Excited na ako! Sa second floor na ang kwarto ko. Mas matatanaw ko na ang dagat malapit sa amin. Iniisip ko pa lang iyon, parang mas lalo akong gaganahan mag aral habang iyon ang nakikita ko. Sana matapos na agad!

"Sa amin ng Tatay mo, sa'yo, sa mag asawang de Montejo at sa anak nila." paliwanag ni Nanay.

Sumubo ako ulit ng ulam at nginuya iyon bago sumagot. "Ilang po ba ang anak nila? Isa lang? Hindi ba siya pwede sa kwarto?"

Biglang nasamid si Tatay kaya inabutan ito ng Nanay ng tubig. Ininom niya muna iyon bago bumaling sa akin.

"Lalaki ang anak ng Tito Cielmo mo," turan niya.

Napa awang ang bibig ko. Hindi ko inasahan iyon. Simula nang makwento ni Tatay ang tungkol sa pamilya ng kaibigan niya, inisip kong may babae agad na anak. Naiplano ko na sa isip ko na pwede ko silang makasama, igagala ko sila sa probinsya. Tapos ay lalaki pala.

Ngumiwi ako at binaba ang kutsara. "Ganun po ba? Hindi ko po alam," dismayado kong sagot.

Nilagyan ulit ni Nanay ng pritong bangus ang plato ko. "Kumain ka pa. Ang rinig ko matalino iyon, pagdating niya malamang hindi iyon gagala at tatambay lang sa bahay. Magbabasa ng kung ano-ano, magkakasundo kayo kung pareho kayo ng hilig. Nakakatalino itong isda, ubusin mo." aniya.

Tahimik ko itong tinignan. "Hindi po ako mahilig mag aral at bakasyon ko iyon. Bakit ako magbabasa ng mga libro?" naguguluhan kong sabi at napakurap-kurap.

Natigilan ito at nagkatinginan sila ni Tatay. Umiling-iling na lang si Tatay at iniba na ang usapan.

"Hayaan mo na..." rinig kong bulong nito kay Nanay.


Dalawang buwan na lang at matatapos na ang school year. Ibig sabihin apat na buwan na lang third year high school na ako. Ang sabi-sabi nila, third year daw ang pinaka relax sa high school. Dapat lang ano, nakakapagod kaya. Panay pa ang pa-project. Sana hindi na ganun sa susunod na taon.

At isa pa, malapit ng matapos ang bahay namin.

"Anong binibilang mo diyan?" umupo si Aneva sa gilid ko.

Lumipat ang mata ko sa kanya ngunit hindi ako gumalaw sa kinauupuan. First subject na namin ng hapon at nag aantay lang kami ng teacher. Kaya habang walang ginagawa ay binibilang ko muli ang araw sa daliri ko hanggang magbakasyon.

"Araw hanggang sa magbakasyon." simple kong sagot.

Nalukot ang mukha niya. "Last week binibilang mo ang araw sa kalendaryo ng science room, kahapon linggo ang binibilang mo. Ngayon nandyan ka nanaman? Ano ba kasing meron?"

"Baka may inaasahan sa bakasyon." makabuluhang singit ni Rina at kinuha ang isang upuan, inikot iyon at itinabi sa amin ni Aneva.

Inilapag nito ang bag sa mesa ko at halatang kararating lang at late na naman.

Naguguluhan na tumingin si Aneva sa kanya matapos ay sa akin. Nanatiling walang reaksyon ang mukha ko, kaya lalo itong hindi mapalagay. Para bang may responsibilidad akong sabihin sa kanya lahat nang nangyayari sa buhay ko.

Kahit naman si Rina walang alam. Binibiro lang siya.

"Ano nga? May nililihim ba kayong dalawa sa akin?!" tumaas ang boses niya, kunot na ang noo.

Umiling-iling na lang ako at umayos na ng upo.

Humalakhak pa si Rina at lalong hindi nakatulong.

"Pinaplastik niyo ako?! Ano? Ano?" patuloy niya, pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante. Napaka ingay naman.

"Hindi! May pagka oa ka rin! Tanong mo si Geneva, hindi ko rin alam bakit nagkakaganyan 'yan." sagot na ni Rina.

Humugot ako ng malalim na hininga at humarap sa kanilang dalawa.

How I Ended Up With You (To the Dreams of my Youth Series 1)Where stories live. Discover now