiramdam ko."

Ngumuso siya at tinapik ang ulo ko. "Okay, pero kapag may kailangan ka, tawagan mo lang ako."

With one last kiss in my forehead, he headed back to work.

Dumako ang aking tingin sa boquet ng white rose. Kinuha ko ito at inamoy. Galing siguro ito kay Hazel. Siya ang mahilig sa bulaklak.

"My card pa talaga, ah?"

Kinuha ko ang card at sinimulang basahin. Kumabog ang aking dibdib nang malamang 'di ito galing kay Hazel.

I'm really worried. Please get well soon. And don't drink too much ever again.

Steffan

I read the letter over and over again. It's really from Steffan. His thin, delicate, elegant cursive hand-writing was etched in the paper making it looked like a masterpiece.

Sumandal ako sa headboard ng kama. Hindi na dapat ako umasa, alam ko. Pero 'di ko maalis ang ngiti sa mga labi ko.

He's too kind. Sino ba namang hindi magkakagusto sa isang katulad niya?

Inabot ko ang remote control na nakapatong sa bed side table. Nakakabored naman kung wala akong gagawin dito. Manonood na lang ako ng TV.

Pagkabukas ko ng TV, saktong balita ang palabas. Napaayos ako nang upo nang makitang ang nasaksihan ko kagabi. Ang nakalagay sa headline ay pagkamatay ng actress politician na si Alicia Mendez sa gilid ng bar na pinuntahan namin kagabi.

Snow White is a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon