Pikon!!

"...And please don't shout, ang lapit ng kausap mo sisigaw ka pa.."Iritang sabi niya.

Hindi naman kalayuan yung convenient store dito dahil sa labas lang siya ng village namin kaya mabilis din kaming nakarating.

Pagkadating namin ng convenient store ay nagpark lang siya ng kotse niya, pero bago pa ako makalabas ng kotse ay bigla na lang siyang nagsalita..

"Lalabas kang ganyan?.."seryosong tanong niya.

"Yeah, what's wrong with my clothes?"curious na tanong ko dahil naka tshirt naman ako.

"Your wearing maong short and I think it's to revealing.."He said.

"Hindi naman.."

Well, I think so..

"Are you comfortable?"Tanong niya bigla.

"Yeah?"

"I mean ngayon ka lang nagsuot ng ganyan kaiksing short, kaya alam kong hindi ka komportable.."

Psh panira naman..

..Pero Oo, hindi talaga ako nagsusuot ng revealing clothes or ganito kaiksing short kaya pinapagalitan talaga nila ako kapag pinipilit kong suotin yung mga damit na hindi ako komportable.

Wala namang masama, sabi pa nga nila Dad na wala naman daw masama kung mageexplore, diba?..

Kaya sinusubukan ko talagang magsuot ng mga damit na hindi ako komportableng suotin para masanay ako.

"Actually hindi, ang hirap naman magpanggap na girly.."pag-amin ko sakanya.

"Exactly, Don't push yourself, kung hindi ka komportableng magsuot ng ganyang mga damit, wag mo nang suotin.."seryosong sabi niya.

"But I just wanna try, yung mga ibang babaeng kaedad ko kayang magsuot ng mga ganto, tapos ako hindi.."I said.

Gusto ko lang naman makibagay..

"Iba sila, Neya.. kaya nilang magsuot ng ganyang damit kasi sanay sila, ikaw hindi ka komportable kaya wag mong ibagay yung sarili mo sakanila, mas okay yung wala silang nakikita sayo kesa yung marami silang nakikita sayo.."mahinahong sabi niya sabay abot sakin ng itim na pants.

Kinuha ko yun at ipangdoble sa suot kong maong short, kaya lumabas na siya ng kotse.

Kuya Ash was playful but there's a time that he was really protective on me especially when I'm not comfortable to someone, he always there when I needed someone to talk to, he is always there when Mom and Dad was busy.

Kapag wala sila Dad, Mom and Kuya Dem, siya yung nag-aasikaso ng lahat, siya yung nag-aalaga sakin kapag may sakit ako, kaya din wala pa siyang girlfriend ay dahil ayaw niya daw muna at para din daw maaalagaan niya pa ako. hindi na ako bata pero yun yung turing niya sakin, isang nakababata niyang kapatid.

Well I'm the youngest though..

Lumabas din ako agad pagkasuot ko nung pants dahil gumagabi na, baka hanapin na din kami ni Kuya Dem.

"Let's go.."sabi niya sabay hatak sakin papasok ng convenient store.

Pagkapasok namin ay kumuha na siya ng mga kailangan niyang bilhin, ako naman ay nakasunod lang sakanya.

"Wala kang bibilhin?"Tanong niya habang namimili ng loaf bread.

"Meron.."sagot ko habang nakatingin sa mga binibili niya.

"Then, buy it.."sabi niya.

"Libre mo ba?"Tanong ko dahil hindi naman ako nagdala ng pera.

Sinadya ko talaga yun para ilibre niya ako!!

He sighed and stared at me.

What are you looking at huh?!!

"You have your own money, go buy your own need.."He said, irritated.

Hysst!!

"I don't have money, okay?.."I said.

"Then why are you here, and I thought Kuya Dem just gave your allowance this last Wednesday?"He asked.

"You brought me here, remember? And yeah Kuya Dem just gave my allowance this last Wednesday but I didn't brought it, cause I thought ililibre mo ako.."I said.

"Tf!! Neya, I asked you if you'd want to come with me, I didn't say that I'll gonna be your sugar daddy, okay?"He said, annoyed by what I've said.

Bastos!! Para libre lang sugar daddy agad?!!

"Pwede naman.."sugar brother.

"Fine! buy your need and I'll pay for it.."He sighed in defeated.

"Thanksamnida kuya Abo.."saad ko tsaka kumuha ng mga chocolate drinks.

Sa Convenient store talaga kami bumubili ng mga stocks sa bahay pero kapag hindi umaalis sina Dad sila yung bumibili ng mga stocks pero sa mall sila namimili kasi may mga bisita o mga investors na pumupunta at nagdidinner sa bahay. Wala naman kasing problema samin kung sa convenient store binibili yung mga pagkain namin kasi nakakain pa din naman tsaka parents namin nagsabi na 'aanhin mo ang mamahaling pagkain kung hindi naman nakakain' our parents always taught us how to be contented, ikaw man ang pinakamayaman sa mundo ay dapat alam mo ang salitang yan.

Pagkatapos naming mamili ay nagbayad na agad si kuya Ash para makauwi na kami..

Pagkauwi namin ay inayos agad nila Kuya Dem yung mga dala naming groceries kaya umakyat na ako sa kwarto ko para matulog, umuwi na din sila Daven pagkadating namin.

Kinabukasan ay late na akong nagising dahil late din naman akong natulog kagabi pero dahil sabado naman ay ayos lang.

Kakagising ko lang ay may kumatok agad sa pinto ng kwarto ko.

"Neya gising na, nakahanda na yung breakfast mo sa baba.."Pagtawag sakin ni Mama Janica, siya ang pinagkakatiwalaan nila Mom dito sa bahay, siya din ang nag-aalaga samin ni kuya Ash kaya malapit talaga siya sa amin.

She was 43 years old and she's serving our family since I was 3, siya din ang nagbibigay utos sa iba pa naming kasambahay dahil siya ang pinakamatanda, wala siyang anak dahil nasa ibang bansa ang asawa niya.

Mama Janica ang tawag namin nila kuya Dem at kuya Ash sakanya dahil halos siya na ang nag-aalaga samin lalo na kapag wala sina Dad..

Well, lagi naman talaga silang wala..

"Opo, bababa na po.." magalang na sabi ko.

Dumiretso agad ako ng banyo para maligo at makapagpalit ng damit na pambahay.

Pagkababa ko ay kumakain na sila Kuya Dem.

"Morning.."bati ni Kuya Dem sakin ng makita niya ako.

"Morning."bati ko din sakanya tsaka ako umupo sa katapat niyang upuan.

"Good morning, Neya~!!"masayang bati ni Kuya Ash nang makita ako, may hawak pa siyang baso ng choco milk at toasted bread na may strawberry jam.

"Lower your voice.."striktong sabi ni kuya Dem.

"Tsk, oh breakfast mo.."sabi niya sabay lapag ng mga hawak niya sa harap ko.

"Tenchuu.."I cutely said.

Pagkatapos naming kumain ay umalis na si kuya Dem dahil may meeting daw siya ngayon, si Kuya Ash naman ay bibili ng mga kailangan niyang materials para sa plates niya kaya sumama na din ako dahil bibili din ako ng mga law books na kailangan ko.

Hindi talaga kami masyadong pumupunta kung saan-saan dahil sabado is time namin ni Kuya Ash para gawin lahat ng mga projects at readings namin.

Pumunta kami ng national bookstore dahil doon ako bumibili ng mga law books na kailangan ko at may mga materials din doon na kailangan ni kuya Ash para sa plates niya kaya dun na din siya bumili.

The Last RainfallHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin